Chapter 28

59 19 0
                                    

Her







Kasalukuyan akong naghihintay kay Erebus dito sa company ko, ang sabi niya kasi susunduin niya ako. Natapos na rin yung construction ng pagm-merge ng kompanya namin and sabi niya, ako nalang daw ang mamahala since hindi na daw yata kaya ng powers niya.






Tinignan ko yung relo ko, 5:30 na rin, medyo madilim na buti nalang at pwedeng gawing yaya si Lucifer, gustong gusto niya naman si Orpheus, e.






Habang naghihintay ay napagdesisyonan ko nalang pirmahan yung mga ibang documents na pipirmahan ko nalang sana bukas, baka may inasikaso lang saglit si Erebus, pero ngayon lang siya hindi tumupad sa usapan ah.






Nag-inat ako, grabe matanda na yata ako para magkaroon ng back pain. Tinignan ko yung oras sa phone ko and 6:30 na pala. Hala, isang oras na ang nakalipas pero wala pa rin boyfriend ko.






Nagsimula na akong mag alala. Tinawagan ko na si Lucifer para tanungin kung nandon si Erebus pero si Orpheus ang nakasagot dahil nasa shower daw si Lucifer, ang sabi ng anak namin ay wala raw ang Papa niya doon.





I tried contacting the number of Erebus pero cannot be reach daw. Nag aalala na ako. Dali dali kong kinuha yung bag ko at lumabas ng office. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil naka heels ako ngayon at madulas yung floor. May kaunti pa namang tao dito since may mga night shift and sa security.






Pumara na ako ng Taxi at sinabi ang kompanya ni Erebus, peste naguluhan pa ako kung anong sasabihin ko dahil madami siyang kompaniya pero napagdesisyonan kong sabihin nalang yung Huxley Group of Companies, baka nandon lang siya.





Habang papunta ay nag ring yung phone ko, tinignan ko ay si Erebus 'yon. Dali dali ko 'yong sinagot. "Hello?! Bakit ngayon ka lang tumawag?! Alalang alala ako sayo!" I blurted out.






"Hello, Ma'am?" Nagulat ako nang babae ang sumagot. Lalaki ang kinuha ngayon ni Erebus na Secretary kaya nagtaka ako. "Is this Mrs. Huxley?" She asked.






Kahit nagulat ako ay hindi ko pa rin maiwasa kiligin lalo na sa itinawag niya saakin. Mrs. Huxley daw, oh.





"Y-Yes." Nauutal kong sagot, para akong tanga na pinipigilan yung ngiti, si Manong Driver tuloy nagtataka habang tumitingin dun sa may salamin.







"You are the only contact that I think is related to Mr. Huxley in his contacts. Kindly come here at Cauayan Adventist Hospital. Thank you." Nabura yung ngiti ko nang marining kung saan ako kailangan pumunta.







Nang makabawi ako ay sinabi ko nalang kay Manong Driver na magiiba ako ng pinuntahan, kahit nag tataka ay sumunod nalang siya. Inilagay ko ulit sa tapat tainga ko yung phone.







"What is he doing in the hospital, Miss?" I asked the nurse. Mahigpit ang hawak ko sa phone ko habang hinihintay kung anong sagot niya.







"He got into an accident, Ma'am."












Dali dali akong tumakbo papasok. Hinanap ko yung Emergency Room. Maraming mga nakaharang kaya tinignan ko lahat lahat, pero hindi ko pa rin siya mahagilap.





Habang naghahanap ako ay nagdadasal ako na sana hindi malala yung nangyari sakaniya. Biglang may nurse na lumapit saakin, mukhang siya yung tumawag saakin kanina. "Mrs. Huxley?"






"Yes? Where's my boy-- husband?" Wala na akong oras kiligin, kahit ngayon lang natin i-claim na asawa ko siya, kailangan ko talaga siya makita.







End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now