Red's Point of ViewAll through the week naging masaya ang mga nangyari.. Gumawa ako ng bagong commercial at dumadami narin ang endorsement offer sa akin..
Dahil narin siguro sa pagbabago ng ugali ko. Napansin yun ni Gard kaya naging masaya din siya tungkol sa nangyayari sakin.. Naging masayahin na kasi ako at sumali na ako sa mga charitable works na mas lalong nakakapagpagaan sa pakiramdam ko..Kuya? Bakit bigla kang naging ganyan ah?? Nakakapanibago ka talaga? sabi sakin ni Blue, ang nakababatang kong kapatid, mas bata siya sakin ng tatlong taon.. Lagi siyang palatawa kaya noong napansin niyang nag.iba ang pakikitungo ko sa kanila nila Tatay ay mas lalo siyang naging masaya..
Oo nga kuya Red? Siguro may nagpapatibok na sa puso mo noh?? sabi naman sakin ng Violet. Ang bunso namin.. Ang prinsesa sa aming bahay.. Ang matalino at tahimik saming tatlo.. Nagbago din siya mula ng magbago ako..
Malaki ang naging epekto ko sa kanila..Nagkatawanan naman silang dalawa habang nasa sala kami at nanonood ng TV.. Nag spend na ako ng panahon para sa kanila.. Every sunday, nagiging family day namin.. Pambawi ko sa mga panahong naging makasarili ako at ang pagturing ko sa kanila ay palamunin ko lang. Na ako ang nagtataguyod sa kanila.. Pinagsisihan ko na yun kasi alam ko naman na, ako ang pumili na maging ganun kaya naapektuhan lang sila..
Alam niyong dalawa kayo, tigilan niyo ako ha?? Wala pang nagpapatibok sa puso ko.. At narealize ko na kayo lang ang meron ako kaya ayaw kong pati kayo mawala sakin.. Kaya kinailangan kong magbago.. masayang saad ko sa kanila.
Kuya ang chessy mo na talaga.. Parang talagang napakalambot mo na.. Imposibleng wala talagang dahan na iba.. sabi ulit ni Blue.. Nagkatwanan sila ni Violet.
Pumasok naman si Tatay na may dalang mga pagkain.. Nagihaw pala siya sa labas.. Nakangiti siya at parang excited na makatabi kami..
Alam niyo Blue at ikaw Violet.. Yang kapatid niyo ha wag niyong kukulitin. Hayaan niyo na ang Kuya niyo. Panahon na rin naman para magkaton siya ng pamilya niya. Marami na siyang nagawa para sa atin. Panahon na para bumuo siya ng pamilya niya.
sabi ni Tatay. Si Tatay ay nasa mid 50s na.. Nakakatuwa kasi kahit naging mahirap sa kanya na tanggapin ang paghihiwalay nila ni Nanay, naging matatag parin siya para sa amin..Si Tatay Vincent ko ang pinakamatatag na tao na nakilala ko. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil kahit kailan hindi niya kaming ewan.. At hindi niya binalak na mag.asawa ulit.. Yun ang isa sa mga rason para maging masaya ako.
Tay naman?? Wala pa yan sa isip ko.. Pinagkakaisahan niyo ako eh.. sabay kamot sa batok ko..
Nagbukas siya ng Beer na inindorse ko dahil may one year supply ako.. At binigyan niya ako ng isang bote.. Umupo siyansa tabi ko..
Eh Red? Kelan mo pa balak? Aba gusto ko nang makita ang magiging apo ko sayo? masayang sabi niya. Napatingin ako sa kanilang tatlo.. Paano kung sabihin ko sa kanila na hindi babae ang nagpapatibok ng puso ko??
Panu kung sabihin ko na ang taong iyon ay siyang nagpabago sa akin. Na nagpamulat sakin kung gano ako kaswerte dahil maraming nagmamahal pala sa akin at ako lang ang naglalayo sa sarili ko sa kanila?? Paano kung malaman nilang bakla ang gusto kong makasama habang buhay..
Tay, paano kung hindi babae ang gusto kong makasama.. Paano kung hindi siya yung inaasahan niyo?? nagaalangang tanong ko kay tatay.. Nagkatinginan naman silang tatlo.. Yung puzzled look sila..
BAKLA KA Kuya?? sabay na sabi ng dalawa kong kapatid..
Nagulat ako sa reaction nila sa tanong ko.. Bakla ako?? Hindi sa ganun.
Pero ang mahal ko ay isang bakla. At tanggap ko yun. Dahil mula nung marealize ko ang lahat, narealize ko na mahal ko na siya.. Dahil sa galit ko sa kanya, doon pala nabuo ang pagmamahal ko para sa kanya.. Hindi ko na tiningnan pa kung ano siya. Dahil hindi na natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin mo.. Mas lalo ko siyang minahal ng makasama ko siya habang nagpapagaling sa ospital.. Si Shino ang taong mahal ko..Hindi ako Bakla.. Pero yung taong mahal ko, siya ay Bakla.. mariin kong sabi sa kanila..
Napatakip ng bibig si Violet, nagkatinginan naman si Tatay at si Blue..
Kuya?? Akala ko ba ayaw mo sa mga bakla?- Blue
Eh diba nga? The last time I checked, yung huling baklang nagbigay sayo ng offer at inistalk ka pa kahit san ka magpunta, sa ospital bumagsak? Bakit all of the sudden ganyan??- Violet
Tama sila, pero nagbago na ang lahat ng yun.. At walang dahilan para itago ko yun sa kanila..
Anak naman?? Paano ka magkakaroon ng pamilya mo kung Bakla pala ang nagpapatibok niyang puso mo?? Hindi ako tumututol anak pero, isipin mo naman ang sasabihim ng ibang tao? sabi naman na may pag.aalala si tatay.. May punto siya doon. Hindi magiging maganda ang kalalabasan ko nun sa maraming tao. Pero wala na akong pakialam.. Si Shino lang ang magpapasaya sa akin.. Siya lang ang nakapagpabago sakin.. At siya lang ang nakapagpangiti sa akin. Kaya kung papipiliin ako sa imahe ko at sa kaligayahan ko, si Shino ang pipiliin ko.. Handa akong iwan ang aking pagmomodel kung magiging masaya naman ako kasama si Shino..
Tay, masaya po ako sa kanya. Siya po ang dahilan kung bakit nagbago ako.. Kung bakit napapasaya ko ang mga tao sa paligid ko? Dahil siya ang nagbigay sakin ng ganung pakiramdam. Ang bigyang halaga ang damdamin ng iba..
Ngumiti naman sila sa sinabi ko.. Linapitan ako ni Violet at yumakap sa akin.
Kuya, kahit sino pa siya, ayos lang sa akin. Kasi alam ko na siya nga ang nagpabago sayo. At dahil dun, naging masaya na ulit ang bahay.. And so what kung bakla siya.. Ang mahalaga, napapasaya ka niya.. sabi niya sakin. Natutuwa ako dahil naiintindihan niya ako..
Lumapit din sakin si Blue at inakbayan ako.. Ngumiti siya ng nakakaloko..
Eh kuya? Pano yun?? Yung totoot?? Eh parehas kayong may espada? at sabay siyang tumawa ng malakas.. Kinotungan ko naman siya.. Haha.. Pang.asar eh.. Ang daming alam..
Ikaw Blue, tumahimik ka ha?? Wala akong pakialam. Basta ang pagmamahal niya ang kailangan ko.. Hindi libog!!
At nagtawanan silang tatlo.. Iniisip parin nila kung pano nga yung sexual relationship ko kay Shino?? Kahit kailan kasi, hindi ako nagpagalaw sa mga bakla. Kahit anong gawin nila, di ko sila pinagbibigyan. Puro babae palang ang naikama ko..
Ah basta.. Bahala na. Darating nalang ang panahon na yun. Handa na rin akong ibigay sa kanya ang sarili ko..
Oh siya sige, uminom pa tayo. Para sa pag.ibig ni Red!! Cheerss!! masayang saad ni tatay sabay taas ng beer niya..
Cheerrrsss!!
Masaya ako at naintindihan nila ako.. I cant wait to say I Love You.. Kay Shino..
------------------------------------------------T.B.C.
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomancePumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...