CHAPTER FOURTEEN

2 1 4
                                    

VOLUNTEER 2



MAAGANG nagising ang lahat tulad ng habilin ni Veronica kagabi. Agad na kumilos ang iba niyang mga ka-miyembro kasama na rin ang tatlong lisensiyadong mga doktor na dumating kaninang ala-singko nang umaga.



Nagtataka kayo kung bakit may mga doktor na kasama, eh feeding program lang naman ang hinanda ng Medical org, well, ako rin! Eme!




Akala ko rin no'ng una ay feeding program lang ang gagawin, may balak din pala silang medical mission sa lugar na pupuntahan namin.



Nakipag-cooperate sila roon sa ospital na pagmamay-ari ng eskwelahan namin. Nalaman ko lang 'yun kanina nang tanungin ko si Veronica kung bakit may mga doktor na kasama. Napakibit-balikat na lang ako sa sagot niya.




Natapos ko na ayusin ang mga gamit na dadalhin ko nang dumaan sa harapan ko si Jepoy. Pormadong pormado ang lalaki na akala mo'y kabahagi talaga siya ng grupo.




"Ayos ah, hindi pinaghandaan." Pang-aalaska ko sa kan'ya.




Tinignan lang ako ng h*nayupak sabay 'pogi sign'. Binato ko naman siya ng paper cup na nakita ko sa gilid ko at ayun, sapol sa mukha ang g*go!




Pairap naman itong umalis sa harap ko. Dumiretso ito sa pwesto kung saan naroroon sina Veronica at animo'y tutulong sa paglalabas ng mga dadalhing gamit sa lugar na gaganapan ng programa.




Minsan lang magpaka-gentledog ang isang 'yan kaya lubusin na nila. Haha




Ilang sandali pa, nang masiguro nila na kompleto na ang lahat ng kakailanganin ay umalis na rin kami. Kay Erick pa rin kami sumabay ni Jepoy pero this time ay kasama na rin namin si Veronica. As usual, si Erick ang driver, si Veronica ang nasa passenger's seat at kami naman ni Jepoy ang nasa likod. Hindi naman masikip dito dahil nasa compartment lahat ng gamit namin. Pagkatapos kasi nang gaganapin na programa ay deretso uwi na kami sa Cavite.





Hindi naman tumagal ng thirty minutes ang byahe dahil bukod sa hindi naman ganoon kalayo and lugar ay hindi rin naman traffic. Siguro dahil sa maaga pa.




Pagkababa namin ng sasakyan ay naabutan namin na inilalabas na rin ng mga kasamahan nila Erick ang mga gagamitin nila para sa programa. Meron silang dalang apat na mesang di tupi, isang set ng mono block chairs at ang iba ay mga gamit na kailangan nila para sa medical mission mamaya.




Halos isang oras din ang tinagal ng pag-aayos dahil marami silang gamit na dala. Ang hindi lang yata nila dala ay 'yung tent na alam kong hiniram lang nila sa barangay ng lugar dahil may naka-print pa ritong mukha ng politiko.




Pasado alas-diyes nang magsidatingan ang mga batang tutulungan ng Medical org. Marami rami ito at di ko alam kung sasapat ba ang mga dala nila.




"Ang dami palang bata rito, magkasya kaya 'tong mga dala nila?" Pabulong kong tanong sa katabi kong si Jepoy.




Nakatoka nga pala sa'kin ang mga school supplies at personal hygiene na ipamimigay sa mga bata. Dapat dalawa kami no'ng tukmol na si Adi ang toka rito ang kaso nga lang ay hindi sumipot ang loko kaya mabuti na lang at sumama si Jepoy kaya hindi ako nag-iisa. Tsaka okay na rin na wala siya at baka mapikon nanaman ako kapag nakita ko 'yung nakakaasar niyang mukha at para na rin magmukhang mabait naman si Jepoy kahit minsan. Haha




"Malay mo naman may back up plan sila, in case maubusan." Seryoso nitong sagot sa'kin.




Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya at itinuon ko na lang ang pansin sa mga batang maayos nakapila sa unahang mesa.




ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now