Jayleen POV
Natahimik ako. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi sya mapakali at inom ng inom ng tubig. Binitawan nya na rin yun kamay nyang nakahawak sa akin.
Tiningnan nya yun baso nya.
"Shit." bulong nya sa sarili nya.
"Wala ng tubig."
"Waiter!"
Dumating yun waiter.
"Bring me one bottle of cold beer, with ice, okay?!"
"Yes, sir!"
Bumalik yun waiter dala dala yun beer at yun yelo.
Binuksan ito ni Bryce gamit yun kutsara. Hindi na nga nya inilagay sa baso, tinungga na nya yun bote.
"B-Bryce.." tawag ko sa kanya.
Hindi nya ako pinansin at tuloy parin sa paglagok ng alak. Anong problema nito?
"Bryce." hindi nya parin ako pinapansin. Teka, bakit sya nagkakaganyan? Sya na nga yun nagpahiya, parang sya pa yun nahihiya. Ayy, natatawa ako na nahihiya rin. Napangiti ako.
Napatalon ako ng bigla nyang bingsak yun bote sa lamesa at tinitigan ako sa mata.
"Bryce." Napawi yun ngiti ko.
"Jay, I'm sorry."
"B-Bakit naman?"
"What I said about loving you, I'm sorry but it's true. Hindi ko pinagsisisihan na minamahal kita, pero sana hindi magbago ang pagtingin mo sakin. Sana hindi masira yun friendship natin. Alam ko naman na may ibang laman yan puso mo, masakit pero totoo. Inamin ko sa'yo yun nararamdaman ko because I don't want to lie to you. Jay, you're really special to me. Kung sa mata mo kaibigan lang ang tingin mo sakin, well it's not the same to me. You are more than a sister and more than a friend to me, Jay. Please, wag mo akong lalayuan kase naiilang ka sakin, be the same as always. Please."
Nakita ko sa mata nya ang pagmamakaawa. I'm speechless. Right now, my first love, wait no, my only love, has just confessed to me?! Teka, parang baliktad? Hindi ba dapat ako yun nagsasabi sa kanya nung sinasabi nya ngayon? I'm confused.
Hindi ko alam ang iisipin ko.
For almost eight years ko syang minamahal, never ako nag karoon ng pagkakataon na magconfess sa kanya. At ang punong akala ko na wala syang gusto sakin tas meron pala?
Anong nangyayari sa'yo world? Guguho ka na ba? Kaya mo ba ibinibigay sakin ang love ko?!
Pinatong nya ang kamay nya sa akin kamay.
Jay, don't worry, you don't have to answer me now. Alam ko na naguguluhan ka at natatakot. Look I'm sorry, hindi ko sinasadya na mangyari 'to. I'm willing to give you time to think about your true feelings. Remember that I'm here, always. When you are ready just tell me, okay?"
Tumango nalang ako.
Hindi ko pa talagang kayang sabihin sa kanya yun nararamdaman ko, it's difficult. I'm super duper sure na mahal na mahal na mahal na mahal ko sya and alam ko rin na sya yun dreamboy at iisang lalaki na mamahalin ko sa buong buhay ko.
Pero naguguluhan ako sa biglaan nyang confession. Totoo kaya yun sinasabi nya? Paano kung guilty nga yun nararamdaman nya? Na hindi naman pala talaga nya ako mahal? Ano ang mangyayari sakin? Nga nga?
"Jay, let's go." Lumabas kame ng resto na magkaholding hands. Kinikilig ako pero at the same time naguguluhan parin.
"Teka lang. I have to go to the restroom. Wait over there" tinuro ko yun bench, tumango nalang sya.
BINABASA MO ANG
Made by fate
Teen FictionMeet Jayleen. The smart, gorgeous and happy girl na pinagkakandarapaan ng mga lalaki. Meet Bryce in the other side. The best in sports, school and... girls. Their life will turn in a total mess when someone called "LOVE" will twist their fate. But t...