CHAPTER ELEVEN

6 1 0
                                    

HIS SIDE

"MAHAL KO SIYA."


Aaminin kong sobrang nagulat ako sa rebelasyon ni Kuya. Ramdam ko na 'to noon pa pero isinawalang bahala ko lang dahil iniisip ko noon napaka-imposibleng maging malambot ng kuya ko. Masyado siyang lalaking- lalaki tignan. Matipunong pangangatawan, makinis at maputing kutis ng balat, at isa pa kung itsura ang pagbabasehan talagang hahabol-habulin siya ng mga babae. Pero sabi nga sa isang kasabihan, don't judge the book by its plastic cover! Charriz.



"Galit ka ba, bunso?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tanong ni Kuya.


"H-ha?"


"Ang sabi ko kung galit ka." Pag-uulit niya.


Tinignan ko naman maigi ang mukha niya. Mababakasan ito ng pangamba, marahil ay natatakot siya sa isasagot ko.


Napabuntong-hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.



"Hindi ako galit." Sabi ko. Sa narinig ay bahagyang umaliwalas ang mukha niya. "Pero nagtatampo ako kasi hindi ka agad nagsabi sa'kin." Dugtong ko pa.



Totoo 'yun, nagtatampo talaga ako dahil hindi siya agad nagsabi. Tanggap ko naman siya kahit na ano pa man siya. Pero iisipin ko na lang na baka may dahilan kung bakit hindi siya nagsabi agad. Iintindihin ko na lang dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo kuya ko pa rin siya.



Natahimik muli ang paligid, iginala ko ang aking paningin at dumapo iyon sa dalawang taong nakatayo sa 'di kalayuan sa'min. Sina Kuya Eman at Jepoy. Kapwa seryoso ang mga mukha nila habang nag-uusap. Napatingin ako kay Kuya Eman, hindi rin naman talo ang lalaki kung itsura ang pagbabasehan. Matipunong pangangatawan, morenong kulay ng balat, at may katangkaran din ito. Sa totoo lang ay hanggang balikat niya lang si Jepoy. Nabasag lang ang pagmumuni muni ko nang magsalita ulit si Kuya.



"Tatlong taon na kami." Panimula nito. Napatingin naman ako sa kan'ya at nakita kong kay kuya Eman na siya nakatingin. Napatingin na rin ulit ako kanila Kuya Eman.



"Bago magtapos ng kolehiyo ay naging kami. Noong una niyang sinabing gusto niya 'ko ay hindi agad ako naniwala." Pagpapatuloy niya.



"Napakahirap paniwalaan dahil hindi ko naman siya nakilala bilang taong nagkakagusto sa kaparehas niya ng kasarian. Marami akong pagdududa noon pero nawala ang lahat ng mga 'yon nang makita ko ang pagpupursigi niya para lang makita at maramdaman ko na totoo 'yung nararamdaman niya para sa'kin. Hindi ko na namalayan na sa paglipas ng mga araw ay unti unti na rin pala akong nahuhulog sa kan'ya. Hanggang sa isang araw bago ang graduation namin ay sinagot ko siya. Sobrang sarap sa pakiramdam na, sa wakas ay naipakita ko na rin sa lahat kung ano at sino talaga ako. Tinanggap naman nila kami, masaya sila para sa'min. Alam din ng buong pamilya niya at masaya sila para sa'min. May iilan na napapataas pa rin ang kilay kapag nakikita kaming magka-holding hands sa daan, pero isinasawalang bahala na lang namin."



"Eh, bakit sa'min hindi mo sinabi? Sa akin?" Pagputol ko sa kan'ya.




Napabuntong hininga muna siya bago sagutin ang tanong ko.



"Natatakot ako." Panimula niya.



"Natatakot ako sa magiging reaksyon niyo. Sa reaksyon mo. Napangunahan ako nang takot na baka, hindi ni'yo ko matanggap, na hindi kayo pumayag sa relasyon naming dalawa. Kaya hindi ko masabi kasi natatakot ako na baka mag-iba 'yung tingin mo sa'kin." Paliwanag niya.



Dahil sa narinig, kahit papaano ay naintindihan ko siya pero naroon pa rin sa'kin ang pagtatampo dahil parang hindi siya nagtitiwala sa'kin na matatanggap ko siya.



ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now