CHAPTER SEVEN (REVISED)

14 2 0
                                    

FIRST DAY OF SCHOOL

"EYANG! ANO BA, MALA-LATE NA TAYO!"


"TEKA LANG NAMAN!" Sigaw ko pabalik sa naninigaw sa'kin. Halos hindi na 'ko magkanda-ugaga sa pagsasapatos.


Hindi ko naman kasi namalayan 'yung oras. Napakadaldal naman kasi ni Jepoy. Paano'y pagkakain namin kagabi ay nagkwentuhan ulit kami hanggang sa 'di na namin namalayan ang oras. Kaya ayun ang ending, late akong nagising.


"Sige, tagalan mo pa!" Iritang sigaw nito.


"Oo, eto na eto na," sabi ko matapos kong maisuot ang black shoes ko.


"Puyat pa." Seryosong sabi ni Kuya.


Napaismid naman ako sa sinabi niya, kasi naman ako lagi 'yung pinagagalitan eh si Jepoy naman 'yung pasimuno.


"Tara na." Pagmamadali ni Jepoy.


Mabilis kaming naglakad papuntang sakayan ng pedicab para maihatid kami hanggang kanto. Pero bago pa kami makalapit ay may bumusinang sasakyan na papalapit sa direksyon namin.


"Hey, papasok na kayo?" Si Louise pala.


"Oo eh, nagmamadali na kami." Sagot naman ni Jepoy.


"Saan ba kayo?" Tanong nito.


"Sa Las Piñas lang ako, si Eyang naman Manila pa." Sagot ulit ni Jepoy.


"Sabay ka na sa'kin, Eros." Yaya nito kay Jepoy.


Napataas naman ang kilay ko kasi siya pa lang ang kauna unahang babae na pinayagan ni Jepoy na tawagin siya sa pangalawang pangalan niya. Kahit sa'kin hindi kasi siya nagpapatawag na Eros, masyado raw nakakagwapo baka pagkaguluhan siya ng mga babae. Grabe ang kapal talaga ng mukha!


"Pa-Las Piñas din naman ang daan ko." Anang babae. "Ikaw naman, Eyang. Sumabay ka na kay Erick, pa-Manila rin naman ang daan niya." Dagdag pa nito.


Napatingin naman ako sa sasakyang kalalabas lang sa garahe. Natulala ako sa nakita ko. Isang Aston Martin Victor ang nakikita ko ngayon. Like what the fudgee barr! Sobrang mahal no'n, halos hundred million ang halaga nito. Gano'n ba sila kayaman?


Napabalik lang ako sa reyalidad nang tapikin ako ni Jepoy.


"Laway mo tumutulo na."


Napakunot naman ang noo ko at wala sa sariling napahawak sa gilid ng labi ko.


"G*go." Mura ko sa kan'ya nang wala naman akong naramdamang laway.


Tatawa tawa naman si g*go at sumakay na sa sasakyan ni Louise na may sinasabi rin sa buhay. Edi sana all, kayo na mayaman!


Nagpaalam lang sila sandali at umalis na rin. Ako naman ay walanghiyang sumakay sa passenger's seat ng sasakyan ni Erick. Putspa! Bakit pa 'ko mahihiya eh minsan lang naman 'to no, tsaka isa pa, dream car ko kaya 'to!


Nginitian ko lang siya nang tipid at gano'n din naman ang ginawa niya. Tinanong niya lang ako kung saan ang daan ko at sakto namang pareho pala kami ng eskwelahang papasukan. Sinimulan niya na paandarin ang sasakyan at umalis na.

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang kiligin. Hindi dahil sa driver kundi dahil nakasakay ako sa isa sa mga rare na sasakyan sa buong mundo. Pero nagtataka ako kung bakit mayroon siyang ganito. I mean given na, na mayaman siya pero ang alam ko bawal 'to ilabas dahil pang race car type ang sasakyang ito.


ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now