Chapter 1: Gino

20.2K 362 14
                                    

    Shino on the media section. Ji Chang Wook😍😍

Nangangawit na ako sa kakadala ng backpack ko. Hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin nitong timang na kasama ko. Kanina pa kami paikot ikot sa Mall. Hindi ko naman alam kung anong meron at may drama pang ganito? Ang saya ah!? Parang sira ulo nalang din aking nakabuntot sa kanya.

" Gino?! Anu ba kanina pa tayo paikot ikot eh? San ba talaga tayo pupunta ha? Nakakapagod kaya maglakad na may dalang limang kilong bigat sa likod mo. Helllooo!?"

Parang bingi lang ang bakla. Walang narinig. Aba eh di na tama to. Babatukan ko na to!!

"Shin!! Ayun na siya! Ayun na siya! Nakita ko na ulit siya. Nasa Jewelry Shop! Bilis na akin na yung camera. This is the moment. I will get this criminal on his prison!"

Tiningnan ko naman yung tinuturo niya. Matangkad, maputi, cheeky bones, red lips, bigotilyo, mid 20s, Extremely Handsome. Napamulat ako. God, that was his EX?!

Ay ano ba yan?! Makapagpakilala nga muna sa mga nagbabasa. Ako po ang bida sa kwento na'to. Kaya walang kokontra dahil di kayo magsisisi sa kwento kong ito. Ang pangalan ko ay si Shino Franco Alto Negro. Haha! Sorry ganyan talaga pangalan ko. Kasi ang mga magulang kong di ko na nasilayan ay yan ang ipinangalan sa akin. They were with me until I was 3 years old, dun ko lang nakasama ang parents ko. They died in an accident. Car accident. Wala narin naman akong alaala pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil nung nawala sila, ang tita ko na nag iisang kapatid ng Daddy ko ang nag alaga sa akin. Si mommy daw kasi wala namang masiyadong kamag.anak dahil nag migrate daw sa Amerika. Uso daw kasi noong una. Eh parang ganun parin naman ngayon eh?!

So yun na nga, ang nagpalaki sakin ay ang Mommy Tita Zaida ko. Tinuring akong tunay niyang anak at pinalaki akong disiplinado at mabait na tao kaya ito ang ending, bading ako. Hahaha!

Oo bading ako. Pero hindi naman kasi halata sakin. Sabi nga nang karamihang nakikilala ko. Nagbabading bandingan lang ako para makatsansing daw sa mga babae. Tumatawa nalang ako. Eh bata pa lang ako, alam ko na ang dugong dumadaloy sakin. Leshe! haha. Lihis sa landasin ng mga sugo ni Adan. Kaya naman natatawa nalang ako. Alam ko ang nararamdaman nila. Eh tingnan mo nalang kasi ako. Yung nasa cover nitong story ni Mr. Aoi. Yan ako. Hehe. Gwapo, matangkad, maputi, maganda ang katawan. Dahil sa itsura kong yan kaya di na rin ako affected. Kasalanan ko bang lahing Koreano ako. Koreano kasi si Daddy. At si Mommy naman eh lahing kastila at pinoy daw sila kaya ayun naging ganyan itsura ko.

I had my great childhood to begin with. Masayahin, active. Kabilang ako sa volleyball team ng school ko nung elementary ako. Naging swimmer naman ako nung highschool at take note, gold medalist ako noong sumasali ako sa mga competition. At nung college na ako, ayun nagstart naman akong mag.boxing. Kaya gumanda katawan ko. Kahit bakla ako, Im proud kasi marami akong achievements. At lahat naman yun para sa aking Mommy Tita.

Honor student ako lagi mula elementary hanggang highschool and, yeah i was a Cum Laude nung nagraduate ako with a degree in Business Management. And at my age of 23, I am a consultant in a Big Company. Huwag nalang nating pangalanan kasi masiyado nang obvious. Ang haba na ba ng kwento ko? Sorry dapat kasi talaga makilala niyo ako kasi hindi naman pahahabain ni author Aoi ang kwento kong ito. At ngayon nga kasama ko si Gino Carl Bulawan. My ebeerr deaaaresst Tanga sa Pag.Ibig friend.

Eh tatanga tanga talaga yan sa pag.ibig! Eh ang talino naman pagdating sa negosyo? Iniwan siya ni Nth boyfriend niya. Eh kasi naman ang bilis mainlove. Kapag iniiwan o niloko eh parang baliw na inisstalk ang mga EXES niya. Masochistic ang ugali kaya di ko nga alam bakit kami naging magfriends nito? Ako kasi, never ko pang binigay ang puso ko, kahit kanino. Kasi bata palang ako sinasabi na ng Mommy Tita ko, wag kang magmamahal kung hindi pa nararamdaman ng puso mo na siya na ang taong para sayo. Yun ang principle niya sa buhay. Kaya ayun, kaming dalawa lang ang magkasama. 56 na siya at hindi na nga nagplano magkajowa. Pero kahit ganun, tama parin si Tita, magmahal ka sa tamang panahon at sa tamang tao.

"Di ba yan yung Model dun sa Noodle brand niyo Gino?"tanong ko sa kanya habang tinitingnan naming dalawa yung lalaki na dalawang araw lang niyang naging jowa. Jusko naman, relasyon ba yun? Baliwag talaga tong baklitang ito.

"Oo Shin, ang sarap niya diba? at di ako makapaniwala na hindi ko manlang siya natikman. Nakaka.panglumo. Ahhhhhhhh!!" daing niya na parang natatae? Gaga talaga. Hinablot ko na siya para makapagtago kami kasi papalapit na si Mr. Noodle.

"Araaayyy!! Teka Shin lalapitan ko siya". tinampal ko siya ng mahina. Natigilan naman siya.

"Hoy bakla ka! Ayan na may picture ka na, ipakulong mo na. Ang problema kasi sayo, pasok ka ng pasok sa relasyon eh pag natitibag naman eh para kang linta na lalapit lapit parin. Alam mo, sayang yang ganda mo sa taong yan, wag ka magpakatanga ok. Umayos ka nga?"

Naiiyak siya. Seriously? Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka lungkot sa isang break up. Ang hirap panaman nitong patahanin. Kailangan talagang ganito ang eksena?

"Tara inom tayo. Sa paborito nating bar?! dun makakalimot ka! Ok?"

Tumango nalang siya. Pero umiiyak parin siya. Nakakaasar. Eh ayoko panaman na umiiyak siya kasi ang pangit niyang tingnan. Umalis na kami dun sa Mall na yun at pumunta kami sa Bar na paborito naming puntahan. Habang nasa kotse, tumingin siya sakin.

"Shin, I want you to do me a favor? As a bestfriend? Ito lang at kapag nagawa mo to habangbuhay ko nang utang yun sayo. Can you grant it?"

Kinilabutan ako. Hindi ako nakakapagdrive nang maayos. Tumitingin ako sa kanya at sa kalsada. Nakakalito. Ngayon lang kasi siya humingi ng ganito? our friendship na simula highschool palang kami, ngayon lang siya nanghingi ng favor?

"Hoy Gino?! Nakakatakot ka ah? Ano yan? Nakakabaliw kang tingnan."

"Please Shin, just this one". nagteateary eyes nanaman siya. Hay naku! Sige na nga. I Promised to myself na kailanman, I will make the people important to me, happy. I want them to be happy.

"Oh sige na nga. Basta yung kaya ko lang ha----"

"Make him fall in love with you. Red, si Red, Make him fall in love with you and when it is done, break him up."

Huwwwwwaaaaatttt??

----------------------------------- T.B.C.

Guys please let me know if hindi siya maganda?? Ill make a better version. Mobile Making lang kasi to. Nahihirapan ako magtype but anyway, hope you will like this.

Pls comment and vote. Para mainspire naman ako gawin tong kwento ni Shino. :-):-)

Photo on the media is not mine. Credits to the owner of the photo.

A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon