Chapter 17

49 16 0
                                    

Her





Hinanap na namin si Sofia sa lahat. Bumalik kami sa school at tinanong namin mga teachers niya, ang sabi nila umuwi naman daw si sofia nung uwian na.






I asked her friends too, and ganon din ang sinabi nila. Nakita lang daw nilang naghihintay si Sofia sa may gate. Napahilamos ako dahil hindi namin siya mahanap.






"Tita Lisa, sinubukan niyo po bang pumunta sa school kanina?" Tanong ko nang makauwi kami, si Tita Lisa ay busy rin kakatanong sa mga taga dito, baka daw naglakad si Sofia pauwi.






"Hindi, Sandra e. Pumunta ako don pero nung wala akong nahintay at nabasa ko yung text mo, don na ako natunugan. Sinubukan ko munang hanapin baka naglalaro lang, pero wala talaga." She explained.






Gulong gulo na yung buhok ko. Umuwi ako sa bahay, si Erebus ay nakasunod lang saakin habang kinakausap si Lucifer, inuutusan niya itong maghanap and mag utos ng mga body guards.






"Baby." He called me nang makapasok kami sa bahay.







Hindi ko na siya pinansin dahil busy ako sa paghahanap ng picture ng kapatid ko, kumuha na din ako ng damit ko. Nang makahanap ako ng picture ay lumapit ako sakanya. Iniabot ko sakanya 'yon kaya nagtaka siya.







"Dalhin mo 'to sa Police Station para mahanap si Sofia, please." utos ko. Kailangan ko na rin ng tulong ng mga pulis.






"Baby, they won't accept this. Wala pang 24 hou----"






"I know! Kaya nga ikaw ang pinapapunta ko e. Please Erebus! Use your power to help me. Kahit minsan lang, gamitin mo yung apelyido mo para tulungan ako. Yung kapatid ko..." Humagulgol na ako. Si Erebus naman ay dali daling niyakap ako.







"I'm sorry baby, I'm sorry." He's whispering while kissing my head. Umiiyak ako sa dibdib niya, kanina pa ako nagpipigil e. Hindi ko na alam yung gagawin ko.







After ilang minuto ng pag iyak ay tumahan na ako pero naroon pa rin yung bigat ng loob ko. He cupped my cheeks and kissed me, mabilisang halik lang 'yon. Inayos niya yung buhok ko. "Pupunta na ako sa Police Station, you rest here okay? Babalitaan kita. Lucifer is now moving with his men. I already contacted the security department sa company for their help too."







"Thank you, baby. But I can't rest, hindi pwedeng nakatunganga lang ako dito habang hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kapatid ko."







"Baby..."







"Erebus, what if naligaw na siya? or may kumidnap sakanya? Jusko, wag naman sana----"







"Hey baby, look at me." Para akong batang sumunod at tumingin sa mga mata niya, hawak hawak niya ang magkabila kong pisngi. "That won't happen. Be positive, baby, think positive please." He said and kissed my forehead.







I sighed heavily at tumango. "Mag shoshower lang ako." Paalam ko sakanya. Tumango naman siya and humalik ulit saakin, pero nag ring yung phone niya. Nagpaalan siya na sasagutin niya, hindi na ako sumagot. Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang mag shower.











"Sir, ano pong pangalan nila?" Tanong ng pulis, nandito na kami sa police station para magpatulong.






"Erebus."






End of the Endless VoidWhere stories live. Discover now