Chapter 22: Full of lies

40 5 3
                                    

Jayleen POV

Dumating kame sa school ni Bryce at hinatid nya ako sa class ko, tas pumunta narin sya sa classroom nya. Nagtataka ako bakit wala parin sina KC at Eli, e oras na.

*DRINGGGGG*

Dumating na si ma'am at nagumpisa na ang lesson namin.

Habang nagdidiscuss si teacher ako naman ay nagdradrawing ng "JAYCE" sa notebook ko. Hihihi nakakakilig.

"Excuse po ma'am!" Biglang may pumasok sa class.

"Ms. Delos Santos and ms. Natividad, may I know bakit ngayon lang kayo?!" Mataray na tanong ni ma'am.

Ayy nako, bat ngayon lang kase sila eh.

"Eh, ma'am, ano po kase.." I know Eli you're searching for an excuse, and you're not good at it. Hahaha

"Ma'am may naaksidente po kaseng manong kaya tinulungan pa po namin sya." Sagot naman ni KC. Ngumisi ako. Alam kong hindi totoo yun pero mukhang naniwala si ma'am kase pinaupo na sila.
Pagkaupo nila kaagad kong nilapit ang mukha ko at bumulong

"Pst! Alam kong wala naman talagang naaksidenteng manong, saan kayo nagpunta ha?!"

"Ahh.. wala lang, na late lang kame ng gising." Eli

"Sabay pa?"

"Hindi ba pwede?!" Pagmamataray na sagot ni KC

"Oh, sorry."

At bumalik sa upuan ko. Hmm, medyo mainitin yata ang ulo ni donya Kaycita ah, psht! PMS?! Hala may dalaw hahahahaha.

Tapos na ang klase namin kaya papauwi na kame. Si Bryce hindi daw sasabay kase may practice pa daw sila ng Red Wolves.

Habang naglalakad papunta sa parking ay hinahalwat ko yun bag ko. Aish! Nasaan na bakase yun?!

"Ah, Eli, KC! Nakalimutan ko yun cellphone ko sa locker room! Ahm, hintayin nyo nalang ako sa parkingan okay? Wag nyo akong iiwan ha?!"

"Oo na. Ah, Jay dun mo na lang pala kame puntahan sa library, may kukunin kase akong libro" KC

Tumango ako. "O sige, see'ya later!"

Naglakad ako papuntang locker room. Ayy nako, umuulan na, kani kanina lang ay ang ganda ganda ng araw ah? Saan ako kukuha ngayon ng payong? Hmph, di bale, nakakotse naman ako eh, hehehe. Asan na kaya si Alix ngayon? Araw araw syang pumupunta sa companya para magtraining daw. Tss, e 17 y/o lang sya ah, training ka agad? Ayy, kawawang bata. Dumating na ako sa tapat ng locker room at pinihit ang hawakan.

Nabitawan ko bigla yun hawak kong bag.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko.

I can't believe of what I'm seeing right now.

Lumunok ako at nagtry huminga.

I can't breathe.

Yun mga paa ko naman parang nakadikit lang sa semento, ayaw gumalaw.

Hindi ako makapaniwala.

Paano nila nagawa sakin to?

I gritted my teeth and looked at them. I suddenly felt something warm falling from my eyes. Shit. Am I crying? Hinawakan ko ang may bandang puso ko, ang sakit.

"La-lalabs anong gina-gawa mo dito??" Lumapit sya sa akin at akmang hahawakan ang akin kamay ng bigla kong hinawi yun.

"W-wag m-mo a-kong hawakan." I said trembling while crying.

"Lalabs naman-" hinawakan nya ulit yun kamay ko

"SABI NANG WAG MO AKONG HAWAKAN!" Sigaw ko sa kanya.

Made by fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon