CHAPTER THIRTEEN

11 1 0
                                    

VOLUNTEER




Maaga akong nagising para makapaghanda ng mga dadalhin ko. Ngayong araw kasi ang outreach program na gagawin ng Medical Org. Dapat ay noong isang sabado pa pero masyado yatang na-busy ang mga miyembro kaya inusog nila ang date ng program. Nagtataka ba kayo kung bakit ako nasama eh taga Theater Org ako, kasi nga 'di ba parusa ito no'ng guidance counselor dahil sa pagsapak ko sa Adi na 'yun. No choice tuloy ang Eyang ni'yo kundi ang mag-volunteer.



Binilisan ko na ang pagkilos dahil naalala kong sasabay nga pala ako kay Erick.




Remember, taga Medical Org siya.




Nang matapos ang pag-aayos ay sinukbit ko na ang back pack sa kanang braso ko at sa kaliwa naman ay ang hand bag na dala ko na may lamang mga personal na bagay bagay. Basta alam ni'yo na 'yun!




Pagkabukas ko ng pintuan ay siya namang paglabas ni Kuya sa kwarto nila. Napatingin ito sa mga dala ako at napakunot noo.




"Akala ko ba wala kang pasok?" Tanong nito.





"May parusa ako, remember?" Sagot ko rito na may pagtaas pa ng kilay.




"Manapak ka pa ulit." Aniya sabay kuha sa mga gamit ko. Napanguso na lang ako sa sinabi niya.




Kasalanan ko bang nakakairita 'yung mukha ng Adi na 'yun. Sarap pasaan ng mukha niya sa totoo lang!




Pababa kami ng hagdan nang pasalubong naman paakyat si Jepoy. At halata mo pa lang sa mukha niya na mang-aasar ito.




"Anong mukha 'yan? Para kang bibe." Tatawa tawa nitong sabi.




"Ikaw nga mukhang ostrich araw-araw pinansin ko ba?" Balik kong asar sa kan'ya.




Imbis na maasar ay lalo pa itong natawa at nang pumantay sa'kin ay inihilamos niya ang kaliwang palad niya sa buong mukha ko sabay takbo paakyat.




"Ang bango 'no. Galing ako banyo, katatae ko lang." Sigaw nito sabay pasok sa kwarto.




"P*ta, ang baboy mong h*yop ka!" Inis kong sigaw dahil alam kong maririnig naman niya 'yun. Sinaway naman ako ni Kuya dahil sa pagmumura ko. Napairap na lang ako habang nakanguso ulit.




Pagkababa ay dumiretso ako sa may banyo at naghilamos ng mukha. Sabihin ni'yo ng maarte ako pero maarte talaga ako period!
Naamoy ko pa ang sumpang iniwan ni Jepoy kaya binuksan ko ang maliit na bintana sa may kanang pader malapit sa ulo ng shower. Nang matapos ay lumabas na rin ako at dumiretso ng lamesa para mag-umagahan.




Lahat sila ay nakaupo na sa harap ng hapag maliban sa'kin at kay Jepoy. Hindi naman gano'n karami ang pagkain sa mesa. Tipikal na umagahan lang tulad ng pandesal, mantikilya, itlog, sinangag at cornbeef na nilagyan ng patatas. Nasa ayos na ang plato ko at kukuha na lang ng pagkain, sa tabi nito ay isang baso ng mainit na tsokolate na laging kong iniinom tuwing umaga. Hindi kasi ako umiinom ng gatas at kape dahil mabilis akong magtae. Alam niyo 'yun kumukulo 'yung t'yan ko kapag umiinom ako ng mga gano'ng klase ng inumin.




"Saan ba ang outreach ni'yo?" Tanong ni Lola.




"Sa Baguio po yata." Seryosong sagot ko sabay subo ng sinangag na may cornbeef.




"Yata? Bakit 'di ka sigurado? Tapos sa Baguio pa, ang layo no'n, Eyang." Sabi ni Kuya, na halata mong may pagtutol sa tono ng boses nito. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko sinagot si Kuya.




ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now