Chapter 11

51 16 0
                                    

Her






"Ate, pwede ka bang mag buy ng laruan ko?" Tanong ni Sofia habang naglalakad kami papuntang gate ng school nila. Kakababa namin sa tricycle. Mahigit isang linggo na rin akong nag tatrabaho kay Erebus. Simula nang gabing 'yon, medyo naging okay yung pakikitungo niya saakin at mas lalo kaming naging malapit.







"Ah sige, tignan ko." Sagot ko sa kapatid ko habang kumukuha ng ipapabaon ko sakanya sa bulsa. Pero may binigay siya saaking pitong piraso ng 100. "Hala ka! Saan mo nakuha 'to?" Tanong ko sakanya.






"Eh kasi, wala naman akong binabayaran dito sa school. Kapag kumakain ako sa canteen, libre. Kapag may gusto akong bilhin, kahit candy lang, libre din. Hindi naman nila sinasabi kung bakit kaya nakaipon ako." Kibit balikat niyang sagot.







"Ay ganon ba. Dapat malaman ko kung sino yung nasa likod nito, magpapasalamat pa ako." Saad ko hanggang sa narinig na namin yung bell ng school nila. Tumakbo naman kaagad siya habang kumakaway.







"You ready?" Erebus ordered yesterday na dito na ako sa bahay nila dumeretsyo. Akala ko nakalimuta niya na kahapon about sa phone ko, but pinalista niya pa sa notebook ko na isali ko daw to as important schedule niya. Loko talaga 'to.







Sumakay na kami sa mamahalin niyang kotse, na Buggati La Voitute Noure pala ang brand. Grabe yung presyo, aabot na sa isang bilyon. Kapag ba kumuha ako ng isang gamit o pyesa ng sasakyang to, mayaman na ako?







Nagmaneho na siya papunta sa mall nila, yes mall nila. On the way, wala kaming magawa dahil sabi niya it's not about work today kaya wala akong dala na kahit ano, kahit yung notebook man lang, yung 700 pesos lang talaga ni Sofia na pambili niya ng laruan.







Mabait naman talaga 'yung batang yon. Hindi ko nga siya buong kapatid e, anak siya ni papa sa pangalawa niyang asawa but mabait naman saakin kaya tinanggap ko dahil wala na rin si mama noon. Mahal na mahal ko talaga 'yong batang 'yon, parang si Erebus lang, hindi naman talaga sila kung ano man yung nakikita natin sa labas. Mas magandang kilalanin muna natin sila, bago magsalita.







Nasa gitna ako pag iisip nang biglang nag play yung music player sa kotse niya. In-on niya pala. Nag play naman yung At My Worst ng Pink Sweats.







Erebus looked at me and smiled, bago niya ibinalik yung atensyon sa daan.






Can I call you baby?
Can you be my friend?






Unang lyrics ng kanta na sinabayan niya, nagbuhol buhol nanaman lahat ng nasa kalamnan ko sa tiyan. Grabeng effect na 'to, may crush na yata ako sa boses niya.







Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in, yeah







Ang lamig ng boses niya. Napakasarap pakinggan, ang swerte naman ng babaeng mapapangasawa niya. Gwapo na, mayaman na, may talent pa pala sa pagkanta.







Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me








He glanced at me and smiled. Nakatingin lang ako sakanya, ano ngayon kung mahuli niya akong nakatitig sakanya. Gwapo gwapo niya kaya, hihi. And manghang mangha ako sa jaw line niyang nakakasugat na yata.







I need somebody who can love me at my worst
No, I'm not perfect, but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'll do the worst






End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now