Chapter 23: Mamatay man ako

71 6 3
                                    

Jayleen POV

Nagising ako nakahiga sa loob ng isang malaking puting kwarto.
Ilang minuto akong nakatulala sa puting kisame bago dahan dahan umupong mabuti.
Nasa kama parin ako.
Luminga linga ako sa buong kwarto na walang katao tao. Maliwanag dito dahil may malaking bintana, tapos may sofa at glass table pa sa tabi. May flower vase rin sa itaas neto. Maaliwalas ang paligid.
Bumuntung hininga ako at sinubukan alalahanin ang dahilan kung bakit nandito ako.
Maiinit na luha ang mabilis tumulo sa mga pisngi ko.
Tanda ko na. Ang pagtataksil ng apat sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Nakatatak parin sa utak ko ang bumungad na eksena sakin kanina. Ang mga labi ni Steph at ni Bryce. Ang mga labi ng bestfriend ko at ng boyfriend ko. Ah, EX-boyfriend pala. Ang mga labi na inakala ko ay akin, hindi lang pala ako ang nangmamayari. Bakit nila ito ginawa sakin? Ano ba ang pagsasala ko sa kanila? May pagkukulang ba ako? And the fact that even KC and Eli knew about it, and still didn't tell me? Geez, ang sakit sakit. Sariwang sariwa ang sakit na nararamdaman ko.
Walang katapusan luhang ang pinunasan ko. Hinawakan ko ang may bandang puso ko nang maramdaman ko na kinakapos na naman ako sa paghinga. Kaya nga pala ako naospital, inatake yata ako sa puso. Akala ko nawala na itong sakit ko, yun pala meron pa.

Hinaplos haplos ko ang bandang puso ko.
"Huy, a-ano ka ba? A-akala ko w-wala ka na..? *sniff* ... bakit k-ka pa bumalik?" Sabi ko sa sarili ko habang pilit na ngumingiti kahit ang katunayan ay wasak na wasak na ako, at ang gripo galing sa mga mata ko ang nagpapatunay nun.

Huminga ako ng malalim at tsaka pumikit at itinaas ang ulo. Dahan dahan ko tinapik ang sarili ko.

"W-wag kang magalala, tapos na yun.. hinding hindi ko na hahayaan na masaktan ka muli.." Binuksan ko ang mga mata ko at mas lalo pang nagpursigi na magproduce ng ngiti.

"Malakas ka Jay. Wala sa lahi natin ang iyakin. Don't let anyone or anything break you, okay? Okay!" Napawi kaagad ang pinaghirapan kong ngiti.

Hayyy.. "Sino ba ang niloloko ko? Gusto kong magpakatatag, ipakita sa kanila na malakas ako, pero paano? Kung sa sarili ko nga alam na alam ko na hindi iyon totoo. Dahil tagos pa sa buto ko yun sakit na nararamdaman ko ngayon... there aren't words to describe how bad I'm feeling right now.. there aren't words to explain the pain that is in my heart right now.. there aren't.." Nagsimula na naman mamuo ang mga luha sa mga mata ko. Yumuko ako at ngumisi. "Shit." Bulong ko sa sarili ko.

*SBAAAAAAM!*

Napatingin ako sa may pintuan. Nanginig ako. Literally. Hindi sa takot, kundi sa sobrang galit. Kinuyom ko ang kamao ko at tinitigan silang mabuti. KC, Eli, STEPH and of course.. BRYCE. The reasons why I'm here at the ospital.

"Anong ginagawa nyo dito?!" Malakas at galit na boses ang pabungad ko sa kanila. "Hindi pa ba sapat sa inyo na naospital ako?!"

Mabilis lumapit si KC sakin at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti sya but at the same time she looked worried. "Anu ka ba? Bakit naman namin gugu-"

Hinawi ko yun kamay ko at dineretso sya. "Wag mo akong hawakan, traydor ka."

"Jay.. Anong-?" Lumapit narin si Eli.

Lumunok ako at tiningnan silang mabuti. I smirked and tilted my head while staring at them. Are they playing innocent roles? Heller?! Ako ang biktima dito!

"I heard you." Kumunot ang noo nilang dalawa. I think they didn't get it. "In the vacant class. Kani kanina lang. Hindi nyo na tanda?!" Tinaasan ko sila ng kilay.

Lumaki ang mga mata nila. Mukhang naalala na nila ngayon ah. Speechless?

Umupo akong mabuti sa gilid ng kama para harapin sila. Mukhang hindi parin sila makapaniwala sa sinabi ko. Anong akala nila? Na maitatago nila yun sikreto nila sakin?

Made by fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon