CLEO'S POV
Balisang paikut-ikot ako sa kwarto ko. Kinagat-kagat ko ang labi ko at napapasabunot na lamang ako ng buhok ko. I really don't know what to do.
Umupo ako sa kama, sinabunutan ang buhok ko, at mariing pumikit.
"T*ngina naman" naiiyak na sabi ko.
Umalpas na ang mga luha ko.
"Ano'ng gagawin ko?" Naguguluhang kausap ko sa sarili ko.
Tumayo ako at muling bumalik sa loob ng banyo ng kwarto ko.
It's been a month and a half since I met Matthew. 'Yung date namin sa Luneta ay nasundan pa ng ilan pang date. He's really persistent. Ang I can resist him.
Nagsimula na din ako sa photo shoots ko sa kompanya nila. Si Matthew pa din ang COO at next month pa daw ang end of contract niya. Magpo-focus na daw siya sa kompanya nilang magkakaibigan after ng kontrata niya sa family business nila. At nakakatuwa na kahit gaano pa siya ka-busy, may oras pa rin siya para sa akin.
After ng photo shoot ay lalabas kami ni Matthew para sa dinner. Tapos ay mamasyal kami sa park ng village nila or hahanap kami ng overlooking na view. We're doing things a normal couple do. We're doing things I never imagined Matthew Neil Vergara will be doing. He's so humble ang low profile. Hindi mo makikitaan ng ere kahit gaano pa kayaman.
Last week ay umalis si Matthew papunta sa Vietnam for a business trip. Bukas na ng hapon ang uwi niya. Walang lumipas na araw sa isang linggo na hindi kami nag-uusap habang nasa Vietnam siya. He made me feel really special.
Hindi na nasundan 'yung nangyari sa amin. Naghahalikan kami pero hanggang doon na lamang. And I'm happy that he respects me.
Masasabi ko na parang ang swerte ko mula nang makilala ko si Matthew Neil Vergara. Unti-unti na akong umaangat. Parang siya ang lucky charm ng buhay ko.
Pero naiilang pa rin ako sa Kuya Nex niya. At nahihiya ako sa buong pamilya niya. Kasi kahit hindi ko sadya, parang lumalabas na ginagamit ko siya para sumikat. Oo noon ay iyon ang plano namin ni Manay, pero wala na iyon sa isip ko. Hindi na iyon ang dahilan kung bakit ako sumasama sa kanya. Nag-e-enjoy ako kapag kasama ko siya at pakiramdam ko ay pwede akong maging totoong ako kapag siya ang kasama ko. Hindi ko kailangan mag-alala kung magulo na ba ang buhok ko o kung may maipipintas ba sa kilos ko. Hindi ko kailangang isipin kung kailangan na bang i'retouch ang make-up ko. I am the real me when I'm with him. I can laugh hard, I can eat using my hands, I can fart, I can make face... I can do anything with him.
Nabibilisan ako, pero sa tingin ko ay mahal ko na siya. Noong una ay inakala ko na paghanga lang. Pero nang lumaon ay parang palagi ko na siyang hinahanap-hanap. Na pagmulat ng mga mata ko, text niya agad ang hanap ko. Na boses niya ang gusto kong marinig. Na 'yung 'good morning' niya ang pinakamagandang simula ng araw ko at ang 'good night' niya ang kukumpleto sa araw ko. Na nalulungkot ako kapag hindi ako nakakasilay sa kanya sa loob ng isang araw. At kapag nasa paligid siya, lahat ng nakikita ko positive lang.
BINABASA MO ANG
Avaricious Hearts
General FictionStory of Matthew Neil Vergara and Cleo Saskia Aragon. How far can you endure to reach for a star? SOME SCENES ARE FOR MATURE MINDS ONLY !