CLEO'S POV
Nanatili lamang ang titig ko sa kisame.
I can still feel my cheeks blushing.
Gosh! Bakit ba ganoon na lamang kung maapektuhan ako ni Matthew Neil Vergara?
Kung hindi naaksidente si Eric, baka... baka...
Itinakip ko ang unan sa ulo ko saka ako tumili.
Kung hindi naaksidente si Eric, baka buntis na ako!
Hindi ko alam, pero kinikilig ako!
He wants to have a child with me!
Para akong bulate na nilagyan ng asin dito. Hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko.
Natigilan ako sa pagliligalig sa kama ko nang makarinig ako ng isang sigaw.
Napatayo ako sa kama at tumingin sa bintana. Ngayon na lamang may sumigaw sa labas ng bahay namin. Binuksan ko ang bintana para marinig ng mas malinaw ang sinisigaw ng nasa labas
"Juana! Ilabas mo ang anak ko! Parang awa mo na!"
Iyan ang sinisigaw ng babae na nakahawak sa gate ng bahay namin. Naka-jacket siya at pantalon. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.
"Sino'ng anak naman kaya ang sinasabi niya?" takang tanong ko sa sarili.
Hindi naman pwede na nagkamali lamang siya dahil binaggit niya ang pangalan ni Nanay.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang bigla iyong bumukas.
"Clang, 'wag mo nang abalahin ang sarili mo sa nagwawala sa labas. Nababaliw lamang ang babae na 'yun. Matulog ka na" nagmamadaling sabi ni Nanay habang lumalapit siya sa akin.
Isinara ni Nanay ang bintana at hinila ako patungo sa kama ko. Pilit na hiniga niya ako at kinumutan.
"Matulog ka na" mariing utos niya sa akin at umalis na din ng kwaryo ko.
"Ano ko bata?" natatawang tanong ko.
Muli ko na lamang inabala ang sarili ko sa cellphone ko.
To: Baby :*
Hi. Still busy with your brothers?
BINABASA MO ANG
Avaricious Hearts
General FictionStory of Matthew Neil Vergara and Cleo Saskia Aragon. How far can you endure to reach for a star? SOME SCENES ARE FOR MATURE MINDS ONLY !