Chapter 14

49 17 0
                                    

Her




"Pasensiya ka na ha, hindi kasi tayo kasya sa kama e." Sagot ko ng mailagat ko yung banig at saka yung foam. Buti nalang may spare kaming foam, bago pa kaya okay lang ipagamit sakanya.





Tulog na si Sofia sa tabi ko, pinalitan ko nalang ng pantulog niya kanina at nagpalit na rin ako ng pambahay. Habang nilalatag ko yung higaan niya, nakaupo siya sa kama at pinapanood ako. Tinanggal niya na yung coat niya, pero gwapo parin.





Pagkatapos kong ayusin yung higaan niya ay lumapit ako sakanya. Inabot niya ang kamay ko at hinila patungo sa ginawa niyang space sa pagitan ng mga hita niya. Nakatingala siya ngayon saakin at nakayuko ako para makita siya.





His hands were on my waist again, and his thumbs were moving softly. "Okay ka lang ba?" I asked him.





Hindi siya sumagot, but I can see in his eyes that he is not fine. Yumuko ako para halikan yung noo niya. He closed his eyes when he felt his lips on his forehead, nagtagal ako don.




"You can tell everything to me, Erebus." I assured him, umupo na ako sa tabi niya. Nakayuko siya habang pinaglalaruan mga daliri ko sa kamay.




We were silent for a few minutes until I felt a tear fell on my hands, yung hawak hawak niya. Nakayuko yung mukha niya kaya hindi ko masyadong makita. Then, he suddenly pulled me and buried his face on my neck at dun niya pinakawalan yung kanina niya pa pinipigilan.




Mahimbing yung tulog ni Sofia, tinignan ko muna siya bago niyakap pabalik yung lalaking nasa harap ko ngayon na tinitignan ng nakakarami na matigas at walang nararamdaman, walang pakealam sa paligid niya. Walang ingay yung pagiyak niya, kaya alam kong sobrang bigat ng dahilan ng pag iyak niya.




"I am so...tired." He whispered while crying. 




"It's okay, Erebus. Nandito lang ako palagi para sayo." I said. Hinahaplos ko yung likod niya at hinihintay ko siyang tumahan.




Sa nakita ko kanina, napakababaw na dahilan para sa isang ama na saktan yung anak niya ang pera. Paano nalunok ng tatay ni Erebus yun?




Kahit simple lang yung buhay noon, hindi ako nagawang saktan ng tatay ko, napapagalitan pero nadidisiplinahan na ako non pero sobra naman yung susuntukin dahil lamang baka mawalan ng major stockholder sa kompanya nila.




Inalis na ni Erebus yung mukha niya, nagpunas muna siya ng mata. Hindi niya magawang humarap saakin, halatang nahihiya dahil ang break down siya na kasama ako.




"I'm sorry, baby. I don't want you see me in my weakest state." He said. He's ashamed because I saw him cry.




Ako na ang kumuha at humawak sa kamay niya. "Okay lang. Lahat naman tayo umiiyak e. Sino bang may sabing wala kang karapatang umiyak? Saka, anokaba, girlfriend mo ako. Basta tatandaan mo, lagi mo akong kasama. Kakampi mo ako palagi." I said. Sa wakas ay tumingin na rin siya saakin. Kahit kagagaling niya lang sa pag iyak ay hindi nabawasan yung kagwapuhan niya.




Medyo basa pa yung sa baba ng mata niya kaya inangat ko isang kamay ko para punasan yun. He's just staring at me as I wiped his tears then suddenly, his other hand held my hand on his face and brought it to his mouth, hinalikan niya ulit yung likod ng palad ko, making me smile.




"Promise?" He said, his voice was full of hope.




My smile widened. "I promise."



End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now