Red's Point of View
Agad kong nahanap ang hospital na sinabi sa akin ni Shino. Nandoon parin ang pag.aalala ko sa kanya. Pero mas nangigibabaw ang galit ko kay Jonathan. Hindi ko akalain na gagawin niya ang bagay na yun. Ako ang dapat niyang singilin sa mga nagawa ko sa kanya pero bakit dinadamay niya si Shino.
Pagkapasok ko sa ospital, hinanap ko agad ang emergency room.. Swerte naman at walang masiyadong pasyente kaya nahanap ko agad si Shino..
Hindi muna ako nakalapit sa kanya.. Kitang kita ko ang mga mahahabang sugat sa kanyang mga paa.. Napakarami niyang sugat at nadurog na ang puso ko.. Nanghina ako bigla sa nakita ko. Hindi ko akalain na dadanasin niya ang ganitong mga pangyayari.. Simula ng magkakilala kami, lagi na siyang napapahamak. Alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan nito.
Umiiyak siya habang nakikita niya akong lumalapit sa kanya. Blanko ang pakiramdam ko. Dahil siguro naghalohalo na ang galit at awa at pagmamahal ko para sa kanya..
Red.. Pasensya ka na kung ganito ang itsura ko. Hindi ko naman-----
Shhhh... Tahan na Shino. pag.awat ko sa kanya sa pag.iyak niya. Binaba niya ang kanyang tingin.
Wala kang kasalanan. At wala kang dapat ihingi ng tawad. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan. Magpagaling ka muna. Babantayan kita.. Wag kang mag.alala..
Tiningnan niya ulit ako, yung tingin na nag.aalala.. Na may gusto talaga siyang malaman mula sakin.
Kilala mo ba si Jonathan? Hindi ko kasi alam paano sasabihin pero siya lahat ang may gawa nito.. Para siyang may sira sa utak.. Sinabi niya na kukunin niya daw ako sayo, pati ang pamilya mo? Natatakot ako.. saad niya sakin na nababahiran ng takot. Sobra ang ginawa sa kanya ng hayop na Jonathan na yun.. Humanda siya dahil ako mismo ang papatay sa kanya..
Shino, hindi na yun mahalaga ngayon. Kailangang makaalis tayo dito, kailangan makapunta tayo sa lugar na ligtas ka. Ako na ang bahalang humarap sa kanya. Ako ang tatapos sa kalokohan niya.
Pero Red? Hindi ko pwedeng hayaan ka lang. Kailangang kasama mo ako. pagsusumamo niya. Umiling lang ako sa kanya.
Hindi Shino, wala kang kinalaman sa aming hindi pagkakaunawaan. Sasabihin ko sayo lahat, kapag natapos na to. Ang mahalaga ngayon ay maging ligtas ka sa kanya.. at hinawakan ko ang kanyang napaka.among mukha. Ang mukhang nagpapatunay sakin na dapat kong gawin ang tama. Kailangan kong tapusin ang mga kalokohan na ito..
Pinuntahan ko ang mga nag.asikaso kay Shino at pinakiusapan ko silang madala ko si Shino paalis sa ospital na yun. Dahil nanganganib nga siya doon. Pinayagan naman nila ako at dinala ko na si Shino. Rinesatahan nalang kami ng mga gamot para mabilis siyang gumaling..
Inakay ko siya papasok ng kotse dahil nahihirapan parin siyang maglakad dahil nga di pa siya tuluyang gumagaling sa kanyang aksidente at ito pa nadagdag ang mga sugat na dulot ng latigo na hinampas sa kanya ni Jonathan. Humanda talaga siya kapag nakita ko siya. Ipaparamdam ko rin sa kanya ang ginawa niyang pagpapasakit sa aking minamahal.
Red, payagan mo akong sumama sayo. Pwede pa natin siyang kausapin at huwag nang dumaan pa sa ganito? Yung magpapatayan kayo? saad ni Shino sa akin habang naglalakbay kami papunta sa Batangas. Doon ko siya dadalhin.
Shino alam mo bang napakarami ko nang kasalanan sayo? Kapag may masamang nangyari nanaman sayo, baka pati sarili ko hindi ko na mapatawad? Please Shino.. Ito lang ang hinihiling ko sayo.. sabi ko naman sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa. Alam ko na gusto niyang walang dahas na mangyari. Pero alam ko na dahas ang gusto ni Jonathan.
Nakapundar ako ng isang maliit na resthouse sa Kalatagan, Batangas. Malapit ito sa dagat kaya maganda ang paligid nito. Pinili ko talaga yun dahil sa gustong gusto ko na nakikita ang dagat. Dahil iyon din ang dahilan kung bakit ako nagbago. Dahil sa dagat, napagtanto ko na hindi lahat ng bagay umiikot sa kamay ko, na ang dagat hindi ko kayang hawakan. At dahil sa dagat, nahanap ko ang pagbabago sa katauhan ni Shino. Dahil siya ay kakaiba.. Siya ay ibang iba sa lahat.
Nang makapasok na kami sa loob ng resthouse, tinungo namin ang kwarto ko sa pinakadulong part ng bahay. Maliit lang yun pero napakaaliwalas. Nakakagaan ng loob. Pinaupo ko si Shino sa kama at tumabi ako sa kanya..
Shino, alam mo nung niligtas kita sa pagkakalunod mo, hindi ko naintindihan ang sarili ko. Lalo na nung malapat ang bibig ko sa labi mo.. Parang may kuryente na dumaloy sa mga ugat ko.. pagbasag ko ng katahimikan.. Napatingin naman siya sakin. Saking mga mata.
Iniisip ko nang mga sandaling iyon kung paano ako makakahingi sayo ng tawad. Pero lagi akong pinangungunahan ng pride ko at galit. Kasi nagagalit ako sayo, kasi hindi ko tanggap sa sarili ko na, humahanga na ako sayo. Lahat ng klaseng tao nakilala ko na pero, ikaw ang pinakaiba sa kanilang lahat, dahil binago mo ako. Binago mo ang pagtingin ko sa buhay.. at bigla niya akong yinakap. Napakasarap sa pakiramdam. Gumaan ang pakiramdam ko na nasabi ko na sa kanya ang gusto kong sabihin..
Ang totoo Red, wala akong galit na nararamdaman sayo. Siguro sumama lang ang loob ko sayo dahil hindi mo manlang ako magawang pakitunguhan ng maayos. Parang napakasama kong tao. Pero alam kong may dahilan kung bakit ka ganun. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naliwanagan niya ang isip mo.. Hindi ako ang nagpabago sayo, ang sarili mo ang nagkusa.. sabi niya na parang maiiyak na.. Pinaharap ko ulit siya sakin at hinawakan ang mga balikat niya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Napakasaya ko. Nakikita ko ang mapupungay niyang mata, makapal niyang kilay, at napakapulang labi. Lahat sa kanya napakaganda. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit ano pa siya, mahal na mahal ko siya..
Naglapat ang aming mga labi. Nalasap ko nanaman ang sarap ng pakiramdam na binibigay nun. Nakakabaliw. Hindi ko napigilang sidhian ang paghalik ko sa kanya. Napakasarap ng kanyang mga labi. Napakalambot. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang bitawan..
Nagkahiwalay ang mga labi namin na hingal na hingal. Alam ko sa loob ko, napakasaya ko. At ganun din ang nararamdaman niya. Kaya hindi ko na pinatagal pa ang pagnanasang nasa isipan ko.
Tuluyan ko nang sinakop muli ang kanyang mga labi. Dahan dahan at hindi ko mawari pero nararamdaman kong tinutugunan na niya ang mga halik ko. Alam kong hindi pa niya ito naranasan kaya mas lalo akong natuwa..
Hiniga ko siya sa kama. Hindi ko gagawin ang bagay na iyon sa kanya. Dahil may dinaramdam pa siya. Pero that was the most unforgettable moment.. Ang mahalikan siya nang may pagmamahal..
It was more than heaven for me.. It was even higher than cloud 9..
At may biglang pumutok. Putok ng baril...
BAAAAAANNNNNGGGG!
------------------------------------------------T.B.C.
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomansaPumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...