Chapter 11: The Kiss that Ignites the Fire

32.1K 657 29
                                    

CLEO'S POV


"Miss Saskia, ready na po ang van niyo" my PA informed me.


"Mauna na kayong umuwi, magpapaiwan ako dito" sagot ko sa kanya habang nakatanaw sa gawi ng bar. Gabi na kaya madami nang mga tao doon at buhay na buhay na ang malilikot na ilaw at malalakas na tugtog.


"Paano po kayo uuwi? Susunduin po ba namin kayo dito?" tanong niya. Halata sa mukha niya na hindi niya gusto ang nais ko. 


"Hindi na. Kaya ko naman na mamasahe pauwi" sagot ko sa kanya


"Pero baka po pagkaguluhan kayo kapag nakilala kayo" alalang sabi niya pa


"Kaya ko ang sarili ko" sagot ko na lamang sa kanya.


Sa totoo lamang ay wala na akong pakielam sa iba pang mga bagay. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mahila ang buhok ng babaeng nakapulupot kay Matthew. Naiinis ako na kulang na lamang ay maghubad siya sa harap ng lalaki.


Ilang saglit pa na nangulit ang PA ko pero hindi ko naman siya masyadong binibigyan ng pansin. Nang umalis na silang lahat ay nag-suot na ako ng wig na blonde at ng contact lense na green. Medyo kinapalan ko din ang make up ko para mabago ang facial features ko.


Pakembot na lumakad ako palapit kay Matthew na prenteng nakaupo sa may bar counter. May dalawang babae na nakapulupot sa kanya habang umiinom siya. Ibang babae na naman at hindi ang kasama niya kahapon.


"Hi" pa-cute na sabi ko sa bartender "A shot of tequila please"


Nakita ko sa peripheral vision ko na nilingon ako ni Matthew. I must be alluring to draw his attention. 


Binigay ng lalaki ang order ko at agad ko namang inubos iyon. Itinutok ko pa ang paningin ko kay Matthew habang sinisimsim ang lemon. Tumaas naman ang isang kilay niya at ang isang panig ng labi niya.


"Honey" malanding medyo inis na tawag sa kanya ng babaeng nasa kaliwa niya at maalab na hinalikan siya nang lingunin niya ito.


"That's not fair!" protesta ng isa pang babae at hinalik-halikan naman ang leeg ni Matthew.


Ikinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang sarili ko na hilahin ang buhok ng mga haliparot. Alam ko naman na wala akong karapatan kay Matthew, pero mula nang mahalin ko siya ay pakiramdam ko ay sasabog ako sa selos kapag may ibang babae na nakapaligid sa kanya. Mahirap din pala na naramdaman ko, kahit sa maigsing panahon, na ako lamang ang babae sa buhay niya. Alam ko kasi noon, na ako lamang talaga. Kahit hindi niya ako mahal, ako lamang ang nag-iisa sa buhay niya. 


Kaya ngayon ko na-realized na tama lang pala na nalayo kami ng isang taon. Kasi kung hindi, baka palagi lamang akong nakadikit sa kanya para masiguro na walang ibang babae na madidikit sa kanya. Wala akong mararating sa karera ko at mas pipiliin na dumikit na lamang sa kanya. Marahil ay masyado akong magiging clingy.

Avaricious HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon