Chapter 20: She's back

42 5 6
                                    

Jayleen POV

*aaaaachiuuuu*

Ano ba naman yan! Kanina pang umagang nangangati ang ilong ko. May masama akong kutob. Yun para bang may mangyayaring hindi ko ineexpect. Huhubels. ;(

Nandito ako sa classroom namin at 'nakikinig' sa lesson ni teacher Francis, english teacher namin. Medyo stricto si teacher at gusto nya lagi kameng nakikinig at nagtatake notes during yun class nya.

Teka lang ha, mali kayo sa inaakala nyo. Alam kong iniimagine nyo na matanda at supeeer boring ni sir Francis, pues, you're wrong. Sobrang gwapo at napakabata ng guro namin. Mga nasa 20s siguro sya, he's really young. At eto pa, hindi naman sa chismosa ako pero may nagsasabi na may anak na sya. O diba, ang bongga nya? Crush ko nga yan eh. Hahaha joke, crush lang naman eh, may Bryce na ako no!

Ah, bakit hindi pa kaya nakakabalik si Eli? Bat kaya sya pinatawag sa principal office? Tss, tss ,tss ano kaya nagawa nun?!

-

Natapos yun class namin at lalabas na kame. Inaayos ko yun gamit ko ng bigla ako tawagin ni sir Francis.

"Ms. Aquino, do you know why ms. Delos Santos is absent?"

"Ah, sir pinatawag daw po sya sa principal office." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Huh? Principal office? Wala naman silang sinabi na may pinatawag sila.." Nagisip muna sya bago ako balingan ulit.

"Ah by the way, mauuna na ako, goodbye ms. Aquino and don't forget to do your homework, okay?"

"Opo, sir." Nginitian nya ako kaya ako rin.

Pinanood kong lumabas ng class si sir. Nakakapagtaka nga, bakit hindi alam ni sir na pinatawag ang isa sa kanyang mga estudyante? Bah.

Tinuloy ko ang pagayos sa mga gamit ko. Wala ng tao dito sa classroom at si KC nauna na rin kasama si Eli kase may dadaanan daw sila.

"Lalabs." tumingin ako sa pintuan at ngumiti.
Nandito na pala ang sundo ko eh.

"Lalabs!" tumakbo ako sa kanya. Niyapos nya ako at kinuha ang gamit ko. Umakbay sya sakin at nagumpisa na kameng lumabas.

"Labs, okay ka lang? Medyo matamlay ka. Is there something wrong?"

"Ha? A-ah wla naman labs."

"Tch. May ibang lalaki kang iniisip no?! Sino yan at bubugbugin ko. Name him."

"Hahahaha. Oo meron akong ibang lalaki."

"Sabi na nga ba eh. Sino yan gagong yan na pumapasok sa isipan ng babae ko?!" Magkasalubong kilay nyang tanong sakin.

"Hahaha tumigil ka na nga. Yun lalaking na na sa isip ko ay ang magiging prinsipe natin pag laki natin."

"Ahh.. yun lang naman pala eh. Hahaha ang iispin ko na lang pala ay ang magihing prinsesa pala natin."

"O sige sige hahahaha."

Nagkwekwentuhan kame at nagtatawanan ng biglang may tumawag samin.

"Bryce! Jayleen!" tawag nya samin.

"Nathan!" bati ko sa kanya at akmang makikipagbeso ng may biglang humarang samin.

"Off limits Bro."

"Number one!" at umiling sya.

Sinapak ko si Bryce. "Ano ka ba naman labs, baka makalimutan mo na iba ang gusto nyan si Xander. Kamukha ko lang kaya ganyan sya." bulong ko sa kanya.

"Ah basta. Walang beso beso. No touch. Just hi."

"Tss, over PRO-TEC-TIVE ka."

"Kahit na. You're mine." kinurot ko sya sa gilid.

Nagbubulungan parin kame.

"Ehem.. Guys if you still didn't notice, I'm still here ."

Lumingon kame kay Nathan.

"Ahh oo nga pala. Sorry bro." sabi ni Bryce.

"Ayus lang number one. In love kayo eh. Tch."

Tumawa kame at bigla akong tiningnan ni Nathan.

"Jayleen, Naka move on na ako sa pinsan mo so wala ng issue yan. Hindi na ako apectado sa anuman may kinalaman sa kanya. Sorry to tell you this but, I totally don't care about your cousin. For me she's like a stranger. She doesn't mean anything anymore."

"I'm sorry Nathan." yun lang ang nasabi ko.

Kahit sabihin nyang wala syang pakeelam, para sakin parang meron pa eh. Sa tono ng boses nya kase parang may bahid na paghihinayang at lungkot na naghahalo. Nga pala magkababata kame nun. Nandito pa nun sa pinas si Alix, yun pinsan ko. Halos araw araw silang magkasama, more like bestfriends nga sila eh. Hindi ako masyadong nagsasasama sa kanila kase naO-OP ako pag sila ang magkasama. They were so close at umabot rin sa puntong minamahal na ni Nathan si Alix. We were 13 years old back then, we were too young, but I know first love ni Xander ang pinsan ko at vice versa.
Pero ginusto ng tadhana na magkalayo sila at nabusted si Nathan. Infact after the day that he confessed, she suddenly dissapeared and went to Italy. Alam ko ang reasons nya, pero siguro hindi ako ang tama tao para sabihin yun sa inyo. Muntik na nga rin ako mapunta sa Italy but thanks God nanatili ako dito sa philippines. Na kasama si Bryce.

Tahimik lang na tao si Nathan. Sya yun tipong focus sa study pero hindi naman masyado. Seryoso sya at hindi masyadong mahilig sa mga babae. Hoy hindi sya bakla ha! He's the kind of boy na nakakaakit kahit walang ginagawa. He's just hot. Definition of Nathan. Dati mahilig syang tumawa and he was a really bright person. Pero after na basted sya ng pinakamamahal at unikang babaeng sa buhay nya, parang namatay ang pagkatao nya. Ah, he's one of the Red Wolves kaya magkakilala sila ni Bryce, ayos nga diba. Sya ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Bryce, mula nung high school pa yata silang magkakilala eh. Ahhhhh! Buti hindi nya sinabi na may gusto ako kay Bryceee!

*aaachiuuu!* *aaaaachiuuuu!*

Sabay kameng napabahing ni Nathan.

"God bless!" natatawang sambit naman ni Bryce.

"Kambzzzzzzzz!

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tumawag, si Nathan naman ay na stiff, nanigas at yun aura nya dumilim bigla.

I think alam nya rin sino ang nagmamayari ng boses na to.

Ngumisi ako at lumingon.

Speak of the devil and the doth appear..

She..

She's definitely back.

A/N annyong guys! She's back! Sino? Sino pa ba? E di sya! Hahahah okay nakakagulo!
Si Steph ala parin, still enjoying US! Ah, nga pala readers, may sinusulat pa po akong story. Side story ng made by fate po. Sana mabasa nyo po at magustuhan nyo pooo! Starring **** and ******! hahaha Chasing Mr. Antipatiko. Please support it like you support MBF. Thankieee.. love ya all 👍

Made by fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon