Chapter 1: The Mama's Boy

53.6K 874 20
                                    

Cleo at the media :)

_______________

Neil's POV

"Nathan, hindi ka ba sasama sa amin?" narinig ko na tanong ni Mommy kay Kuya nang bumaba ito sa sala.

Humalik na muna siya kay Mommy. "Today is my rest day, Mom. I just want to lay on my bed and relax. Kasama niyo naman na si Neil" malambing na sabi ni Kuya

"How about Nexiel?" tanong ni Mommy.

"Tulog pa yata" sagot ko habang nagbabasa ng magazine sa sofa

"Bakit ba wala man lamang kayong hilig sa charitable works?" inis na sabi ni Mommy

"Mom, nagdo-donate naman kami regularly" sagot ni Kuya

"It's not enough, Nate" ismid ni Mommy at yumakap sa akin. "Mabuti pa ang bunso ko"

Tumawa naman si Kuya "Exactly! Sasamahan naman kayo ni Neil" tumalikod na siya at tumungo sa kusina

"Mom, hayaan niyo na sila Kuya. Alam niyo naman na busy sila sa kompanya" sabi ko sa kanya at inilipat ang magazine sa susunod na pahina. Agad na nakuha ng kotse ang pansin ko. "Wait lang, Mom" 

Dinukot ko ang phone sa bulsa ko. "Hello, Rufa, please contact the **** car dealers. I want the car on page 15 of *** magazine" excited na sabi ko

Nakangiting ibinaba ko ang tawag. 

"Bago pa ang kotse mo, Neil. You just bought that R8 three months ago" sermon sa akin ni Mommy.

I kiss her cheeks. "Mom, you know how much I fancy cars. That's my passion" nakangiting sabi ko sa kanya at hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko isipin ko pa lamang ang magiging bagong kotse ko.

"I-donate mo nalang kaya ang ipapambili mo ng kotse sa orphanage" suhestiyon ni Mommy

Napataas naman ang kilay ko. Hindi naman ako pinapakielaman ng parents ko sa expenditures ko dahil sarili ko naman na iyong pera. 

"Mommy, hindi ko naman pwedeng i-drive ang mga donations ko sa kanila" pagdadahilan ko.

I don't know what's with my Mom, bakit siya obsessed sa mga charitable works. Nagrereklamo na nga ang mga Kuya ko dahil karamihan sa kinikita ng kompanya ay napupunta sa kawang-gawa ni Mommy. Pero sabi nga ni Mommy, kaya kami pinagpapala ay dahil nagse-share kami ng blessings. Maging ang kompanya namin ay nasali na sa charitable institutions ni Mommy. 

"Masyado kayong maluho. Madaming bata ang nagugutom sa kalsada. Kayo nagtatapon ng pera sa mamahaling kotse niyo. Sa isang kotse niyo, mapapakain na ang milyong-milyong mga bata sa lansangan" sermon ni Mommy sa akin.

Avaricious HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon