Jayleen POV
Andito na kame sa basketball court. May laban ang school namin vs ang Kerlton University. Ang dami na rin tao ang nandito, halos mapuno na ang buong gym. Puro babae nga lang ang nasisilayan ko eh. Hayy nako, todo suporta sila sa mga crush nila. Hehe ako rin naman eh, nandito ako para SAKANYA.
Teka, Kerlton University? It sounds familiar. May kakilala ba ako dun? Sino nga ba? Habang nagiisip ako sa sino bang pwede kong kilala sa KU, napalingon ako sa taong napakalakas ang tawag sakin.
"Kokak!"
I smirked at the sound of his voice. I know it by heart. It's him.
"Tom!" Niyapos nya ako so I hugged back too.
Karl Thomas Tuizon. Isa sa dalawang anak nina George and Beth Tuizon. Tagapagmana ng Tuizon Corporation. One of the biggest company of canned foods. He's like a boy bestfriend and a brother to me. Kapatid sya ng bestfriend ni kuya. Magkababata kame. Lumipat sya ng Amerika when I was 7. Infairness mas gumwapo sya, at nagkamuscle pa. Laki ng braso.
"Kokak, I missed you!" sabay kalas nya sa pagkayakap. "Long time no see" he said.
Kokak ang tawag nya sakin, mula nung bata palang kame. Ganito kasi yun eh, related 'to sa una naming pagkikita.
First time dalhin ni kuya Geoff si Tom sa bahay namin, at kapagminamalas ka nga naman, nadapa ako sa tapat nya. Iyak ako ng iyak noon, hindi lang dahil nasaktan ako, dahil rin tawa sya ng tawa habang dinuduro ako at paulit ulit na sinasabi ang "hahahaha ang pangit mo talaga! Mukha kang palaka! Kokak! Kokak! Koooookak! Hahaha".
Nung una hate na hate ko yan, pero pagkatapos nun, lagi nalang syang nasa bahay namin para maglaro kaya naging close na kame.
Ang sakit nga nun umalis sya, kasi nawalan ako ng kaibigan.
But I'm so happy to see him again!
"He-he" medyo awkward yun tawa ko. Napakamot pa ako sa ulo ko. Ano kasi eh, medyo matagal tagal rin kaming hindi nagkita.
"You've grown up a lot! You don't look like a frog anymore!-" nagsmile sya. "-you're beautiful!" "Ouch!"
Hinampas ko sya sa braso. Hinimas nya naman yun.
"Tse! Mang- aapreciate ka na nga lang may kasama pang panglalait! Ang sama mo!" Nagawa pa nya akong laitin! Ang sama talaga ng yabang na 'to. Porket gwapo! Pero kung tutuusin tama naman talaga sya, maganda naman talaga ako! Mag jacket kayo, medyo mahangin eh, sorry na.
"Joke lang, joke lang."
Inirapan ko sya. "Pero ang gamda mo talaga." Nagkangitian pa kame. I missed him.
"Hey Jay! Here's your co-" natigilan sya. Napatikom ako ng bibig ng makita sya, at dahan dahan tumitili sa utak ko.
"Hi Kaitlyn Cyan!" Bati ni Tom kay KC.
"What the?! Wag mo nga akong tawagin ganun. Ano tayo, close?!" Inirapan nya lang ito . "Ooookay." At bumaling ulit sa akin yun tingin ni Tom.
Ang alam ko ay nagkakilala sila sa Amerika. Maybe last year or two years ago, nung nagbakasyon doon si KC. I don't remember.
KC likes him, I know it. But you know KC is .. In denial. Hindi nya matanggap na na-love at first sight sya dito kay Tom. He's a playboy, casanova, womanizer, kahit anong gusto ninyong itawag. Bata pa lang kami ang dami na ang nagkakagusto dyan. Except me! I've got my Bryce na. Loyal ako teh.
First love nya ata itong yabang na 'to eh. Malas nya na reject sya kaagad. Ouch.
Lumingon si KC sa akin.
BINABASA MO ANG
Made by fate
Fiksi RemajaMeet Jayleen. The smart, gorgeous and happy girl na pinagkakandarapaan ng mga lalaki. Meet Bryce in the other side. The best in sports, school and... girls. Their life will turn in a total mess when someone called "LOVE" will twist their fate. But t...