CHAPTER SIX (REVISED)

13 2 0
                                    

BAD DAY


ANIM. PITO. WALO.

Walong package na ang dumating magmula pa kahapon.

Kung bata bata lang siguro ako ay baka na-excite pa 'ko, kaso hindi na excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil iritasyon na. Sino ba namang tao ang matutuwa na makatanggap ng regalo sa taong never nag-exist sa buhay nito.


Iisang tao lang naman ang magbibigay nang ganyang karaming package, si Mama.


Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko dahil hindi niya 'ko nakakalimutang padalhan nang kung ano ano o dapat ba 'kong mainis dahil simula nang ipanganak ako ay ni minsan hindi ko pa siya nakikita o nakakausap man lang.


Oo, tama kayo nang nabasa. Ako lang siguro ang nag-iisang anak na never pang nakita ang nanay niya kahit buhay naman 'to. Feeling ko tuloy ulila ako. Na kahit nandyan ang Lola ko, dama ko pa rin ang kakulangan sa sarili ko. Sa mga litrato ko lang siya nakikita. Nang bata pa 'ko lagi kong itinatabi sa'kin ang picture ni Mama kapag matutulog na 'ko sa gabi. Pero habang unti unti kong naiintindihan ang mundong ginagalawan ko, tinigilan ko na ang trip kong 'yun. Naisip ko kasi na kahit naman gawin ko pa 'yun ay hindi naman babalik ang mama ko. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.


Never ko pa kasi talaga nakasama ang mama ko. Kahit tawag, text o vc man ay never pa namin nagawa. Ang papa ko naman ay maagang namatay. Ang sabi ni Lola, ang pagkamatay ni Papa ang dahilan kung bakit umalis si Mama. Two months old pa lang ako no'n. Ni hindi ko maisip kung paano nakayanan ni Mama na iwanan ako sa ganoong kalagayan. Pakiramdam ko tuloy ay baka hindi niya 'ko mahal. Wala naman kasing matinong nanay na basta basta na lang mag-iiwan ng anak.


Masama na tuloy ang mood ko buong umaga. Hindi rin ako nakakain nang maayos. Napansin naman 'yun ni Kuya at tinanong niya kung okay lang ako. Tinanguan ko lang siya at hindi naman na siya nangulit pa. Pero ang makulit na si Jepoy ay hindi nakatiis. Hinila niya 'ko paakyat, papunta sa kwarto ko. Pagkapasok pa lang namin ay sinabihan niya ako na maupo sa kama at siya naman ay naupo sa lapag na katapat ko.


"Ano na? Bakit wala ka nanaman sa mood?" Tanong nito.


"Wala." Walang ganang sagot ko.


"Mama mo nanaman ba?" Tanong ulit niya.


Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Wala rin namang patutunguhan kung magsisinungaling ako sa kan'ya dahil kukuliti't kukulitin niya lang ako.


Alam na alam niya talaga ang mood ko. Kapag nakipagsapakan ako sa kan'ya alam niya na masaya ako. Kapag tahimik naman ay alam niyang malungkot ako.


"Alam mo, nakakainggit ka," biglang sabi ko.


"Bakit naman?" Takhang tanong niya.


"Kasi mahal na mahal ka ng nanay mo." Ngiting sabi ko na hindi umabot sa mga mata ko. "Iyong mama ko kasi parang wala lang ako sa kan'ya." Dugtong ko pa.


"Oo nga eh," pagngiti niya. "Mahal na mahal ako ni nanay kahit na hindi niya 'ko totoong anak." Sabi niya pa na ikinagulat ko.


"Hindi nga?" Gulat na sabi ko.


Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.


"Oo nga. Last year ko lang nalaman."


"Paano?" Tanong ko.


"Naalala mo nang umuwi tayo galing bukid?" Napatango naman ako sa sinabi niya.


"Naabutan ko sina Tatay, Nanay at 'yung totoo ko raw na mama."


"Oh, tapos?"


ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now