Chapter 12

54 18 0
                                    

Her





Two days after the incident happened. Pagkauwi ko ay hindi ako nakatulog, natuwa naman si Sofia sa biniling laruan sakanya ni Erebus. Set pala 'yon ng limited edition na barbie, yung presyo 900 pesos, grabe naman 'yon para sa laruan.





Hinatid niya ako pauwi pero parang nakalutang lang ako sa ere. Nag eecho parin sa isipan ko sa buong byahe namin 'yong mga sinabi niya.





Pagkarating namin ay iniabot niya saakin yung paper bag na may lamang laruan, babayaran ko sana pero dahil lutang ako, hindi ko alam na 700 lang pala 'yong dala ko. Buti nalang sinabi niya na wag na, edi napahiya sana ako.





"Nyx, kausapin mo na ako." I came back to my senses when his deep voice filled my ears. Tumingin ako sakanya. His hands are on my table, nakaupo kasi ako sa swivel chair ko at nakatungkod naman siya sa lamesa ko habang nakatingin saakin.





Hindi naman ako galit sakanya pero hindi ko alam kung bakit medyo umiwas din ako sakanya, siguro dahil hindi rin ako makapaniwala sa mga narinig ko nung araw na 'yon.






Tumikhim naman ako at tumayo. I put a formal smile on my lips and looked at him. "What can I do for you?" Hindi ko na dinugtungan ng kung ano man iaaddress ko sakanya. Hindi ko pa siya ulit matawag na Erebus at mas lalong ayaw ko namang tawagin siyang Sir.





"Please drop that formality on me." Pagsusumamo niya. Buti nalang at break time, walang mga tao sa labas na pwedeng makarinig saamin.





Just by looking at his face, he was right. Hindi siya mali nang sinabi ng mga gabing 'yon, imposibleng wala rin akong nararamdaman para sakanya. Pero mali e, kasi kahit pagbalikbaliktarin naman yung mundo at sitwasyon, wala naman kaming relasyon.





"Baby." He called me.




Ayan nanaman 'yang baby na yan, yan na nga lang pinaka dahilan kung bakit hindi ako kaagad nakatulog tapos uulitin niya nanaman. Hindi ako makasagot at hindi na rin yata siya nakatiis, naglakad siya papunta sa tabi ko.





Nang makalapit siya ay umiwas na ako ng tingin. Mas lalong lumakas yung tibok ng puso ko nang hawakan niya yung kamay kong nakapatong sa lamesa. He caught my eyes.





"Are you ignoring me? Are you mad at me? Tell me. Mababaliw na ako kakaisip." He said in a soft voice. Nakakalusaw yung boses at mga tingin niya.





"Hindi ako galit, Erebus." I said, finally involving his name in my phrases.






"There, sabihin mo yung pangalan ko, sabihin mo kung ano yung pag aari mo." He said. Kumunot ang noo ko at sinalubong na rin ang mga tingin niya. He smiled.






"Hindi naman kita pag aari ah." I said as a matter of fact.






He chuckled and kissed my forehead. Nagugulat na talaga ako sa mga actions niya. "Soon, baby, soon." He replied. Binitawan niya na rin ang mga kamay ko. Bumalik na siya sa harap ng lamesa ko.






Umupo ako dahil nanghihina yung mga tuhod ko sa ano mang nangyayari ngayon.






"Today's my grandmother's birthday. Do you want to come...with me?" He asked. Tumingin naman ako sakanya. Medyo nakarecover na rin kanina.






"Bakit kailangan ako dun?" Family dinner yun diba?






"Well, hindi ka naman kailangan dun. Okay na ba yung, ako ang may kailangan sayo?" He chuckled after saying those words. I rolled my eyes, qouta na ako sa pagpapakilig ng lalaking to. He saw me doing that, the reason why his chuckle turned into a laugh. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.






End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now