Chapter 7

64 19 2
                                    

Her


"By the way, this is our contract." Kinuha niyo yung folder sa may dashboard ng sasakyan. Grabe, folder palang mukhang mamahalin na.


I opened the folder para basahin. Halos lumuwa yung mata ko nung nabasa ko yung salary, for one month. 500,000 pesos and may mga nakalagay pang mga ibang kasama kapalit ng pagiging secretary niya. And nakalagay sa taas yung name ng company, and it is...


Vantablack Review Center and Library


At sa baba, kung saan ako mag peperma. May nakalagay sa left side na name...


Erebus Huxley
Owner

Siya ang may ari? Etong lalaki na nasa tabi ko kakasabi na magkaibigan kami ang may ari ng review center na kailangan kong pasukan?



I faced him. Nagulat naman siya ag tinignan ako but later on looked at the road again. "What's your problem, woman?" He asked.



"Bakit hindi mo sinabi saakin na ikaw pala may ari ng Vantablack? Tapos ang tawag ko lang sayo is first name mo? Ikaw pala may ari ng gusto kong pasukan na review center!" I exclaimed.


Nagsalubong naman ang dalawa niyang kulay. "What's the big deal? And hindi ka ba nagbasa tungkol sa inapply-an mo? You're impossible." He said.


I fixed how I sit habang nakatingin sa contract. "Hindi na, kasi nung nalaman kong ikaw naman pala magiging boss ko. Hindi ko na tinuloy magbasa." I explained. "By the way, bakit ang laki naman ng sweldo?" I asked him.


"Maliit pa yan. If nagustuhan ko yung service mo, mas tataasan ko pa." He said, and mas ginanahan akong mag trabaho sakanya. Grasya na 'to, sino pang tatanggi?


"Ano palang gagamitin mo to support your daily living and your sister? September 4 next month mo pa makukuha yung sweldo mo." He asked again.



I finished writing my name and signature. "Yung ipon ko muna siguro, mapapalitan naman yun agad after a month. Sobra pa nga." I replied.



He maneuvered his car to turn right. Malayo pa kaya? 20 minutes na din yung byahe namin ah. "What's your address, by the way? Are you the owner of the house kung saan kayo nakatira ngayon?" He asked of the blue.



"Bakit mo tinatanong?" I asked because of confusion.


"Because you are my secretary." He answered, in a tone that why am I even asking.



Tumawa ako. "Haha. Sorry naman. Nakatira kami sa Purok 8, San Fermin, sa may Bliss 2.  Nirerentahan lang namin yung bahay, pero hindi kasali yung kuryente, ako ang nagbabayad. Si Aling Lisa, yung tindera din saamin, siya yung landlady namin." I answered.



He nodded, as if natandaan niya na lahat ng sinabi ko.



"Buong araw na kailangang nasa tabi kita, saan kakain si Sofia, your little sister?" He asked again.


"Binibigyan ko siya ng baon, tapos kakain sila ng mga friends niya sa canteen ng school na. Siya lang naman gagastusan ko, yung baon niya and yung mga daily necessities namin sa bahay." I replied.



"Hmm." He hummed but asked a question again. Hot seat ata 'to ni Erebus Abunda. "Saan nag aaral si Sofia?" First name basis na din sakanya yung kapatid ko.



Kahit parang wala namang ng kinalaman sa trabaho yung tinatanong niya, sinagot ko nalang yung tanong niya. "Cauayan North Central School" I answered his question.



Nag expect pa ako if may tanong siya but hindi na siya nagsalita. After ilang minutes, he parked his car. Tinanggal ko na yung seatbelt ko and lumabas na sa kotse. And a huge black building welcomed my sight, as in ang laki.



Sa taas may nalakagay na 'Vantablack Review Center and Library'



Sa picture ko lang 'to nakikita, at ang ganda ganda sa picture. Ngayon, nandito na mismo ako sa harap niya and dito pa ako mag tatrabaho. Soon, nandito na ako para mag aral at makapasok sa Huxley College of Courses.



"Hey, Nyx. Let's go." Tinignan ko si Erebus na nasa tabi ko na pala. He looked at me and then to the people na papasok sa building. May mga taong minadaling makapasok at parang natakot na nakita si Erebus, at may mga taong tumigil pa para tignan kung sino yung lalaking katabi ko.


I won't deny it. Gwapo si Erebus, sobrang gwapo.


He started walking. I followed him. Mahahaba mga biyas niya kaya nahirapan akong makasunod ng mabilis sakanya. Nag bow sakanya yung mga body guards pero hinarang nila ako. Titignan na sana nila kung anong laman ng sling bag ko but nagsalita si Erebus.



"What are you doing, you two?" He asked the two bodyguards in front of me.



"Erebus, kakapkapan nila ako." I answered. Obvious naman kasi yun ag trabaho nila.



He tsked. "She's my secretary. You don't need to do that." He said and walked towards us. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papalayo sakanila. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero nagpatianod nalang ako.


Nahahalata ko sa mga tao sa paligid namin na may nagbubulungan. May naririnig akong pangalan 'Blythe' daw, pero hindi ko nalang pinansin. Nang makarating kami sa harap ng elevator, hawak parin ni Erebus yung pulsuhan ko.


I cleared my throat kaya napatingin siya saakin. Tinuro ko ng patago yung kamay namin kasi nag titinginan na mga kasabay naming nag hihintay sa elevator. Agad naman niyang binitawan yung kamay ko but he immediately faced the door of the elevator again, na parang wala siyang pakealam sa mga tao.


The elevator finally opened at lahat ng lumabas dun, nagulat at nakayukong lumabas. Nag sipasukan na yung mga ibang tao na naghihintay, hindi naman ganoon kadami pero kung magsiksikan sila sa loob grabe, may iniwan silang maliit na space sa gitna para siguro sakaniya or saaming dalawa.


He walked inside and grabe, may mga lalaki din namang kami na kasama sa loob ng elevator pero mas matangkad siya sakanila, mukha nga lang talaga akong highschool kapag magkatabi kami.



Someone cleared her throat. Nilingon ko at halatang may gustong itanong kay Erebus. Bago siya magsalita, tinignan niya pa ako baba hanggang taas. "Sir, what happened to Ma'am Blythe? Umalis po ba siya?" Tanong nung babae.


Lahat ng nasa elevator nag hintay at nag abang ng sagot mula kay Erebus but a minute passed. No words came out from his mouth. Lahat kami naka feel ng second hand embarrassment kay Ate.



Halatang magsasalita pa ulit siya. "Si--"


"The woman beside me is my new secretary. Does that satisfy you? I will not answer your question about Ms. Divley, it's none of my business." Ramdam na ramdam namin yung formality and lamig sa boses ni Erebus.


The door of the elevator opened and we all went out. Pero kahit bulong lang, may nagsalitang halatang sinadya na iparinig saakin. "Paano kaya yan nakapasok? Halatang estudyante lang. I think masesesante kaagad yan. Si Ma'am Blythe lang naman nakakahandle kay Sir." A woman whispered to his companion.


Erebus stopped walking. Lagot, mukhang narinig niya. "You, the one who talked. Leave the office. I don't want to see your face in my company anymore."



"S-sir?" The woman came in front of Erebus.    "Sorry, Sir." The woman was about to cry.



"Leave. But remember, malalaman ko lahat, everything that you will say before you leave my building." He looked at the woman who's now crying without any noise.



"One more word about Ms. Vance. Even though you're not an employee here anymore..." He said, full of coldness and ruthlessness.



"You know what I can do."

End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now