CHAPTER FIVE (REVISED)

18 2 0
                                    

EXTRA ORDINARY DAY

ARAW NG BIYERNES.

Dalawang araw na lang at magsisimula na ang second sem. Kung wala lang talaga akong pangarap ay hindi na talaga ako mag-aaral. Pero syempre joke lang! Magtatapos pa rin ako kahit nakakatamad na, sa panahon pa naman ngayon, kapag wala kang pinag-aralan akala mo kung sino ka ng bobong nilalang sa mga feeling matatalinong tao!


Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang magkabangga kami ni Tita Mildred. Matapos ng eksena ay umuwi rin naman sila. Hindi raw kasi niya masikmura na magkasama kami sa iisang bahay. Pabor naman sa'kin 'yun dahil ayaw ko naman talaga na magkasama kami. Matapos ng mga pangyayari no'n ay bumalik na ulit ang lahat sa normal.


Ngayon ay nandito ako sa kama ko at nakasalampak lang. Tinatamad talaga akong kumilos dahil bukod sa hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ay siguro ramdam na ng katawan ko ang nalalapit na pagbabalik sa eskwelahan. Sa probinsya ko talaga balak magtapos pero dahil sa gusto nga ni Lola na umuwi na rito ay baka rito ko na talaga gugulin ang ilang mga sandali ng pag-aaral ko.


Balak kong mamili ng mga gagamitin ko para sa Lunes, may ilang mga gamit pa pala kasi akong naiwan sa probinsya na kailangan ko pa sa eskwelahan. Magpapasama na lang siguro ako kay Jepoy mamaya sa SM.


"Eyang." Pagtawag sa'kin mula sa labas ng kwarto ko. Napabangon tuloy ako sa higaan dahil sa lakas ng katok nito sa pinto.


"Teka lang, eto na," inis kong sabi. Grabe naman kasi makakatok 'to, balak pa yatang butasin yung pintuan.


Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong agad ang nakakaasar na mukha ni Jepoy. Napakunot ang noo ko dahil ngiting ngiti si g*go.

" 'Nu 'yon?"


"Bilis! Baba ka muna," sabi nito sabay hila sa'kin.


"Teka nga lang, baka madapa ako." Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.


Hindi rin naman ako nagtagumpay kaya hinayaan ko na lang siya. Pagkababa namin ay sumalubong agad ang apat na malalaking kahon na nakatambay sa may sala.


Nakita ko sina Lola na binubuksan isa isa ang mga kahon. Hindi nila ako napansin agad dahil busy sila sa pag-aasikaso ng mga 'yon.



Parang alam ko na kung kanino galing ang mga 'to.



"Eyang, para sayo 'to." Si Kuya. Napansin niya na 'ko kaya iniabot niya sa'kin ang isang itim na kahon.


Agad ko naman 'yon kinuha at binuksan. Nakita ko ang isang manika na sa tantya ko ay hindi lang basta basta ang halaga. Mukhang mamahalin eh, pati amoy, amoy lilibuhin.


"Ano 'ko, bata." Iritang sabi ko sabay bato ng kahon sa may sofa.



At dahil dakilang pakialamera si Mikeila ay dinampot niya ang kahon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.


"Omg! Cous, sobrang mahal nito." Inilabas niya ang manika sa kahon nito at ngiting ngiti siyang hinaplos ang buhok nito.


"Alam mo bang one thousand and seventy-five dollars ang halaga nito." Dagdag pa nito.


Napatanga naman ako sa sinabi niya. Putspa, sa payat ng manika na 'yan may halaga pa pala 'yan.


"Akin na nga," agaw ko sa manika kay Miks.


ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now