Jayleen POV
Tok Tok
"Anak ayos ka lang?" I heard mom's voice behind the door.
"Y-yeah. I-I'm alright. Just leave me alone."
I heard her sighing heavily and "Okay." as she left my door.
Mas lalo ko pang itinaklob sa akin sarili ang kumot ko at mariin na ipinikit ang akin nagmumugtong mata. Simula yata ng makabalik ako ng bahay galing sa ospital, ay wala na akong ginawa kung hindi umiyak.
Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwarto ko. Hindi ako kumakain, nakahiga lang ako buong araw. Mas lalong walang pwedeng kumausap sa akin. Pag sinusubukan nila akong kausapin, pinapaalis ko sila. Dinadalhan naman ako ng mga katulong ng pagkain, iniiwan nila doon sa lamesa ko, pero hindi ko kinikibo.
All I do is crying. All night and all day. Wala na akong pakielam kung pumangit man ako o magkasakit. Nangingibabaw parin ang sakit na naidulot nila at ang galit na nararamdaman ko.
Bakit nyo ito ginawa sa akin? Bakit tinaraydor nyo ako? Ano bang nagawa kong mali para pagdanasan ang sakit na ito?
Gusto ko'to itanong sa kanila at marinig ang dahilan nila. Pero ayoko. Ayokong malaman ang sagot nila. Natatakot ako na baka lokohin nila ako. Naloko na nila ako ng isang beses, hindi na ako magpapaloko ulit.
"Hey sleeping beauty, wake up." At niyugyog ako.
"Heeeey. I said wake up." Pero hindi ako kumibo. I know that she wants to talk to me and I know that she knows she can. Kahit ayokong kausapin ang sino man anino sa buong mundo, sya lang. Sya lang ang pwede.
"What?!" Tinanggal ko ang talukbong ko at tumingin sa kanya na nakangiti lang sa akin.
"I heard from tito na ang ginawa mo lang for the past two day was.. Sleeping." Ngumisi sya at itinagilid and kanyang ulo.
Itinaas ko ang isang kilay ko "So?"
Tumawa lang sya. "Anong so ka dyan? Anong balak mo? Bulokin ang sarili mo dito sa kwarto mo? Hindi pa ako handa na mawalan ng magandang pinsan, duh. Dalawa na nga lang ang pinakamagandang babae sa mundo, mawawalan pa ng isa."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Tumayo sya at binuksan ang mga bintana. Agad ko naman ipinikit ang mata ko sa sobrang liwanag. Ang sakit, wala akong makita eh.
"Ayan kasi." Tumawa sya at umiling.
Nung nakarecover na ako at nasanay na sa liwanag ay unti unti ko ng minulat ang akin mga mata.
"Salamat ah." Sarkastiko kong sagot.
"You're welcome!" At niyapos ako.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Pilit ko syang kinakalas pero ang higpit parin ng yakap nya.
"Ayoko! Bleah!" At kinindatan ako.
Kaya kinagat ko sya. Finally binitawan narin ako nitong lukang babae!
"Aray ko naman kambz! Hindi ba uso sa diksyonaryo mo ang mahinhin? Gawain babae ba yun kumagat ng kapwa tao?!" Nakakunot sambit nya sakin habang hawak hawak yun braso nya.
Ngumisi ako at tiningnan sya, "Bakit, tao ka ba?"
Nanlaki ang mga mata nya at binatukan ako. Pinandilatan ko sya at ganun rin sya. Mamaya maya at nagtawanan na kami.
Sya nalang lagi ang nagpapagaan sa loob ko. Kahit sobrang daldal, makulit at maingay nya, sya lang ang laging nagpapasaya sakin lalong lalo na pagmalungkot ako.
Tumayo ulit sya at kinuha yun tray ng pagkain na nasa lamesa ko. Dinala nya sa kama ko at ibinigay sakin.
"I also heard na dalawang araw ka ng hindi kumakain. Eat. Now." sabi nya at iniabot sa akin yun kutsara at tinidor.
BINABASA MO ANG
Made by fate
Novela JuvenilMeet Jayleen. The smart, gorgeous and happy girl na pinagkakandarapaan ng mga lalaki. Meet Bryce in the other side. The best in sports, school and... girls. Their life will turn in a total mess when someone called "LOVE" will twist their fate. But t...