CHAPTER TWELVE

5 1 0
                                    

VANEE UZON


"FROM THE TOP!"


Sigaw ng Direktor namin na si Jazy Palancia. Nandito kami ngayon sa isang room kung saan ay naririto ang mga estudyanteng kasali sa Theater org.


"Ano ba?! Nakakailang ulit na tayo sa part na 'to, ayusin niyo naman na." Inis na sambit ng babae.


Paano ba naman kasi ay simula kaninang alas-tres pa kami nagpapraktis at hanggang ngayon ay hindi pa nangangalahati 'yung istorya na napapraktis ng mga aarte. Hindi na nga nakapasok sa kan'ya kan'yang klase ang ilan kasama na 'ko. Pero hindi naman big deal 'yun dahil ipinagpaalam naman kasi ng sekretarya ng org na si Kyle Romana sa mga Prof namin, na liliban muna kami sa klase dahil nga sa inorganisang play ng Theater org, para sa darating na school festival.


Sa totoo lang ay wala naman akong role, nasa grupo kasi ako ngayon ng gagawa ng props. Hindi muna ako binigyan ni Jazy ng mabigat na trabaho dahil alam niyang may isang play pa 'kong mas kailangang pagtuonan ng pansin. Pero ang kabilin-bilinan ni Jazy ay kahit hindi kami kasali sa mga aarte ay kailangan pa rin naming pumunta sa praktis para maoobserbahan daw namin ang bawat pagpapalit ng scene. Which is, naiintindihan ko dahil parehas kaming nagdidirek ng play.



Napatingin ako sa babaeng kapapasok pa lang sa pintuan. Si Vanee. Naka white shirt ito na pinaresan ng rip jeans at pink rubber shoes. Mababanaag sa mukha ng babae ang kawalan ng emosyon.



Napatingin din ako sa babaeng papasalubong sa kan'ya na si Jazy na may seryosong mukha.



"Hindi ka nanaman tumupad sa oras." Diretsong sabi ni Jazy.



Nilampasan lamang si'ya ni Vanee at hindi nag-abalang sumagot sa babaeng sumalubong sa kan'ya. Dumiretso ito ng upo sa may bakanteng upuan na medyo malayo sa lahat.



Napailing na lang si Jazy at ang iilang nakasaksi ng ginawa ni Vanee. Ang iba naman ay nagsimulang magbulung-bulungan tungkol sa ginawa ng babae.



"Nakakahiya talaga ang ugali niyang si Vanee 'no, ni hindi man lang marunong gumalang sa ate niya." Rinig kong sabi ni Ikay. Isa sa mga nabigyan ng role sa play.



Medyo nabigla ako sa narinig dahil ngayon ko lang nalaman na magkapatid pala si Jazy at Vanee. Pero, hindi ko alam kung sinadya niya ba lakasan 'yung kwento niya o talagang malakas lang 'yung pandinig ko pagdating sa chismis.



"Magkapatid sila?" Tanong no'ng kausap niya.


"Ay, oo teh. Bali-balita noon na anak daw si Vanee ng mama niya sa ibang lalaki." Pagpapatuloy nito.



Medyo lumapit ako nang kaunti sa pwesto nila na hindi masyadong halata para mas marinig ko nang maigi ang pinag-uusapan nila.



"Pero hindi naman na-confirm kung totoo o hindi kasi pinaglaban ng papa niya na anak talaga siya nito ng buo." Aniya ng babae.



Napatango naman ang kausap nito at pinagpatuloy ang pagkukwentuhan tungkol sa magkapatid at kung ano ang pagkakaiba ng ugali ng mga ito. Sa narinig, siguro ay masasabi kong tama sila. Mas mabait nga naman si Jazy kung ikukumpara kay Vanee. Ngunit ayokong husgahan agad ang ugaling meron si Vanee dahil hindi ko naman siya lubusang kilala. Umalis na rin ako sa pinagpwestuhan ko at lumapit sa mga nagpapraktis.



Napalingon ako sa babaeng papalapit sa mga nagpapraktis. Mukha agad ni Vanee ang nakita ko na wala pa ring emosyon. Nakalimutan kong i-share na isa nga rin pala siya sa mga aarte. Hindi ko alam kung anong trip niya at nagpresinta na sumali sa mga aarte gayong alam niya namang may play rin kaming mas kailangan niya pagtuonan dahil siya ang bida roon. Kakausapin ko na lang siguro siya tungkol doon mamaya.



ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now