CHAPTER FOUR (REVISED)

16 2 0
                                    

THE HAUGHTY VISITORS 2

Trigger Warning! (Violence, Child abuse)



"BAYAD PO, DALAWANG WESTVILLE." Pag-abot ni Jepoy sa jeepney driver.


Ala-sais na nang gabi kaya naman nagmamadali na kaming umuwi ni Jepoy dahil paniguradong malilintikan kami pareho kay Lola.


Dahil sa hindi kami nakatambay kanina sa playground ay naisipan na lang namin gumala. Mabuti na lang at may dala kaming pera kaya nagpunta kami sa may Zapote Dos dahil may ilang mga tropa kaming nakatira roon. Doon na lang kami tumambay hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.


Dito talaga ako sa Bacoor, Cavite lumaki. Napunta lang naman ako sa probinsya nang mapagpasyahan ni Lola na iuwi muna ako. May ilang pangyayari kasi noon na nakaapekto talaga sa pag-aaral ko kaya sa probinsya ko na itinuloy ang pag-aaral. Si Kuya naman ang naiwan kay Lola no'n. Nagpunta lang siya rito sa Cavite noong mag-ko-kolehiyo na siya at umuwi rin pagka-graduate. Si Jepoy naman ay nakasama ko na rin dito sa Cavite noon. Naging magkaklase pa kami hanggang sa mauna siyang umuwi ng probinsya at doon na rin pinagpatuloy ang pag-aaral.


Third year college na 'ko ngayon. Pareho kami ni Jepoy. Magkaiba nga lang ang kinuha naming kurso. AB Theater Arts ang sa'kin at BS Aeronautical Engineering naman ang kan'ya. Oo, pangarap niya talagang maging piloto kahit na mas mukha pa siyang liliparin ng hangin dahil sa payat niya. Charr!


May itsura naman 'tong si Jepoy, itsurang gagawa nang masama. Charr! Actually, kung sa panlabas na kaanyuan, mata at ilong niya ang ipanlalaban ko. Medyo singkit kasi siya tapos itim na itim 'yung mga mata. Ang ganda rin nang pagkakahubog sa ilong niya dahil matangos talaga. 'Yung labi nga lang medyo makapal kagaya ng mukha niya. Medyo matangkad lang si kuya sa kan'ya ng kaunti at naghahalong kayumanggi at pula ang kulay ng balat niya. In short moreno.


"Hoy! Ano nanamang iniisip mo." Nagulat ako sa pagtapik sa'kin ni Jepoy. Hindi ko namalayang huminto na pala sa kanto ng Westville ang sinasakyan naming jeep. Naunang bumaba si Jepoy at sumunod naman ako. Napatingin ako sa relong suot ko at mahinang napamura nang makitang malapit na mag-ala-siete nang gabi.



Putspa! Patay talaga ako kay Lola nito. Sana lang ay wala na sila Tita Mildred sa bahay dahil kung hindi ay pareho nila akong sasabunin.


Nagmamadali na kaming maglakad ni Jepoy dahil wala na kaming nakitang side-car na nakatambay sa kanto. Halos hingalin ako sa bilis nang lakad ni Jepoy. Malamang kabado na rin ang isang 'to dahil mapapagalitan din siya ni Lola. Isa pa naman sa pinakakinatatakutan naming lahat ay ang magalit si Lola. Mas nakakatakot ang mga tingin no'n kaysa sa mga horror movies na pinapanood ko.


Lumiko na kami papuntang phase two kung saan naroroon ang bahay nila Tita Maya. Nang makalagpas sa guard house ay mas lalo pa naming binilisan ang lakad. Malapit na kami sa may court nang mapatingin ako sa playground. Naalala ko nanaman yung lalaking nakita ko kanina. Kailan ko kaya ulit siya makikita.


"Eyang, bilisan mo naman lakad mo." Pagmamadali ni Jepoy.


"A-ah o-oo, eto na." Sinabayan ko na ulit siya sa paglalakad, hindi ko kasi namalayang bumagal ang lakad ko. Kasalanan 'to nung lalaking may matambok na wetpaks!


Papalapit na kami sa gate ng bahay nang mapansin kong nakatayo roon si Kuya na mukhang may hinihintay. Nang makalapit kami ay agad niya kong sinermunan.


"Saan ba kayo galing?" Tanong nito.


"Sa Zapote. Kanila Monmon." Sagot ko.


"Kanina pa kayo hinahanap ni Lola! Akala nga namin ay aatakihin siya dahil sumakit ang dibdib ni---" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil pumasok na 'ko agad.


ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now