Chapter 37 - I'm Sorry

142 11 14
                                    

Lucas' POV

Habang nag-uusap kami ni Ace pabalik sa bahay nila, nakakaramdam na ako na may sumusunod sa amin. Malakas kasi ang kutob ko pag alam ko na may gulo na paparating.

Hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang nang tumigil kami ni Ace sa daan, may mga sumulpot na kumag at 'yung isa, may itak pa...

Ang nasa isip ko na lang sa mga oras na 'to na makatakas si Ace at makauwi ng ligtas sa kanila. Kay Ace kasi, may naghihintay pa na pamilya sa kanya, pero sa akin wala na.

"Takbo!" sigaw ko kay Ace at pinalayo ko na siya sa pwesto namin.

Ayaw niya sana umalis pero kailangan dahil mamamatay kaming parehas kung hindi siya aalis.

Umiiyak si Ace habang tumatakbo siya papalayo sa akin at ngayon ko lang siya nakitang umiiyak at naging mahina. Ayaw ko sana makita 'yun sa kanya kaso wala akong magagawa.

Ngayon, ako na lamang mag-isa at kaharap ko ang mga lalaking hindi ko kilala at may hawak na itak.

Bahala na kung anong mangyari, pero sana makatakas si Ace at makalayo. Kung sakali, 'wag na siya bumalik dito...

Ang may hawak na itak sa kanila ang pinaka problema ko dahil 'yung ibang kasama niya, kayang kaya ko patulan...  Pero, wala na akong magagawa kung hindi lumaban.

Kung mabuhay man ako dito... isa lang ang masasabi ko, ang swerte kong tao.

Susugurin ko na sana 'yung tatlong lalaki na walang mga armas pero may binato sila sa akin na hindi ko alam kung ano...

Tumama 'to sa ulo ko at may naamoy akong hindi kaaya-aya. Hindi ko alam kung ano 'yun pero pakiramdam ko para akong nahihilo na naninigas 'yung mga paa at kamay ko... pero kailangan ko pa rin lumaban.

Kaso... bigla na lang akong natumba sa kinatatayuan ako. Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko na para ako naparalisa at unti-unti dumidilim ang paningin ko.

Ilang saglit lang, nakaramdam ako na parang may kinukupkop sila sa mga bulsa ng pantalon ko pero hindi ko alam kung ano. Tiningnan ko kung anong ginagawa nila at kahit malapit na magdilim ang paningin ko, pinilit ko ang sarili ko na makita ang ginagawa nila.

Kinukupit ng mga magnanakaw ang wallet ko... ang lahat ng ipon ko... ang lahat ng natitira sa akin... kinukuha nila.

Gusto ko lumaban dahil 'yun na lang ang mga gamit na pinakaiingatan ko.

Ilang saglit lang, napakalabo na ng paningin ko at may tumusok sa bandang tagiliran ko na napasakit... hindi ako makagalaw pero gusto ko sumigaw sa sobrang sakit, kaso pati ang bibig ko hindi rin makasigaw...

Ito na nga ata talaga ang katapusan ko... may hindi pa ako nagagawa... tapos na agad? Sasama na ba ako sa pamilya ko na nasa langit na?

Namanhid na ang pakiramdam ko hanggang sa mas tumitindi na ang pagdilim ng aking paningin at wala akong na akong maramdaman.

Bago ako pumikit, may nakita akong tao na naglalakad papalapit sa akin... Si Ace ba 'yun? Gusto ko sabihin na wag na siya bumalik at iwanan niya na ako... baka siya naman ang puntahan ng mga taong nanaksak at nagnakaw sa akin... Pero hindi na kaya ng katawan ko...

Secret of a Straight Fudanshi (Pinoy BL - Book 1 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon