Chapter 6

69 20 1
                                    

Her




Alas kwatro palang ng umaga, gumising na ako. Kailangan kong magluto at asikasuhin si Sofia and may trabaho na ako. Buti nalang ako yung napili ni Erebus, siguro bonus na din na magkakilala talaga kami. Hehe.





Bumangon na ako at nag inat saglit, Nagmumog at naghilamos. Pumunta na ako sa kusina para magluto ng ulam namin. Our house is simple, nirerentahan ko lang ng isang libo sa isang buwan, okay na yun. May sarili kaming poso, cr and kuryente, pero nakahiwalay yung babayaran para sa bill ng kuryente kaya swerte talaga yung trabaho na nakuha ko.




"Ano kayang pwede lutuin ngayon for breakfast?" Tanong ko kahit ako palang ang gising saaming dalawang magkapatid. Sofia is a Grade 4 student, 10 years old na. Bumibilib nga rin ako at napag aral ko siya galing sa mga trabaho ko and at the same time, graduate ako ng High School.





Tinali ko yung buhok ko at lumabas para bumili ng itlog, yun nalang, favorite naman ni Sofia yun. Bukas na ang tindahan dito kapag alas tres. Nasa San Fermin, Cabaruan sa Cauayan City ako and pataas yung papunta sa tindahan. Tabi tabi yung mga bahay pero masaya, madami ding kalaro si Sofia na mga bata kapag hapon, pagkatapos niyang gumawa ng mga assignments niya.





"Good morning po, Tita Lisa." bati ko sa tindera. Binati niya naman ako pabalik. "Tatlong itlog po." Sinabi ko at ibinigay niya naman agad. Papaalis na sana ako pero nagsalita niya.





"Sandra, kumusta nga pala yung job interview mo kahapon?" Ah, oo nga pala, sinabi ko sakanya kahapon kasi sakanya ako bumili ng folders.





Ngumiti naman ako bago tumugon. "Tanggap po ako, Tita! Mamaya pa pong 9 ang pasok ko." Pag kekwento ko.





"Alas nuebe? Parang ang late naman ng binigay sayo ng boss mo na oras ng pagpunta. Osya, umuwi ka na nang makapagluto ka, aasikasuhin mo pa kapatid mo e. Congrats pala." Ngumiti siya.





Ngumiti rin ako. "Sige po. Salamat."






Nakauwi na ako. Habang nagluluto, naalala ko yung sinabi ni Tita Lisa na late yung binigay na oras ni Erebus. She's right, late nga. Kasi secretaries are the one who needs to be early for their work, kailangan nandon na sila to assist their boss. I'll just ask Erebus later bakit ang late ng bigay niya na oras.





Itinabi ko muna sa mesa yung itlog. I looked at the clock, 4:50 na, parang bumilis yata yung oras. Maliligo na ako para eksaktong pagkatapos ko, gising na si Sofia. Sinilip ko siya saglit nung kinuha ko yung towel ko, tulog na tulog pa yung bata, may laway pa.





Pagkatapos kong maligo, nagpalit na ako sa banyo. Nagsuot ako ng black pencil skirt na nabili ko sa ukay ukay at saka pang-formal na damit. Nakikita ko sa tv ganito ang suot ng mga secretary e. Ibinalot ko muna sa buhok ko yung towel. Paglabas ko ng banyo, gising na nga ang makulit kong kapatid at nasa may lababo na upang maghilamos at magmumog.






"Good morning, Ate." She greeted me with her sleepy eyes. Ngumiti ako sakanya nang makalapit siya saakin, then I pinched ber cheeks. "Ate naman! Umagang umaga." Sigaw niya.






Tumawa naman ako at kiniss siya sa pisngi. "Good morning, kapatid kong maganda. Magsusuklay lang ako saglit. Ayusin mo na plato natin sa lamesa." Utos ko at pumunta sa kwarto. Nagsuklay na ako, habang tinitignan sarili ko sa salamin, nakita kong kulang sa kulay mga labi ko. Nakakabawas ng pagiging presentable.





"I think may liptint ako dito." Sabi ko while finding my liptint sa may pouch ko. Buti nalang may binigay saakin yung si Naia, friend ko since elementary, siya yung mahilig sa mga ganito e. Humarap ako sa salamin, at naglagay sa lips ko. Ngumiti ako nang hindi na mukhang maputla mukha ko. "Ayan, sobrang ganda mo na." I joked.





End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now