CHAPTER NINE (REVISED)

10 2 0
                                    

SORRY

ISANG LINGGO.

Isang linggo na 'kong hindi pinapansin ni Jepoy. Sa tuwing sinusubukan ko siyang kausapin ay lagi na lang siyang may dahilan. Kesyo marami pa siyang gagawin o kaya naman pagod siya at kailangan niya na magpahinga.


Nang una ay hinahayaan ko lang siya dahil naiintindihan ko kung bakit siya nagalit pero habang tumatagal ay naiirita na rin ako. Nakailang sorry na 'ko sa kan'ya pero ang kupal mukhang may balak pa yatang magpa-hard-to-get. Nagtataka pa nga ako kung paano niya nalaman na kumain kami ni Erick sa labas eh hindi ko pa naman nasasabi sa kanya 'yun. Kaya tinanong ko siya, ang sabi niya lang mag-online ako na siya namang ginawa ko.


Pagkabukas ko pa lang ng facebook account ko ay nabungaran ko agad ang sandamakmak na notification na galing sa isang post na naka-tag sa'kin.


'My special day with her.'


'Yan ang caption na nakalagay sa picture na ako pala ang nakalagay. Picture ko na nakatingin sa plato habang may kagat kagat naman akong manok.


Hindi naman halatang patago akong pinicturan ano? Grabe sa lahat ng pwede kong maging picture, 'yung may kagat kagat pa talaga akong manok.


Noong umaga nang linggo ko lang ito nakita. Kung hindi ko pa kinulit si Jepoy ay malamang wala pa rin akong alam sa post na 'to ni Erick. Shutaness!


At isa pa sa pinoproblema ko ay ang comment ng mga kaibigan ko na malamang ay nakita ang post ng lalaki.


Monmoneng: Naks! Seneol!

Ishiperez: lah, walang forever uyy!

MayEstrada: takaw ampots! Di namimigay!

LouiseAragon: cutie!

At marami pang ibang nag-comment na kakilala ko at 'yung iba naman ay hindi, pinsan niya lang yata 'yung kilala ko sa friendlist niya. Pero ang pinakanakaagaw talaga ng pansin ko ay ang isang comment na nanggaling sa nagngangalang Merianne.


MerianneMontereal: Good to see that you two, are having a great time together. What a beautiful grown up baby.


Napakunot-noo ako sa comment niya. Wala naman kasi akong kilalang Merianne.


Dahil sa kuryosidad ay napagpasyahan kong bisitahin ang timeline niya. Wala rin naman akong nakitang kakaiba, puro halaman, mga bulaklak o 'di kaya snow lang ang naka-post na mga larawan sa timeline niya. May nakita nga akong picture niya pero nakatalikod naman. Tanungin ko na lang si Erick kapag nagkita kami.


"Eyang, gising na may pasok ka pa." Sigaw ni Kuya sa may labas ng pinto ko.


Hindi ko siya sinagot para akalain niyang tulog na tulog pa 'ko. Nag-uunat unat pa ako at nagpapagulong-gulong sa kama nang marinig ko nanaman ang sigaw ni Kuya, pero this time with matching malakas na katok sa pintuan na.


"Eyang, ano ba! Hindi ka ba babangon d'yan." Pagalit niyang sabi habang kumakatok nang malakas.


"Oo na, eto na nga." Sigaw ko rin upang ipaalam na gising na 'ko.


"Bilisan mo riyan."


"Aye aye, Kuya!"


Nang hindi ko na marinig si Kuya ay tumayo na rin ako at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan ko. Tapos ay dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng isang pares na uniform at undies ko. Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay lumabas na rin ako ng kwarto at naglakad na pababa.


ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now