Chapter 30: His POV

97 4 18
                                    

Bryce's POV

Nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo. Nagkwekwentuhan sila ng kanyang bestfriends.

Ang ganda nya talaga, lalong lalo na pagnatawa. Nakakagaan ng loob.

Without knowing I was already smiling.

"Nginingiti mo dyan?"

"Wala." Binawi ko yun tingin ko kay Jay.

"Oh? Eh halos mapunit na yun labi mo sa kangingiti dyan. Sabihin mo nga, bakit mo pinagpapantasyan yan si Jayleen Aquino?"

"A-ah? A-anong pinagpapantasyan ang pinagsasabi mo dyan?! H-hindi no!"

"O sige, e di hindi. Pero wag mong ipahalata masyadong na namumula ka ah. Nagmumukha ka tuloy na babae."

Mas lalo ako nakaramdam ng init sa pisngi ko.

"Napaka pakielamero mo talaga Zinn!"

"Aray ko naman number 1! Pwedeng naman hindi manbatok ah!"

Matagal ko nang pinagmamasdan si Jayleen. Halos araw araw ata na papasok ako sa eskwela sya yun hanap hanap nung mata ko.

Nacucurious kasi ako sa kanya. I'm curious about her. I like her personality, she's so bubbly, funny and she has a bright aura. I like how she is.

I want to know her better.

Nung nasa canteen kami kasama yun Red Wolves, alam ko talaga na sa akin na katuon yun tingin nya. Kita ko sya mula sa pheripheral vision ko na pinagmamasdan nya ako kaya hindi ko talaga mainitindihan kung bakit sinabi nya na si Steph yun nakatitig sa akin e alam ko naman na sya yun.

Tuwang tuwa pa ako sa kanya nung nasa park kami. Nakasalubong ko kasi sya nung sinamahan ko si Lare sa may playground, laking laki na naglalaro pa, tsk.

Pero laking pasasalamat ko sa kanya kasi nakita ko yun crush ko. Malayo pa lamang tanaw ko na sya. Actually hindi nga ako na bored kasi tuwang tuwa nga akong panoorin sya eh.

She's so pretty kahit anuman ang ginagawa nya. Natutuwa akong panoorin sya habang nilalaro nya yun aso nya, si Dukkie. Actually ako yun nagregalo nun sa kanya, but she doesn't know it. Ipinabigay ko lang dun sa lolo nya kasi nahihiya ako. It was about.. 3 years ago? Yeah, ganun na nga.

Una kita ko pa lang kasi dun sa puppy ay sya agad yun naisip ko, wala lang..

Nung tinanong kami ni Lare kung nagdadate ba kami, ang sinagot ko ay oo. Oo naman talaga para sa akin, kasi nga crush ko sya. Pero nagulat ako ng isinagot nyang hindi, so siguro hindi nya nga ako gusto. Psht, asa pa ako.

Okay lang, crush lang naman eh, hindi pa mahal.

Yan yun inisip ko. Pwede pa naman pigilan ang crush pero pag mahal mo na ang isang tao? Wala ng bounderies. Kahit ano gagawin mo para lang sa kanya.

Everything that will make her happy. Even seeing her loving someone else.

Ah. Gusto ko na pala talaga sya. Badtrip.

Oo na, aaminin ko! Nagselos ako! Nagselos ako na halos mabugbug ko na si Tuizon. Ang sakit palang malaman na may ibang mahal yun taong mahal mo.

At sa lahat pa nang tao ay si Tuizon pa! E mortal ko yan kaaway eh!

Madalas namin makalaban yun team nila sa basketball. Most of the time palagi kami ang panalo. Of course, ang galing ko kaya!

Kaya ayun, I showed off all my abilities sa harap ni Jay, para mapatunayan ko sa kanya na I'm better than Karl. Pero anong ginawa nya? Si Karl pa ang chineer nya. Tangna.

Made by fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon