CLEO'S POV
Pabagsak na humiga na ako sa kama ko nang sa wakas ay makauwi na ako ng bahay. Hapon na nang matapos ang activity sa orphanage. Masasabi ko na mission acomplished naman ako dahil mukhang kinagiliwan ako ni Mrs. Vergara.Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko habang inaalala ang pinaka-gwapong mukha na yata na nakita ko. At hindi mawaglit sa isip ko ang intesidad ng tingin niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko na naman ang paraan ng pagtitig niya sa akin kanina. Pakiramdam ko ay tumatagos sa buong pagkatao ko ang tingin niya. Para akong nasa ilalim ng microscope at mataman niyang sinusuri. Nang tignan ko siya pabalik ay inakala ko na magbabawi siya ng tingin. Tila hindi niya ininda na nahuli ko siya na nakatitig sa akin. Ako pa ang nailang sa kanya at nagbawi ng tingin. Pero kahit hindi na ako nakatingin sa kanya, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa akin. Nakaka-intimidate ang lakas ng personality niya. Para bang kaya niya akong husgahan at suriin sa tingin niya pa lamang.
Naramdaman ko na nanunuyot ang lalamunan ko. Bakit ba apektado pa din ako sa lalaking mama's boy naman?!
Pilit na iwinaglit ko siya sa isip ko at tumagilid ng higa para makapagpahinga na. Kailangan ko ng pahinga dahil may taping pa ako bukas. Kailangan kong maging masunuring tau-tauhan sa manager ko. Nag-uumpisa pa lamang ako sa karerang 'to. At gusto ko na mapaunlad ang buhay ko at ng pamilya ko.
"Ikaw na ang susunod na kukuhanan. Galingan mo" bilin sa akin ni Manay Cora. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at bumulong. "Magpasikat ka kay direk. Nakikita ko na malagkit ang tingin sa'yo ng matandang 'yon, pagkakataon mo na 'to" tinapik niya pa ang balikat ko.
Napalunok ako. Hinihikayat ko ang sarili ko na kaya kong gawin 'yon. Kailangan kong gawin 'yon.
Huminga ako ng malalim bago ako lumapit kay direk. Pinigilan ko ang sarili ko na tampalin ang kamay niya nang hawakan niya ang braso ko. Tsismis na na may pagka-DOM ang matanda na 'to lalo na sa mga baguhang artista.
Isang take lang ang kinailangan para sa eksena ko. Binibigay ko talaga ang lahat ng kaya ko para makapag-pakitang gilas.
Pagod at kulang sa tulog na umuwi ako sa bahay. Ganito naman madalas ang nangyayari. Napapagod ako at napupuyat sa paghihintay kung kailan ako kukuhanan. Pa-extra-extra palang ako kaya kailangan kong maghintay. Mabuti na lamang at nasa tabi ko si Manay Cora at binibigyan ako ng moral support. Sinasabi niya na mas magaling pa ako sa bidang babae. At palagi niyang sinasabi na nararamdaman niya na malapit na ang pagsikat ko.
Sa tingin ko ay wala pang tatlong oras ang tulog ko nang gisingin ako ni Nanay.
"Clang, gumising ka, tumawag si Manay at sinasabi na kailangan ka daw" seryosong sabi ni Nanay sa akin.
Kahit namimigat ang mga talukap ng mga mata ko ay pinilit ko na dumilat.
BINABASA MO ANG
Avaricious Hearts
General FictionStory of Matthew Neil Vergara and Cleo Saskia Aragon. How far can you endure to reach for a star? SOME SCENES ARE FOR MATURE MINDS ONLY !