CHAPTER FIFTEEN

8 0 0
                                    

ZAI





NAGISING ako sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Lunes na nga pala, may pasok na.




Akma na sana akong babangon nang maunang bumangon ang katabi ko. Si Kuya.





'Di na ko nagulat pa kasi alam ko namang dito siya matutulog sa kwarto ko. Ganyan si Kuya kapag may sakit ako todo bantay talaga siya hanggang sa gumaling na 'ko.





"Matulog ka na ulit, wag ka na muna pumasok." Sabi nito.




Tututol sana ako dahil maraming gawain sa school ngayon ang kaso nga lang ay hindi niya ako pinayagan. Ang sabi niya ay daraan na lang daw siya sa school ko para ipagpaalam na liliban muna ako sa klase. Dahil sa sinabi ay hindi na 'ko nagprotesta pa hindi naman kasi ako mananalo.




Inalalayan niya akong tumayo sa kama para makababa na. Sinabi ko kasi sa kan'ya na mamaya na lang ako matutulog ulit pagkatapos ko kumain ng agahan.





Hindi naman na masyadong masakit ang paa ko, medyo nabawasan na rin ang pamamaga sa tulong ng hot and cold compress na ginawa ni Kuya gabi sa kanang paa ko. Medyo humupa na rin ang pamamaga ng pisngi ko at galos na lang ang medyo halata.




Pagkalabas namin sa kwarto ko ay sakto ring labas ni Jepoy sa kwarto nila ni Kuya. Halatang halata mo na kulang din ito sa tulog dahil papikit-pikit pa siya ng mata.




"Good morning." Sabi nito sabay hikab.





"Walang good sa morning ko." Nakasimangot ko namang sabi.




Hindi naman niya na pinansin pa ang sinabi ko at ginulo na lang niya ang buhok ko, hinampas ko naman ang kamay niya dahil sa ginawa nito. Tatawa tawa naman siyang naunang bumaba.





Nasa kalagitnaan pa lang kami ng hagdan nang marinig ko ang mga tawanan na nanggagaling sa hapagkainan. Sinabihan ko naman si Kuya na medyo bilisan ang paglalakad at alalay sa'kin dahil may naririnig akong pamilyar na tawa.





"Oh, tapos iho, ano ang nangyari?" Medyo natatawa pang tanong na alam kong si Lola 'yun.





"Ayon po, dere-deretso ang bagsak ko sa yelo. Haha!" Sagot naman ng pamilyar na boses sa tanong ni Lola.





"Uy! Repa, napadalaw ka." Sabi naman ni Jepoy dahil nauna siya sa'ming pumunta sa mesa.




"Wala pa kasing gagawin trops, kaya tambay muna." Masayang sagot nito.





Pagkapasok namin ng kusina ay nakita ko na kung sino ang kausap nila Lola. Napatingin naman siya kay Kuya at sinaluduhan ito. Tinanguan lang naman siya ni Kuya. At ang huli'y tumingin siya sa'kin nang may matamis na ngiti sa labi.




"Yumi." Sambit nito.





Medyo natulala lang ako sandali dahil malaki na ang ipinagbago nito kaysa no'ng huli ko siyang nakita. Mas tumangkad ito lalo, ang kulay ng balat nito ay hindi nalalayo sa kulay ng balat ni Jepoy, moreno. Napansing ko rin ang maliit na piercing nito sa kaliwang tainga at sa kanang kilay nito.




"May naka-miss pero 'di ko sasabihin." Napabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang asar ni Jepoy. Inirapan ko naman ito at ang loko ay nginisihan lang ako. Parang aso amp*ta!





"Ginagawa mo rito?" Tanong ko naman sa lalaking extra sa mesa namin sabay taas ng kilay.





"Miss mo na 'ko, kaya dumalaw na 'ko." At pinakita nanaman niya ang kan'yang pilyong ngiti.





ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now