Chapter 13 - A Night to Remember

193 20 25
                                    

Ace's POV

MYGAHD!

Kahit saan ako tumingin lahat sila galit na galit at gustong manakit! Nasa pinakagitna pa naman ako ng venue at pakiramdam ko anytime dudumugin na ako ng kulto ni Seph.

"Ace! How could you! Akitin mo na lahat ng guys sa mundo, 'wag lang si Seph! He's our baby!" Tara shouted and she's really furious!

Pati rin si Tara, kasama sa kulto ni Seph kaya nagseselos siguro siya! Kasalanan 'to ni Seph! Kung hindi niya tinawag ang pangalan ko, sana payapa pa ang mundo ko!

"Master, kanina pa kita hinihintay. Ikaw lang ang special guest ko at ikaw lang ang lagi kong hinahanap. Simula nang makilala kita, you've been on my mind the whole time." Seph announced and lahat ng fans niya narinig and I'm doomed, lalo na Seph called me "Master" in FRONT OF HIS FANS!

Tiningnan ko sina Jeffrey and Lucas at umiiling sila. They're not happy and they were looking at me at parang sobrang disappointed sila sa akin.

"Ipagpapalit na lang tayo ni Seph, sa isang lalaki pa? Sino ba siya sa tingin niya? Ganda ka?" Someone shouted in the background pero hindi ko alam kung sino.

"Lakas ng loob nito na mang-agaw ah?" Another one shouted.

Jeffrey and Lucas walked away dahil sa disappointment and Seph was laughing so hard at the stage. Then bigla na lang may namangga sa akin and I don't even know who that person is!

Bigla niya akong sinakal and tuwang tuwa ang mga nasa paligid ko. Tinatanggal ko ang mga kamay ng taong nananakal sa akin but I can't. Everything became red and tila nabingi ako sa napakalakas at matinis na tunog mula sa feedback ng mic. Sa sobrang tinis, it was hurting my ears na para bang mabubutas na ang eardrums ko. I can see that everybody's laughing and they were so happy na nahihirapan ako.

Palakas nang palakas ang feedback ng mic that I had to close my eyes and cover my ears dahil hindi ko na talaga kaya!

Ang nasa isip ko lang this time is makauwi na ako sa room ko and I want to hide under my bed! Ayaw ko na! Natatakot ako!

Habang nakapikit pa ako, nakaramdam ako ng mga kamay na patuloy na hinahawakan ang katawan ko na para bang niyuyugyog nila ako. Someone's calling my name repeatedly and after a while, a warm and tender hand suddenly touched my head and my back like it healed my mind and soul.

Biglang humina ang feedback ng mic but still, naririnig ko pa rin na tinatawag ang pangalan ko.

"Ace! Ace! Ace!"

Nang nawala na ang feedback ng mic, I opened my eyes...

"Okay ka lang, Ace?" I looked at the person who's touching my head so tenderly... it was Lucas and he was caressing my hair so delicately.

"Bakit bigla ka pumikit at nagtakip ng mga tainga? Naiingayan ka ba?" Jeffrey, on the other hand that's tapping my back, asked me.

Napatingin ako sa paligid ko and they were all standing and normal lang sila! Naghihintay lang sila na magsimula ang concert! Tara, Harry and Chester were looking at me and tila bigla sila nagaalala.

"Ace, uwi na tayo?" Chester asked.

"Kain na lang tayo sa labas?" Harry asked.

"Ace, what happened? Nag daydream ka na naman ba?" Tara also asked.

Secret of a Straight Fudanshi (Pinoy BL - Book 1 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon