Chapter 14: Three seconds

64 5 6
                                    

Bryce POV

"Jay! Jay!" Niyugyog ko sya.

Dali dali ko syang dinala sa pinakamalapit na ospital.

Agad naman syang ipinasok sa ER at kinontrol. I waited for almost half hour outside, lumabas na si doc.

"Doc, what happened?"

"Kaano ano ka ng pasyente?" Tanong ni doc habang tinitingnan ang mga results ni Jay.

"Ah.. Boyfriend ho." Sagot ko. I don't think sasabihin nya ang kalagayan ni Jay kung sinabi kung kaibigan lang ako. Maigi na ang sure.

Tumango nalang sya.

"Your girlfriend fainted due too much fatigue. Ayon sa results, kulang sya sa tulog at mahigit dalawang araw na syang hindi nakain. Hindi na kinaya ng katawan nya. And.. May nabalitaan ba syang nakadepress sa estado nya?"

"Yeah, probably doc. May tumawag sa kanya kanina. Hindi ko ho lang alam anong sinabi. After that call she fainted."

"Kailangan mong magingat iho. Alam mo naman na may sakit sa puso ang nobya mo diba? Hindi sya pwedeng makaramdam ng malakas na emosyon." nagulat ako sa sinabi ni doc. Si Jay? May sakit sa puso?

"Ho?! May sakit ho sya sa puso?!"

"You didn't know? Anyways, it's not that serious katulad ng iniisip mo. Hindi lang talaga sya pwedeng masaktan ng sobra sobra. Oh, iho, pwede ka ng pumasok, mamaya maya magigising na sya, wag ka ng magalala."

"Salamat ho doc." Tumango lang si doc. Pumasok ako sa kwarto ni Jay. She's laying on the bed. Looks like an angel, as always. Umupo ako sa tabi ng kama nya and hold her hand. She's still sleeping.

"Jay."

"Jay, akala ko talaga ano na ang nangyari sa'yo. Akala ko mawawala ka na. Akala ko iiwan mo na ako. Jay don't leave me okay? Kahit kaibigan lang ang tingin mo sakin, it's okay, just stay by my side." Bulong ko sa kanya .I held her hand tighter and kissed it.

Now I realize. Now I know. Now I know that I love her. Hindi ko kakayanin na mawala sya sa akin. Gusto ko akin lang sya. Gusto ko ako ang nagpapatibok sa kanyang puso. Gusto ko ako ang dahilan ng kanyang mga ngiti. Gusto ko kame habang buhay. I never felt this feeling for anyone else before. I can't let her go. Now I know.

Lumabas ako ng kwarto at tinawagan sina Zinn, Andrew, Lucas at Gregg. Pinapunta ko sila dito sa ospital.

"Yow! Number one!" Bati sakin ng mga luko. Number one ang tawag nila sakin kase ako ang captain ng Red Wolves at tsaka kase yun ang number ng jersey ko.

Naghigh-five ako sa kanila.

"So, what's up?" Tanong ni Andrew.

"Pwede mo munang bantayan si Jay?"

"Jay? As in Jayleen Aquino?! Chika babe yun ah! Hanep ka bro! O sige sige, saan ba yun kwart- ARAY!"

Binatukan ko ang siraulo. Pagnasaan ba ang soon-to-be-girlfriend ko. Tss, it sounds so gay but I like it.

"Subukan mo lang Jones, malalagot ka sakin."

"Tss, markado na pala eh. Sorry pooo mr. Arsillas!"

"Pumasok ka na nga sa loob! Wag na wag mo syang gagalawin o malilintikan ka sakin!"

"Oo na." Tuluyan na syang pumasok sa kwarto ni Jay. Tumingin naman ako kay na Lucas at Gregg, na naghihintay ng utos ko.

"Ikaw Lucas, bumili ka ng inumin at pagkain at tsaka pinakaexpensive na bulaklak.. At ikaw naman Gregg balitaan mo sina KC at Eli sa nangyari kay Jay. Siguradong nagaalala sila."

Made by fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon