Chapter 23

48 18 0
                                    

Her





Flashback





"So, you are really brave, huh?" Nagulat ako nang may nagsalita sa may gilid ko, napatigil rin ako sa paglalakad. Kahit na tumutulo yung luha ko ay nagawa ko pa rin na magsalita.





"Sino ka?"






Sa wakas ay lumitaw na sa kadiliman si Silvestre, ang ama ni Erebus. "Young Ellisandra, nagkamali ka ng pinasukang mundo." He then laughed as a crazy man. Mas lalong lumaki yung galit ko sakanya at susugod na sana nang may humawak sa magkabilang braso ko. Nilingon ko ay dalawang lalaki ito, malamang ay tauhan niya.





"Hayop ka! Nasaan mo dinala yung kapatid ko?! Wag kang magkakamali na sasaktan siya!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nila. Tumawa naman ulit siya.





"Bakit? Ano bang magagawa ng hampas lupang kagaya mo?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumapit siya saakin at hinawakan ang paa ko. Masakit ang pagkakahawak niya pero wala akong panahon para indain 'yon. "Walang magagawa ang mahirap na kagaya mo." Dagdag pa niya.





"Tangina mo, mauubos din pera mo! Gago!" Sigaw ko. Wala akong pake kung tumalsik na laway ko sakanya. Binitawan niya ang panga ko saka nagpunas ng mukha. "Mahirap man ako pero kaya kong duraan mukha mo, tarantado!" Sigaw ko.





Tinignan niya yung dalawang may hawak saakin. Agad nila akong kinaladkad papunta sa madilim at lumang bahay, iyak lang ako ng iyak pero wala akong lakas para sumigaw at humingi ng tulong.





Pagbukas ng pinto ay bumungad ang nakaupong si Sofia, nakauniform pa pero nakablindfold at magulo na ang buhak, umiiyak siya habang bumubulong ng "Ate."






"Sofia!" Sigaw ko habang umiiyak. Gusto kong lumapit sakanya pero hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak nila saakin.






Mas lumakas naman ang iyak ng kapatid ko. "Ate! Ate! Nasan ka?!" Sigaw niya habang pabaling baling ang ulo.





"Sofia, wag ka na umiyak ha? Nandito na si Ate. Nandito ako, ililigtas ka ni Ate." Pagpapatahan ko sakanya. Napalingon naman ako ng tumawa si Silvestre.






"What a scene. Real life movie 'to ah." Pumalakpak pa siya.






"Napakawalang puso mo, Silvestre! Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit ayaw sayo ng anak mo! Tarantado ka! Gago!" Wala akong pake kung marinig ako ng kapatid ko na nagmumura.





"Oh! Right, my beloved son. Kumusta na siya? Kasama mo na ba siya? I miss him, you know." Puno ng sarkasmo yung boses niya."I know nasa bahay mo siya ngayon." He added.






Naging seryoso na siya. "And you know what? My men are gathered around your house right now." Ngumisi siya, nakakatakot na ngisi. "Ready to kill him."






Mas lalo akong naiyak. Erebus. "Hayop ka! Anak mo 'yon, gago! Papatayin mo sarili mong anak?! Wala kang puso!"






"Because he never listened to me! Matigas na nga ulo niya, mas tumigas pa nung dumating ka! Hindi niya ba naiintindihan na rarami ang pera niya kapag nakinig siya saakin?!"






Tangina, mukhang pera nga talaga.






"Hindi lahat gusto ng pera! Ikaw, nagmumukha ka ng pera! Hayop ka talaga!" Masakit na lalamunan ko kakasigaw pero wala akong pakealam. Iyak lang ng iyak si Sofia.






End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now