SPG!
CLEO'S POV
Nanatili akong nakatitig kay Matthew. Sa totoo lamang ay natatakot ako sa kanya. Alam ko na galit siya, galit na galit.
His eyes were scorching with pure anger. And I am starting to play with my fingers to ease the tension I am feeling.
"What's the meaning of that date?" he asked in a serious tone. Kumuha siya ng baso sa bar at nagsalin ng alak. Inisang lagok niya ang alak bago bumaling sa akin
"N-Nothing" kinakabahang sagot ko.
Kanina ay bigla na lamang niya akong kinaladkad papasok sa sasakyan niya. Hinatid ako ni Paxton sa unit ko at laking pasasalamat ko na hindi ako pumayag na ihatid niya ako hanggang sa pinto ng unit ko, kung hindi ay magpapang-abot sila ni Matthew. Papasok pa lamang ako sa elevator nang biglang haklitin ni Matthew ang braso ko.
"Nothing?!" he shouts in an angry tone. Nakalabas na ang mga ugat sa leeg niya at namumula na siya sa galit.
Hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit niya. Ano ba ang big deal sa paglabas ko kasama si Paxton?
"Ano ba ang ikinagagalit mo?!" sigaw ko din. Kanina ay natatakot ako sa kanya pero ngayon na sinisigawan na naman niya ako, naiinis na ako. Wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman ako nakipaghalikan kay Paxton, ni hindi nga ako nagpapahawak ng kamay doon.
"You turned me down to be with him! What the fuck is that, Cleo?!" sigaw niya pa sa akin.
I glared at him. "Pwede ba Matthew Neil, hindi ako pinanganak para sigawan mo!"
"Fuck you!" sigaw niyang muli.
Napakislot ako nang mabasag ang inihagis niya na baso sa dingding kung nasaan ang mukha ko.
"You tell me..." nilapitan niya ako at madiin na hinawakan ang magkabilang braso ko. "Is he better than me? Did he kissed you better? How far did you go? Did he fuck you?" he said through gritted teeth.
Pilit na pumiglas ako sa kanya at malakas na sinampal siya.
"We're just making some publicity! What a dirty mind you have!" gigil na sabi ko
Hinaplos niya ang nasampal ko na pisngi niya. Tinitigan niya din ako na puno ng pagkamuhi. "Publicity?" nang-uuyam na tanong niya "Sana nag-live show kayo para mas sumikat kayo! Sana gumawa kayo ng sex scandal para mas pag-usapan kayo!" sigaw niya sa mukha ko
Hindi ko napigilan na maiyak sa sinabi niya. Sinampal ko pa ulit siya. Mas malakas, kahit pa nasasaktan din ang palad ko.
"How dare you!" puno na hinanakit na sabi ko sa kanya. "Tangina, ako pa ang iisipan mo ng ganyan?!" sumbat ko sa kanya. "I've been faithful to you kahit pa hindi mo naman ako mahal!" nagtuluy-tuloy na ang iyak ko. Nasasaktan na naman ako. "Ganoon kababa talaga ang tingin mo sakin? That I will fuck any man just to be famous?" sumbat ko sa kanya. "Siguro nga nagpapagalaw ako sa'yo. At oo, nakakatulong ka sa career ko. Mistulang bayarang babae na nga ako sa'yo. Pero putangina, sa'yo lang. Ikaw lang!" sinampal ko pang muli siya bago siya iniwan sa kwarto.
Diretsong lumabas na ako sa room.
"Cleo!" tawag sa akin ni Matthew.
Hindi ko siya pinansin. I am tired with his shits.
BINABASA MO ANG
Avaricious Hearts
General FictionStory of Matthew Neil Vergara and Cleo Saskia Aragon. How far can you endure to reach for a star? SOME SCENES ARE FOR MATURE MINDS ONLY !