Red's Point of View
Tatlong linggo na nga ang nakalipas nang maaksidente si Shino.. Hanggang ngayon, nandoon parin ang galit ko sa sarili ko.. Dahil sakin kaya nangyari sa kanya ang aksidenteng iyon.. At ngayon nga na kaharap ko siya at di niya ako maalala.. Mas lalo akong naiinis sa sarili ko..
Three Weeks Ago...
He had suffered an injury in his head. And you need not to worry kasi its just a minor cut pero may nakapasok na mga bubog sa kanyang skull kaya kailangan nating matanggal yun agad.. Sige I have to prepare the operation. sabi sa amin ng Doktor na nag.aasikaso kay Shino..
Kasama ko si Leah at ang handler ni Shino na si Daisy. Nandoon na rin si ang Mommy niya.. Sobra akong nag.aalala sa kanyang kalagayan. Balisa ako na di ko naintindihan.
Maraming salamat sa inyo at naligtas ang Anak ko.. Hindi ko kakayanin kunh mawawala sa akin ang anak ko?! umiiyak na turan ng Mommy ni Shino. Niyakap naman siya ni Daisy. Naiiyak din si Daisy dahil alam ko na malalim narin ang kanilang pagkakaibigan. Ayaw ko munang magsalita.. Dahil wala akong masabi sa mga nangyayari. Paano kung biglang mawala si Shino?? Hindi pwede!! Hindi ko pa nahihingi sa kanya ang pagpapatawad niya sakin..
Wag kang mag.alala Tita, kakayanin yan ni Shino.. narinig ko na sabi ni Daisy. Pampalubag loob niya sa natatarantang nanay ni Shino.
Bakit ba kasi nangyari to sa kanya? Hindi ko alam kung bakit niya nararanasan ang mga bagay na to?? Daisy ano bang nangyari??
Tumingin lang samin si Daisy. Pero pinili kong tumango lang. Dahil hindi ko naman alam kung bakit talaga nangyari kay Shino ang ganun?? Di naman siya nakainom??
Tita kasi, inamin na niya kay Ms. Bennet ang totoong pagkatao niya.. At inamin niya na kung bakit ginawa niya ang pag momodel na alam niya namang hindi daw ito para sa kanya.. saad ni Daisy.. Anong sinasabi niyang inamin sa pagkatao ni Shino??
Sinabi niya na plinano lang nila ng kaibigan niyang si Gino ang lahat.. Nagpanggap siyang lalaki para mas mapalapit sa mundo ng modeling.. Dahil si Red Diaz ang dahilan kung bakit nasaktan nang husto si Gino..
Nagulat ako sa narinig ko.. Tiningnan ko ng masama si Daisy?? Anong ibig niyang sabihin?? Na nasaktan ko ang kaibigan niyang si Gino?? Ibig sabihin magkaibigan sila ni Gino at bakla rin si Shino??? What the F*ck?? So kaya pala ganun ang pakitungo niya sakin sa simula palang.. Kasi nasaktan ko si Gino..
Ibig mong sabihin?? Bakla si Shino?? Oh My God!! Hindi ako makapaniwala?? Bakit niya ginawa yun?? sabi naman ni Leah na gulat na gulat..
Kanina ko lang din nalaman ang lahat. At nang nalaman yun ni Ms. Bennet, nagulat siya ng sobra sa naging reaction ni Ms. Bennet kaya umalis siya sa office na masama ang kanyang loob.. Dahil pakiramdam niya sobra ang panlolokong ginawa niya.. saad ulit ni Daisy.
Napasabunot ako sa ulo ko. Bakit niya nagawa yun?? Tinago niya pala ang pagkatao niya sakin.. Sa maraming tao.. Linoko niya ang marami?? Dahil sakin?? Para makapaghiganti siya sakin?? Yun ba?? Haha.. Napakagaling niya palang umarte.. Wow ah?? Sakay na sakay ako dun.. Di ko nahalata na bakla pala siya. Akala ko na ako yung nababakla sa kanya..
Pero sinabi niya sakin na kapag naamin na niya ang pagkatao niya. Titigil na siya sa pagmomodel. Kaya hindi ko narin alam kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi naman siguro niya planong magpakamatay nun.. naiiyak na sabi ni Daisy..
Tumayo ako at akmang susuntukin ang pader na nasa harapan ko nang may pamilyar na mukha ang pumasok bigla sa emergency room.. Si Gino.. Lalong kumulo ang dugo ko.. Ito pala ang idea niya ng pag.ganti ah?? Sinalubong ko siya at kwinelyuhan. Sobra ang galit ko sa mga oras na yun..
Ikaw!? Ang galing niyo ah? Nagawa mo palang magplano ng ganung bagay?? Para makaganti ka sakin?? At tingnan mo?? Ano ang kinahinatnan ng plinano niyo?? Nasa panganib ang buhay ng kaibigan mo ngayon!!.. Masaya ka ba?? galit na galit kong siyang tinulak. Naiyak naman siya.. Puno ng pag.aalala ang mga mata niya.
Hindi ko inakala na mangyayari to?! Hindi ko alam na masasaktan siya sa ginawa naming ito.. Hindi ganito ang dapat nangyari .. naiyak nalang siya..
Inawat naman ako ni Leah at linapitan ng Mommy ni Shino ang baklang si Gino..
Lalo akong nagalit. Nagagalit ako kasi alam ko na sa sarili ko na mali ang ginawa ko sa kanya noon, at ang nagbayad ng ginawa niyang pag ganti ay ang taong mahalaga na sa buhay ko..Magdasal ka na mabuhay si Shino!! Dahil pag may masamang nangyari sa kanya.. Magtago kaman sa impyerno, susundan kitang Hayop ka!! Si Shino ang nagbabayad ng ginawa mong kagagohan...
At umalis ako sa kanilang harapan.. Pumunta ako sa lugar na makakahinga ako. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari. Sana walang masamang mangyari kay Shino.. Ayos lang kung bakla siya at linoko niya kaming lahat kasi alam ko na ginawa niya yun para sa kaibigan niya.. At sa ginawa niyang iyon ay nabago niya ang pagtingin ko sa kanya. Tinanggap niya ang kagaspangan ng ugali ko at nagpakumbaba siya sakin para maging magkaibigan kami.. At dahil dun nabuksan niya ang puso kong matagal nang natutulog.. Ang puso ko na kinain ng galit sa mga nangyari sa buhay ko..
Kaya hindi ako susuko hanggang di bumabalik ang alaala niya. At kung di man yun bumalik, gagawa ako ng mga bagong alaala kasama siya..
Alam mo Red, nahihiwagaan ako sayo? Bakit hindi kanalang magpakilala sakin baka maalala kita.. Baka nahulog lang sa baba ng kama ang memory ko sayo!!. at sabay siyang tumawa.. Napangiti nalang din ako.. Nakakatuwa siyang tingnan.. Kumakaim siya ng orange habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya sa may sofa sa loob ng hospital room niya.. Hindi ko maiwasang mag.alala kung malaman niya na kung sino talaga ako. Dahil ang nabuo niyang alaala sakin ay galit siya sa akin. Na kinamumuhian niya ako..
Kapag naalala mo ako, sana walang magbago sa mga ngiti mo Shino.. Gusto ko lagi kang nakangiti. Masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti. sabi ko naman sa kanya..
Kinamot nalang niya ang ulo niya. At ngumiti ako ng matamis sa kanya.. Sana nga ay gumaling na siya ng tuluyan.
Gusto kong bumawi sa kanya.. Dahil sakin kaya siya nandiyan sa sitwasyon niya. Dahil sa sama ng loob niya.. Siguro pinili ng utak niyang kalimutan ang mga masasamang nangyari sa kanya..At isa ako sa mga kinalimutan niya..
---------------------------------------- T.B.C.
A/N Hi Guys!? Ahm I am planning to make this story into thirty chapters nalang. Kasi this is just my first novel na ginawa.. At hindi pa naman ganun kahasa ang writing skills ko pero sana nagiging masaya kayo sa binabasa niyo..
Last Ten Chapters nalang ang gagawin ko.. So up until the end, marami pang mangyayari..
Thanks! :D
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomansaPumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...