Napakasarap sa pakiramdam. Parang lumulutang ako sa hangin. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag hinahalikan ka ng taong pinakamamahal mo?Hindi ko narin mapigil na di tumugon sa halik ni Red sa akin. Nakakapanliyab ng kalamnan. Lahat ng sakit na aking nararamdaman ay lahat naglaho. Dahil nalaman ko na, na mahal niya talaga ako. Napatunayan ko na yun. At sana hindi na matapos ang sandaling yun..
BAAAAAAANNNNNNGGGGGGGG!!
Isang malakas na putok ang nagpagulantang saming dalawa. Nagkatinginan kami. Nag.aalala ang mga mata niyang iyon. Hindi ko alam kung nasundan nga ba kami ni Jonathan? Pero paano? Ano ang ginawa niya para masundan kami..
Titingnan ko kung sino yun.. Diyan ka lang. Huwag kang gagalaw. madiin na bilin sakin ni Red..
Agad naman siyang lumabas ng kwarto. Pinilit kong tumayo. Hindi ko pwedeng hayaan siyang mag.isa. Kung si Jonathan man ang nagpaputok nun, hindi ko maaaring hayaan na masaktan niya si Red.
Agad akong nakalabas ng kwarto kahit nahihirapan parin akong makabalanse.. At nakita ko nga kung sino ang nasa sala.. Si Jonathan at may hawak siyang baril na nakatutok kay Red..
Aba? Nakakatuwa talaga.. Magkasama ang mga taong pinakamahalaga sa buhay ko. sabi ni Jonathan na parang tuwang tuwa pa siya na ganito ang sitwasyon.
Jonathan, wag mong idadamay sa ating dalawa si Shino. Wala siyang kinalaman.. saad ni Red na galit na galit..
Ohhww?? Talaga. Hindi ko na alam eh? Sa pagkaka.alam ko, damay na siya sa ating laro.. Diba nga, mahal mo siya? Oh eh di mahal ko narin siya-Jonathan
Hayop ka talaga!!. Walang hiya ka!!. Wag na wag mo nang gagalawin ulit si Shino. Papatayin kita pag ginawa mo yun!!- Red
Haha!! Si Shino din naman ang nagdala sakin dito. Dahil sa kanyang
damit na yan, natunton ko kayo. I put a tracking device on his shirt. Alam ko kasi na makakatakas siya. At ang unang una niyang tatawagan ay ikaw.. Hahaha.. Everything will happen according to my plans.Nanginig ako sa takot dahil matalim ang tingin niya sakin. Yung parang gustong gusto na niya akong patayin. Napapa.atras ako dahil malapit na siya sakin at sakin nakatutok ang kanyang baril..
Parang awa mo na Jonathan ako nalang, wag mo nang idamay si Red..
Napansin kong dahan dahang lumalapit din sa amin si Red. Sinenyasan niya ako na ipagpatuloy ang ginagawa ko..
Haha.. Hindi Shino.. Hindi ko yun magagawa. Paano na ako kung papatayin kita? Ang dapat mawala ay si Red!! Dahil inagaw niya lahat sa akin.. Inagaw ka niya sa akin!! hiyaw niya na nanlilisik ang mata. Itinutok niya sa noo ko ang baril.. Napalunok ako sa takot.. Sana ay magawa ni Red ang binabalak niya.
Sige iputok mo na yan Jonathan!!. Napakawalang hiya mo.. Pinagkatiwalaan kita at ako pa ang ginago mo?? singhal ko sa kanya.. Nakakatakot talaga ang itsura niya.
At bigla siyang pinalo ng bakal sa ulo ni Red. Nawalan siya ng malay at agad akong hinablot ni Red para makaalis na din doon. Pumunta kami sa pinagparkingan ng sasakyan niya pero butas ang mga gulong nun kaya hindi mapapakinabangan.
Napakasukal panaman ng lugar na yun bago makarating sa highway.. At sa kabilang banda naman ay dagat kaya mahihirapan kaming makalabas doon.. Kaya wala na kaming choice kundi tahakin ang masukal na patag..
Shino, makakaalis tayo dito, wag kang mag.alala. pagpapakalma sa akin ni Red habang magkahawak parin ang aming mga kamay. Nahihirapan man along maglakad at paika.ika ay pinipilit kong makalakad para hindi kami mahuli ng hayop na Jonathan na yun.. At malayo layo narin naman ang aming nalakad..
BAAAAANNNGGG!! BAAAANNNNGG!!
Dalawang putok ng baril ang narinig namin. Alam kong nagkamalay na si Jonathan at hinahabol niya kami. Nagragasa nanaman ang takot na nararamdaman ko. Binilisan pa namin ang pagkilos..
Pero nakita naming malapit na siya sa amin. Itinututok niya ang baril niya sa amin..
HINDI KAYO MAKAKAALIS DIIITOOOO!! MAMAMATAY KAYONG DALAWA!! sigaw ni Jonathan na parang sinaniban ng sampung demonyo..
Bilisan natin Red.. Malapit na siya sa atin. Nakakabwesit talaga ang hayop na yan. saad ko habang hingal na hingal na kalalakad na patakbo..
Basta tandaan mo mahal kita Shino. At sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko.. sabi ni Red na may paglalambing..
Punyeta ka Red!!.. Umalis muna tayo dito. Saka ka na magpropose.. Kita mo nang may demonyong gusto tayong patayin. sabi ko sa kanya. At napatawa siya ng mahina..
Malapit na kami sa bukana at kunti nalang ay highway na. Binilisan pa namin ang takbo ng bigla akong may naramdamang sakit. Isang matinding sakit na hindi ko na kinayang tumayo.
Shino?? Ayos ka lang ba?? nag.aalalang tanong ni Red..
At biglang pumutok ang baril. Nakita ko ang pagtama nun sa dibdib ni Red. Natakot ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari samin. Sabay kaming bumagsak na magkaharap. Nagkakatitigan kami.. Ngumiti siya sakin..
Red?? Red?? Wag kang bibitaw ah?? Alam ko kaya mo yan.. Makakaalis tayo dito.. Ako na ang lalaban para sa ating dalawa. Tama na ang nagawa mo para sakin. saad ko sa kanya habang unti unting nawawala ang kanyang paningin. Napapikit siya. Hindi pwedenh mamatay si Red.. Hindi siya pwedeng mawala sakin..
Hahahaha!! Sapul!! Patay na si Red..
sigaw ni Jonathan habang palapit na siya sa aming dalawa.. Nagpanggap akong nawalan ng malay.Napakahina mo pala Red.. Sayang at patay ka na.. nakatawang saad ni Jonathan..
IBABA MO ANG BARIL MO!? hiyaw ng isang boses.
Wag mong tangkaing lumaban dahil napapaligiran ka namin..
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ngang pinupusasan na si Jonathan nga mga Pulis. Hindi ko alam kung may buhay pa ba si Red. Dahil unti unti narin akong nawawalan ng malay.. Dahil sa sakit... Sa takot...
Sana ay maayos lang siya.. Sana makaligtas siya.. at tuluyan na akong nawalan ng malay..
---------------------------------------------------T.B.C.
A/N
Last two chapters nalang guys.. I know maiksi lang ang kwento pero sana nagustuhan niyo.. Its just my first story.. At abangan niyo ang susunod ko pang gagawin na kwento..
I Hope na sana nagustuhan niyo ang kwento ni Shino at Red..
Linikha lang sila ng utak ko pero napamahal na sila sa akin.
Dahil binuhos ko ang oras ko para maging maganda ang kwento nila..Kaya abangan niyo ang last two chapters..
I am hoping na it will be a happy ending... Kayo?? Hehe..
So comment and vote guys ha?? Para naman maramdaman ko na kahit papano maganda ang naging storya ko..
THANKS
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomancePumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...