Chapter 27: The One He Used To Love

22.7K 587 17
                                    

NEIL'S POV



Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Inabot ko iyon sa lamesa at hindi na ako nag-abalang tignan pa kung sino ang tumatawag. Naparami ang inuman namin ng mga kapatid ko. 


"H-Hello?" namamaos na sabi ko. Wala pa yatang apat na oras ang tulog ko.


"Bro, do you know where my wife is?" tanong ng nasa kabilang linya.


I feel lightheaded. Tumihaya ako ng higa mula sa pagkakadapa ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag.


Si Troy.


"Hinatid ko kagabi sa bahay niyo" sagot ko sa kanya at inabot ang unan para yakapin. Masakit pa ang ulo ko kaya gusto ko pang dugtungan ang tulog ko. 


"Wala dito. Sige, tawagan mo ko kapag may balita ka na" nagmamadaling sabi niya at pinutol na ang tawag.


Pumikit akong muli para ituloy ang tulog ko. 


Masyadong mahal ni Maine si Troy kaya alam ko na uuwi din iyon. Mababaw na tampo lamang kaya nagtatago iyon. Nainis yata sa hindi pagpunta ni Troy kagabi.


Muli, nagising ako mula sa isa pang tawag. 


Mahaba-haba na ang tulog ko kaya umupo na ako sa kama bago ko iyon sinagot.


I cleared my throat. "Hello?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko.


"Neil" mahinang boses ng babae ang narinig ko.


Tinignan ko ang screen ng phone ko at nakita ko na landline iyon.


"This is Charmaine" ang boses niya ay tila galing sa pag-iyak.


Agad akong nakaramdam ng pag-aalala. "Where are you? Troy is looking for you"


"Can you go here, Neil? And please don't tell anyone that I called you. Please" umiiyak na naman siya. Nakakaramdam ako ng sakit sa bawat hikbi niya.


"Okay" sagot ko na lamang at nagmamadali nang mag-ayos.


Alam ko na may problema. Pero wala ako sa posisyon para pangunahan siya.


Sinabi niya sa akin kung nasaang ospital siya. Agad na bumangon ang takot ko nang malaman ko na nasa ospital siya. 


May parte ko na sinisisi ang sarili ko dahil iniwan ko siya. Sana nanatili ako sa tabi niya kagabi habang wala si Troy. Sana hindi ko siya iniwan. Nakakaramdam ako ng takot at pangamba sa kung ano ang nangyari sa kanya.


Nagtatalo din ang kalooban ko kung sasabihin ko ba kay Troy. Pero ayoko na pangunahan si Maine. Baka may nangyari na ikinagalit niya talaga.

Avaricious HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon