CHAPTER EIGHT (REVISED)

8 2 1
                                    

SULKNESS

ARAW NG SABADO.


Halos isang linggo na rin pala ang nakalipas nang magsimula ang klase ko. Hindi ko na masyado na pansin ang araw dahil sa rami ng mga gawain. Grabe iba talaga kapag kolehiyo na, hindi na uso 'yung salitang pahinga.


Biruin niyo ba naman, nang second day ng klase namin ay binigyan agad kami ng play nung Prof namin sa isang major subject. Sa December na agad ito ipe-perform.


September na! Kulang ang tatlong buwan na preparasyon para sa play na gagawin namin.


Ni hindi na nga ako magkanda-ugaga sa mga ginagawa ko. Grabe unang linggo pa lang pero parang pang prelims na 'yung mga pinagagawa sa'min. Sunod sunod na projects ang ibinigay sa'min, sama mo pa 'yung sandamakmak na quizzes at recitations.


Tapos noong Thursday ay sumali pa 'ko sa theatre org kaya mas dumoble pa lalo ang pagiging busy ko.


"Good afternoon, students." Bati ng Professor namin sa Theatrical Performance, isa sa mga major subs namin.


"Good afternoon, Prof. Agustin." Sabay sabay naman naming bati pabalik.


"For today, I will announce your roles in our play." Paliwanag nito.


"Ms. Oropesa," napatingin ako kay Prof. Agustin nang marinig kong tinawag niya ang apelyido ko.


"You're going to direct the play."


"Noted po." Nakangiting saad ko.



"Tss. Dapat ako 'yan." Napatingin naman ako sa kaliwa ko nang marinig ko ang mahinang pasaring ng babaeng katabi ko.


Tumingin din siya sa'kin sabay irap. Ay attitude si ateng.


Nagkibit-balikat na lang ako at nakinig na ulit. Sunod ko namang narinig na tinawag ang apelyido ng katabi ko.


"Ms. Uzon, you'll be the female lead in the play and you," sabay turo nito sa isa pang katabi ni Uzon. "Mr. Herrera, you'll be the male lead in the play."


Matapos kaming bigyan ng roles nang Prof namin ay nagpaalam na rin ito at ibinigay niya ang natitira niya pang oras sa'min para makapag-usap usap kami tungkol sa play na gagawin namin.


Nagpunta ako sa harapan ng klase at humarap sa kanila.


"Guys, makinig kayo." Panimula ko.


Agad naman silang nagsi-ayos ng upo at naghihintay sa sasabihin ko.


"Beauty and the Beast ang play natin. Siguro naman ay hindi na bago sa inyo 'yun 'di ba." Nagsitanguan naman sila.


"So, hindi na tayo masyadong mahihirapan. 'Yung mga naka-assign sa lightings and props, bibigyan ko kayo ng apat na araw para mag decide kung ano anong dapat gamitin." Paliwag ko sa team na naka-assign para sa backstage.


" 'Yung mga kasama naman sa cast, may limang araw kayo para aralin 'yung magiging characters niyo." Sunod ko namang sabi.

"At kayong dalawa," turo ko kanila Vanee at Adi. "Dahil kayong dalawa ang lead characters, bibigyan ko kayo ng isang linggo para aralin ang characters niyo."

Sinang-ayunan naman 'yun ng lahat pwera lang kay Vanee na kanina pa masama ang tingin sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero irap lang ang iginanti niya. Inirapan ko na lang din siya kahit hindi naman niya na 'yun nakita pa.

ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now