Chapter 26 - Bago mahuli ang lahat

133 19 6
                                    

Chester's POV

2nd day na ng retreat at nasa bahay na kami ng Village head para magbreakfast. Mag-isa pa lang ako at hinihintay ko sina Ace at Harry na sumunod dito kasi nauna na ako at natutulog pa silang dalawa noong nagising ako.

Naiinis lang ako kasi kahapon pa si Harry nagiinaso! Kakasimula pa lang ng first day pero masyado na siyang naglalandi? Gusto niya lahat ng lalaki hahawakan siya? Gustong gustong nagpapahawak kay Kuya Joker?

Kaya hindi ko siya pinapansin pagkalabas namin sa C.R. noong nahuli kami ni Ace kasi naiinis ako sa kanya! Sabi ko, walang pwedeng humawak sa kanya at ako lang, pero wala, hindi ata nakatiis ang hinayupak. Kung kani-kanino gusto magpahawak pa! Ang matindi... doon pa sa may jowa! Anak ng tinapa!

Kahapon ko pa sila pinagmamasdan ni Kuya Joker at mukhang kinikilig pa siya doon sa lalaking 'yun. Point taken na wala kaming label ni Harry and hindi naman kami at wala akong karapatan magselos, pero nakakainis lang kasi napakalanding tao! Kalalaking tao, hilig magpahawak!

Hayst!

Tapos kagabi, akala nila tulog na ko, pero nakita ko na buhat ni Kuya Joker si Harry papasok ng tent namin. Ano kaya ginawa nila? Tsaka mukhang masaya si Harry na kasama 'yun ah?

Ano? 'Wag niya sabihing gusto niya maging 3rd party kina Kuya Joker at Ate Alaiza? Pag nagkataon, siya na kukuha ng korona kay Ace sa pasikatan sa school news feed!

Kadarating lang ni Ace sa Village Head house pero hindi niya kasama si Harry. Nilapitan ako ni Ace at bigla akong kinurot sa tagiliran!

"Hoy! Ano ba problema mo, Ace! Bakit ka nangungurot? Kulang ka sa aruga?" bulong ko sa kanya.

"Ikaw ang kulang sa aruga!" sagot sa akin ni Ace, "What's going on between you and Harry? Bakit kayo iwas sa isa't isa?" tanong niya sa akin.

"Bakit hindi mo itanong sa malandi mong tropa?" sagot ko kay Ace.

"Anong 'mong' tropa? Tropa ko lang? Hindi mo siya tropa?" sagot ni Ace.

"Oo, sayong sayo na. Hayaan mo na siya kung saan siya maligaya. Kung gusto niya sumama sa mga lalaking may jowa, pagbigyan natin." bulong ko kay Ace.

Tapos, bigla niya ako nginitian at hindi ko nagets kung ano 'yung mga ngiti niya pero pakiramdam ko, inaasar niya na ko sa utak niya.

"So nagseselos ka?" Tanong ni Ace.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dapat magselos kasi wala naman kami ni Harry. Although, sinabi ko sa kanya na sa akin lang siya, sana naman alam niya kung saan siya lulugar, 'di ba?

"Hindi ako nagseselos. Gawin niya kung saan siya liligaya!" sagot ko.

"Chester, Chester, Chester... 'wag ako. Nagseselos ka and hindi mo lang maamin sa sarili mo! Hindi mo maamin na hindi lang talaga lust ang nararamdaman mo towards, Harry! In love ka sa kanya! Hindi ka naman maiinis ng ganyan kung wala lang sayo." sagot ni Ace.

Wala talagang nakakatakas sa tao na 'to ano? Lahat napapansin? Hayst!

"Ace, kung gusto niya kay Joker, hayaan mo siya! Bahala siya! Bahala siya makipag-agawan kay Ate Alaiza!" bulong ko kay Ace.

Secret of a Straight Fudanshi (Pinoy BL - Book 1 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon