Chapter 32: Not that I really care.

112 4 26
                                    

Jayleen's POV

"Pa, please, gumising ka na.." I held his hand while crying.

"Baby kumain ka muna. Dalawang araw ka ng hindi kumakain. Aren't you hungry?" nagaalangan tanong sa akin ni Tyler.

Dalawang araw na kami nandito sa hospital. Inatake kasi si papa sa puso nung isang gabi. Hanggan ngayon hindi parin sya nagising. I really feel guilty. Siguro kung hindi ko sya sinabihan ng mga ganun bagay, hindi sya magkakaganito.

"Wala akong gana Ty. Iwan mo na muna ako."

"Pero Jay-"

"Tyler plase. Lumabas ka muna. I want to stay alone with my dad."

Bumuntong hininga sya. Wala nang nagawa si Tyler kung hindi lumabas nalang.

Mas lalo kong hinigpitan yun hawak sa kamay ni papa. Ang sakit na makita syang ganito. It's all my fault.

I shouldn't have said those things. Sana hindi ko sya sinigawan at sinabihan ng ganun. I know how much papa loves me and I know that I'm one of his treasures, with ate Sab and Kuya Gab.

Nagpadala lang kasi ako sa emosyon ko, nagulat lang talaga kasi ako sa lahat ng nangyayari. Arranged marriage kay Bryce? Sa lahat ba naman kasi ng taong pwedeng ikasal sa akin yun ex slash first love slash heart breaker slash liar na yun? Nag panic lang ako. Lalo na nung sinabi ni tito Bryan that the wedding will happen a month from now.

Hindi lang ako makapaniwala. Kung tutuuisin, ano na bang decada tayo at uso parin ang mga arranged marriage na yan? Kainis, pati ako nadamay. Pati narin ang papa ko.

"Pa, sorry.. sorry.. Plase gumising ka na.."

Tas nalaman ko pa na matagal na palang alam ni Tyler 'to. Actually nung una nagalit talaga ako sakanya, kasi hindi nya sinabi sa akin, pero nung nagpaliwanag sya naklaro na lahat sa akin. Matagal na palang napagplanuhan itong kasal na ito, pero niligawan nya parin ako. He just wanted me to love him totally just once.

"Kambz?"

Napalingon ako nung bumukas yun pinto. It was Alix standing there.

She had that tender look at me that made my tears fall automatically. Mabilis syang lumapit sa akin at niyapos ako. "Shh.. Tahan na Jay, tahan na.." She said while caressing my hair.

"Kambz.. I shouldn't have.. Bakit..? I'm so selfish.."

"Wag ka ng umiyak. Sa tingin mo magugustuhan ni tito na umiiyak ka?"

I shook my head.

"See? He wouldn't be happy if he see you crying. Stop na okay? Let's talk outside." She motioned me to go out. I took a tissue and wiped my tears. She's right. Hindi magiging masaya si papa kung makikita nya akong umiyak.

Umupo kami dun sa mga upuan sa labas. "Iniuwi muna ni Tyler si tita."

I just nodded. "So? Care to tell me what happened? Alam mo ba ang gulat namin nang marinig kang sumisigaw?"

Huminga muna ako ng malalim. I was really shocked back then. Bigla nalang natumba si papa and I didn't know what to do. Kinwento ko sa kanya yun nangyari. Na nagulat ako na sa lahat ng tao si Bryce pa talaga yun ini-arranged sa akin, yun pagbreak up namin ni Tyler at na alam pala nya. At yun pagsigaw ko kay papa ng masasamang bagay.

"Okay.." mukhang pino-process pa ni Alix yun mga sinabi ko.

"So ibig mong sabihin hindi mo rin alam na kay Bryce ka ikakasal?"

I nodded.

"At matagal ng alam ni Tyler na may arranged marriage na magaganap pero niligawan ka parin nya?"

Made by fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon