Jayleen POV
Dumating kame sa camping site. Medyo haggard ang mga face namin pero okay lang.
Fresh aaaaair!
*proooooot*
Coff, cofff, ang baho! Why does the fresh air smells like bulok na patay?!
Lumingon ako sa katabi ko. Eww, he farted! At ngayon nangungulangot pa sya! Omy, pinatalsik nya. Mabilis akong lumayo sa kanya, masusuka na ako. Napaka walang manners talaga nito.
Bigla akong natalisod.
"Ay, kabayo!" Napapikit ako. Akala ko hahalikan na ng mukha ko ang munting lupa.
Minulat ko ang akin mga mata at nakita ko ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Si Bryce, sinalo ako!
"Jay, hindi ako kabayo. Mas pogi ako dun." He chuckled at itinayo ako.
"Hahaha oo nga, sorry. And thank you." Nginitian ko sya at ganun rin ang ginawa nya.
"So, guys, make a couple at magtayo na kayo ng tent ninyo. Nandun ang mga kakailanganin nyo." Tinuro ni ma'am ang gamit dun sa tabi ng malaking puno. "Ah, and one more thing. You can't use any electronic gadgets,so put everything in that box."
Nagsireklamo ang magagaling kong classmates. Pero may punto sila, paano nga kame mabubuhay ng walang kinukutkot? Paano ang social lifes namin? At lalo na, paano kame makakapagselfie? Huhu, di ko yata kaya.
"Wag na kayong magulo. It's for your own sake. So put everything in the box. If someone try to hide any gadget, that someone will be severely punished."
Labag sa loob namin nilagay lahat ng gamit namin. Ipads, Ipods, mp3s, cellphones, laptop and more, may tamagochi pa nga eh.
Tinayo namin ang tent namin. Kasama ko si Steph dun, tas naman si Eli at KC dun sa kabilang tent.
"Saan tayo ngayon?" Tanong ni KC. Tapos na kame kumain ng tanghalian at may free time daw kame sabi ng teacher bago mag umpisa ang mga games.
"Gala tayo sa loob nang gubat!" Yaya ko sa kanilang tatlo. Kakabisaduhin ko na ang mga pasikot sikot nitong gubat para mamaya pag naglaro kame alam ko na saan ako magtatago, kasi for sure may larong hide and seek or whatever.
"Oh sige!" Sagot nila. Umikot kame sa loob ng gubat. Si Eli ang pinaka matatakutin sa amin apat, kaya ginugulat namin sya palagi.
"Eli may ahas!" Sigaw ko.
"Ahhhhhhhhhhh! Saan?!?!" Yumakap sya bigla kay KC na katabi sya, tinulak naman sya ni KC.
"Ano ba Eli, ang arte mo! Wala naman oh!" Tumingin si Eli sa paligid nya. Palinga linga pa sya.
"Jay wala naman eh!" Binato nya ako sa braso.
"Hahahaha, hindi mo naman po ako pinatapos eh. Sabi ko may ahas.. Dun sa zoo!" Nakita kong naguusok na yun mata at ilong ni Eli, nag peace sign ako.
"I love you best!"
"Tss, tampo ako sayo." Sumimangot sya at tumalikod. Hala ayan, nagtatampo na sya.
Kinurot ko yun gilid nya. "Best sorry na, joke lang. Oh sige, di ko na uulitin, peksman!" Niyapos ko sya at naglambing.
Inirapan nya naman ako. "Lagi mo nalang akong niloloko, I hate you." ang arte talaga nito kahit kailan.
"Beest.."
"I love you.."
"Sige na nga, di naman kita kayang tiisin eh." Niyapos nya na rin ako.
BINABASA MO ANG
Made by fate
Teen FictionMeet Jayleen. The smart, gorgeous and happy girl na pinagkakandarapaan ng mga lalaki. Meet Bryce in the other side. The best in sports, school and... girls. Their life will turn in a total mess when someone called "LOVE" will twist their fate. But t...