Jayleen POV
"Tristaaaaaaan! Ibalik mo yaaaaan!" Hindi sya tumigil at tumuloy parin sa pagtakbo. Ako naman, hinahapo na sa kakahabol sa kanya. Idagdag mo pa ang nakaharang na sofa at mga silya.
"Tristan! Pleaseeee??" Pag pout ko sakanya ng tumalikod sya. Tumingin sya sakin at dinilaan ako at dumeretso sa pagtakbo.
Ah, ganon? Ayaw mong ibalik ah? Heh, tingnan lang natin ngayon.
Tumigil ako sa paghabol sakanya at biglaan nalang umupo sa sahig. Kinusot kusot ko yun mga mata ko at pinaluha ng kaunti. Tingnan lang natin ngayon, mr. Tristan Jon Martinez, kung matitiis mo pa ako.
Kita ko sa pheripheral vision ko na napatigil sya at nakatingin sya sa akin, NAMUMUTLA.
"J-jay.." tawag nya sa akin habang dahan dahan lumalapit. Nakayuko lang ako at nagkukunyaring humihikbi.
Yan! Malapit na sya! Teka teka.. hinga ng malalim, pikit pikit ng mata para magtubig ng kaunti..
Isa..
Dalawa..
Tatlo!
"Waaaaaaaa! Huhuhuhuhuhuhuuuuuu! Waaaaaaaa!"
Tumingala ako at nagumpisa maginarte ng iyak. Tsk, get this Tristan! Bwuahahahaha!
Nataranta sya at finally binitawan yun picture na kanina ko pa sinusubukan kunin sakanya. Mabilis kong kinuha yun habang hindi sya nakatingin at itinago sa ilalim ng pwet ko.
"Waaaaaaaaaa! Huhuhuhuhuhuhuuuu!"
Tuloy parin ako kahit nakuha ko na yun gusto ko.
Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan yun likod. Hindi ko sya pinansin at tumuloy parin sa iyak.
"J-jay.. please.. stop crying.." bulong nya.
"No! WAAAAAAA! Wuhuhuhuh.." nilakasan ko pa. Hmph, akala mo, basta basta nalang ako titigil pagkatapos mo akong pahirapan tumakbo?!
Napatigil na lang ako ng bigla nalang nya akong yakapin.
O My.
"Shh.. I'm sorry.. Hindi ko na uulitin, just stop crying.. I'm so sorry.."
O My, again. Anong ginagawa nya.
Tumigil na ako sa kaartehan ko kase hindi ko inakala na yayakapin nya ako. I'm speechless and the only thing that I'm hearing now is the sound of his heartbeat, and is beating really fast.
"Ahm.. Tristan..?"
"Hm?" Sabi nya ng hindi parin kinakalas ang yakap sakin.
"O-okay na ako.. "
"Teka lang.. Ganito muna tayo.." Sabi nya habang inaamoy ang buhok ko.
Nag aalinglangan akong sumagot. Hindi naman sa ayaw ko kay Tristan, it's.. medyo awkward kasi eh.. Pero ayaw ko rin syang hindi-an, baka kasi masaktan sya eh.
"O-okay."
Mga ilang minuto akong nakayakap sa kanyang mga bisig when I felt someone staring at me. Dahan dahan akong luminga sa paligid para tingnan kung sino ba yun, at nanlaki ang mata ko ng makita ko sya, malalim na nakatingin sa akin, sa amin.
Mariin akong napapikit. Ay, gulo na naman 'to.
Medyo tinulak ko ng kaunti si Tristan, praying na sana pakawalan na nya ako.
"T-tristan.." Please, kumalas ka na, lagot ka sige ka..
Pero hindi nya ako pinakinggan at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. O my, I see blood.
BINABASA MO ANG
Made by fate
Roman pour AdolescentsMeet Jayleen. The smart, gorgeous and happy girl na pinagkakandarapaan ng mga lalaki. Meet Bryce in the other side. The best in sports, school and... girls. Their life will turn in a total mess when someone called "LOVE" will twist their fate. But t...