CHAPTER TWO (REVISED)

18 3 0
                                    

CAVITE

"PALIPARAN, APAT PA!"

Kanina pa 'ko naiirita kay Manong. Paano ba naman kasi, kanina pa siya apat nang apat eh mukha na kaming isda dahil siksikan na.

Grabe ang hirap talaga kapag punuan ang jeep!


Sa wakas, matapos ang ilang oras na pagtatawag ni Manong ay nakaalis na rin kami. Grabe akala ko forever na kami roon kahit na wala naman talaga no'n. Psh!


Hapon na nang makarating kami sa bahay ng Tita ko. Si Tita Maya, bunsong anak ni Lola, ang pinakamabait sa mga anak niya. Napatingin ako sa bahay na nasa harapan ko. Well, malaki ang pinagbago nito. Nang huling punta kasi namin dito halos pabulok na 'yung gate, tapos yung ilang salamin ng bintana may lamat na, bakbak na rin ang kulay kremang pintura ng pader.


Ngayon halos magmukhang bago yung bahay. Sliding na yung bintana, may screen door muna bago mag main door. Pinabago na rin nila ang kulay ng buong bahay. Napangiwi na lang ako dahil halos mag kulay rainbow na ito. Malamang siya nanaman ang nakaisip ng kabaduyang ito.


Naupo agad ako sa sofa nilang mukhang mamahalin dahil sa lambot nito. Nilibot ko rin ang buong sala gamit ang paningin ko. Hay grabe, kung anong ikinakulay nito sa labas mas dumoble pa yata rito sa loob!


Ako pa lang ang nandito sa sala. Si Lola kasi ay sinalubong ni Tita kaya malamang na nag-chichikahan pa 'yun sa labas. Si Kuya at Jepoy naman dumiretso sa kwartong itinuro sa kanila ni Tita. Yung mga gamit ko naman, pinadala ko na rin kay Jepoy para ipasok sa magiging kwarto ko.



Nagmumuni muni pa 'ko nang makarinig ako ng sigaw na mula sa likuran ko.


"COUSIN!"


Shocks! Eto na siya!


Dali daling tumakbo ang dalagang bumaba sa hagdan papunta sa akin. Agad niya akong unundayan ng yakap na para bang sobrang tagal na naming hindi nagkikita.


"Ano ba, bitaw nga!" Inis kong turan. Agad naman siyang umalis at hinampas ako nang mahina.


"Eto naman, parang na miss lang naman kita." Sabi niya sabay nguso.



"Gaga, ang OA mo! Pitong buwan palang nang huli tayong nagkita." Mataray kong sabi.



"Ang tagal kaya no'n," pangangatwiran niya.


"Tigil tigilan mo nga ako, atsaka ano ba 'yang suot mo? Ang sakit sa mata."


"New trend."


Napangiwi na lang ako sa isinagot niya. Grabe hindi ko talaga malaman kung anong trip ng babaeng 'to sa buhay. Paano ba naman kasi kung gaano kakulay ang bahay nila, gano'n din kakulay ang mga suot niya.


Mula sa red na ribbon ponytail, orange na malalaking bilog na hikaw, dilaw na braces, green na kwintas, blue polka dots na dress, hanggang sa violet na bracelet.


Nakakasuka talaga ang fashion taste ng pinsan kong 'to. Wala sa ayos, bukod sa muntik niya nang kumpletuhin ang rainbow colors ay sobrang sakit talaga nito sa mata. Para akong mahihilo kapag tinitignan ko siya. Kaya bago pa 'ko mairita sa kan'ya ng tuluyan ay pinaalis ko na siya agad.


"Hmp! Sungit!" Sabi nito sabay irap sa akin. Mabuti na lang at umalis na rin siya dahil hindi ko na talaga makaya ang presensiya niya.


Nang mawala na siya ay ipinikit ko muna ang mga mata ko. Sobrang pagod talaga ako dahil sa haba ng byahe namin. Ala-singko kasi kami umalis sa probinsya tapos anong oras na kaming nakarating dito. Dagdag mo pa yung pinsan kong walking rainbow kaya hindi na lang katawan ko ang masakit, pati na rin mata't ulo ko.


Dahil sa pagod at lambot ng sofa ay unti unti akong nilamon ng antok. Gabi na nang magising ako. Napabalikwas agad ako nang maalala kong sa sofa nga pala ako nakatulog. Pero hindi na pamilyar ang lugar, malamang ito na ang kwarto ko. Lumabas na ako at bumaba dahil naramdaman ko na rin ang gutom.


Naabutan ko silang nagtatawanan sa may sala.


"Oh apo, gising ka na pala." Untag ni Lola, siya kasi ang unang nakapansin sa'kin.


"Hindi La, kaluluwa ko lang 'to." Tamad kong sagot dahil sa iantok pa 'ko.


"Hala, ang galing! Paano mo nagawa yan?" Sarkastikong saad ni Jepoy.


Binato ko sa kan'ya ang napulot kong papel sa lapag at tatawa tawa naman niya itong nailagan. Dumiretso na ako ng kusina dahil halata namang ako na lang ang hindi pa nakakakain. Madali ko namang naubos ang pagkain ko at pagkatapos ay hinugasan ko na rin ang mga ginamit ko. Saka ako bumalik sa sala para maki-chismis sa kanila.


"Oo nga po pala Ma, bukas ay baka pumunta sila Ate Mildred kasama ang buong pamilya niya rito." Rinig kong sabi ni Tita.


"Gano'n ba?" Si Lola.


"Opo. Gusto raw po kasi nila kayong makita." Sabi pa ulit ni Tita.


"Makita? O baka naman magmayabang nanaman." Sabat ko.


"Eyang." Saway sa'kin ni Lola.


Napairap na lang ako at nagpaalam sa kanilang aakyat na ulit ako. Ayokong marinig ang usapan nila kung tungkol lang naman iyon sa Tita kong mayabang. Naiirita lang ako.


Aabangan ko na lang sila bukas kung anong klaseng kayabangan nanaman ang baon nila. Sa ngayon, kailangan ko munang magpahinga para naman may energy ako bukas sa pambabara sa isa ko pang Tita't mga pinsan na paparating.




_____END OF CHAPTER TWO______

ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now