CHAPTER SIXTEEN

10 0 0
                                    

COMING HOME



DALAWANG LINGGO na ang nakalipas no'ng huling mag-usap kami ni Zai. Lahat ng dapat kong marinig nang gabing 'yon ay narinig ko mula mismo sa bibig niya.




Oo, naging boyfriend ko siya, no'ng hayskul kami. Nasa ikalawang taon ako at siya naman ay ikatlo. Plano na ng buong pamilya niya na manatili sa states pagka-graduate niya ng hayskul at doon na siya pinagpapatuloy mag-college ng mommy niya. Dati pa naman silang pabalik-balik sa states pero nakapagdesisyon ang mga magulang niya na roon na sila manirahan talaga.



Noong una ay ayaw pumayag ni Zai dahil nga maiiwan niya ako. At syempre dahil bata pa at masyado pang emosyonal ay hindi rin ako papayag na malayo siya sa'kin. Napagkasunduan namin na kakausapin ang mga magulang niya para hindi na siya isama nito paalis ngunit bago pa mangyari 'yun ay may masamang balita silang natanggap at wala siyang choice kundi ang umalis ng bansa.




Dala ng immaturity, ay nagalit ako sa kan'ya. Nakipaghiwalay ako dahil ang nasa isip ko noon ay sinungaling siya. Ang sinabi niya ay hindi niya ako iiwan kahit na anong mangyari pero ginawa pa rin niya. Mas lalo akong nagalit sa kan'ya noon dahil hindi man lang niya nagawang makapagpaalam o magpaliwanag man lang sa'kin. Basta na lang siya umalis at iniwan ako na durog na durog.




Pero sa paglipas ng mga taon ay na realized ko rin naman ang mali ko. At unti-unti rin siyang napatawad ng puso ko. Lalo pang naghilom noong nagkausap kami no'ng gabing 'yun. Ipinaliwanag niya sa'kin ang dahilan ng pag-alis niya at naintindihan ko na 'yun ngayon.





Nang gabi ring 'yon ay humihingi siya ng pangalawa pang pagkakataon para maayos ang mayroon sa'ming dalawa pero tinanggihan ko ang alok niyang 'yon, ipinaliwanag ko sa kan'ya na hindi pa ito ang tamang oras para ituloy ang kung ano mang mayroon sa'ming dalawa at isa pa gusto ko munang tuluyang humilom ang sarili ko sa nangyari sa nakaraan, saka ko na siya bibigyan ng isa pang chance kapag tuluyan nang nawala ang lahat ng sakit sa puso ko. Bagamat may lungkot ay naintindihan at nirespeto naman niya ang desisyon ko.





"Eyang, tara na." Boses ni Kuya ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ko.




"Nagsasapatos na lang." Sagot ko pabalik.





Pagkatapos ko maisuot ang kaliwang sapatos ko ay agad na 'kong tumayo at lumabas ng kwarto. Sa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang ingay sa kusina.




Never na talaga natahimik ang bahay na 'to.





"Lola, bakit kasi hindi na lang kayo sumama?" Sabi ng lalaking nangungulit na alam kong si Jepoy.





"Matanda na 'ko, Jepoy. Hindi na para sa'kin ang malalayong byahe." Sagot rito ni Lola.





"Eh, hindi naman po malayo ang pupuntahan natin, La, sa Batangas lang." Kumbinsi pa rin ng lalaki.





"Ano nanamang kakulitan 'yan, Jepoy." Pagtataray ko pagkarating ko ng kusina.





"Ikaw nga pumilit, baka pumayag." Utos nito sa'kin.




"Kapal mang-utos ha." Sabi ko rito sabay irap.





Pupunta kasi kami ngayon sa Lian, Batangas para mag-outing. Niyaya kami ni Kuya dahil alam niyang mabu-busy na kaming lahat lalo na ako by next week since two weeks na lang bago maganap ang play na pinaghirapan namin. Si Jepoy naman ay busy sa kadahilanang hindi ko alam, pake ko naman sa sched no'n? Charr lang!



Ewan ko ba kung anong pinagkakaabalahan no'n this past weeks at kung minsan ay hatinggabi na umuuwi, basta ba hindi ilegal, all goods kami.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now