Jayleen POV
Nagising ako sa maputing kwarto ng ospital. Anong ginagawa ko dito?
Tatayo na sana ako ng napansin kong may nakahawak sa kaliwang kamay ko.Tulog sya kaya pinagmasdan kong mabuti ang mukha nya.
Anong ginagawa nya dito?!
Kakalas na sana ako kaso ang higpit talaga ng kanyang hawak kaya nanatili nalang ako sa pwesto ko.
Ang gwapo nya talaga! Inilapit ko ang kamay ko para hawakan ang mukha nya. Dahan dahan hinaplos ng daliri ko ang kanyang kilay, bumaba sa kanyang pilik mata, dumausdos sa kanyang matangos na ilong at hinawakan ang kanyang mapupulang malambot na labi.
Nagising sya bigla. Mabilis kong itinago ang kamay ko. Nakahawak parin sya dun sa kabila.
Uminat sya. "Are you awake? Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Tiningnan ko ang kamay nyang nakahawak sa akin, tiningnan nya rin. Mabilis kong binawi yun.
Tahimik lang kame dalawa nang may bigla akong naalala.
Oh no no no.
Don't tell me..
We kissed! O my Juice, we really kissed!
Nakalimutan ko talaga lahat nang nangyari kanina, ang alam ko lang ang sakit sakit nang ulo ko pag gising ko. Tas yun kiss?! Ako ba o sya yun nag initiate? He did, right?!
He's my first kiss? My first love is my first kiss?! For real?!
"What's wrong Jay, may masakit ba sa'yo?" Pagaalalang nyang tanong.
Umiling ako. Kailangan kong makahanap ng matibay na dahilan para hindi muna sya makita, nahihiya talaga ako. Tumayo ako bigla.
"Hey, where are you going?" Tinuro ko yun cr.
"Mm..mag ccr lang.." Tumango sya.
Mabilis akong pumasok sa loob ng cr at sinarhan ang pinto. Sinigurado kong naka lock yun. Sumandal ako sa pintuan at dahan dahan naupo sa sahig. Nahihiya talaga ako sa kanya! I can't even make eye contact with him!
*dug dug, dug dug*
Hinawakan ko ang dib dib ko. Hoy! Tama na! Baka sumabog ka na talaga ha!
"Ahhhhhhhhhhhhh!" Hindi ako mapakali, kaya sinampal sampal ko ang sarili ko at sinabunutan narin! Jusko po Bryce! You are literally, driving me crazy!
Nagulat ako ng may bigla nag tangkang buksan ang pinto ng banyo.
"Jay! Jay! What's happening?! Open the door!" Galit na katok nya sa pintuan. Ha? Anong problema nito?
Lumayo ako don sa pintuan.
Bigla natumba yun pintuan kaya napatili ako.
"Bryce! Anong ginagawa mo! Bakit mo sinipa yun pintuan?!" Sabi ko sa kanya.
Binalewala nya lang yun tanong ko at lumapit sa akin at hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat.
"B-B-Bryce? A-Anong ginagawa m-mo??" Nauutal kong tanong. Hindi nya parin ako sinasagot, tingin lang sya ng tingin sa akin, ulo hanggan paa. Parang ineexamine nya ako.
"Okay ka lang??" Nakita ko ang pagaalala sa kanyang mata.
"O-Oo"
Bumuntong hininga sya, yun para bang nabunutan ng tinik.
"God, thanks" at sabay yakap nya sakin. Bumaliktad na ba ang mundo?! Bakit ganito sya magalala sakin?
May gusto na ba sya sa akin?
BINABASA MO ANG
Made by fate
Подростковая литератураMeet Jayleen. The smart, gorgeous and happy girl na pinagkakandarapaan ng mga lalaki. Meet Bryce in the other side. The best in sports, school and... girls. Their life will turn in a total mess when someone called "LOVE" will twist their fate. But t...