Chapter 19: The Turn of Tables

5K 185 5
                                    


Third Person's Point of View

Habang masayang magbiyabiyahe si Red kasama ang handler niyang si Leah ay hindi nila inakala ang mga sumunod na nangyari.. Isang kotse ang bumanga sa isang road barricade. Nasa Metro Manila na sila ng mga sandaling iyon pero nasa isang hindi masiyadong mataong lugar. Hindi rin ganun karami ang sasakyan. Nagulat silang lahat at agad nilang hininto ang sasakyan para tingnan ang nangyaring aksidente. Tumawag naman agad si Leah ng emergency para masaklolohan nila.

Nauna si Red sa kinaroroonan ng kotse. Basag ang windshield nito at wasak ang harapan. At nakita niya kung sino ang nasa loob ng sasakyan.. Si Shino..

Red's Point of View

Nangilabot ako sa nakita ko. Si Shino duguan ang kanyang mukha. Hindi ako nagdalawang isip na pulsuhan siya. Mabuti nalang at buhay pa siya pero mahina na ang pulso niya.. Hindi ko na maiwasang matakot.. Hindi siya pwedeng mamatay. Marami pa akong gustong malaman sa kanya. Hindi pa ako nakakapag apologize. Bahala na kung bakla ang maging kalalabasan ko pero palagay ko ay mahal ko siya.. Dahil nabago niya ang pagtingin ko sa mundong ginagalawan ko.. Ang hindi maging madamot..

Damn it Leah!! Wala pa ba ang emergency response?? Si Shino ang naaksidente!! napasigaw ako sa pag aalala at takot narin..

What?? Si Shino?? Sige sige tatawag pa ako ulit..

At di naman nagtagal dumating na ang ambulance. Kahit duguan na ako, ayos lang basta mabuhat ko lang siya.. Linagay ko muna siya sa kalasada at binuhat naman siya ng mga nagrerespond sa emergency at sinakay sa stretcher..

Hindi ko parin mawala sa isip ko ang takot. Pinatawagan ko kay Leah ang kanilang company para ipaalam na naaksidente.. At sinugod na nga namin siya sa malapit na hospital.

-------------------------

Shino's Point of View

Napakagaan sa pakiramdam. Parang nasa isa akong panaginip. Napakaganda ng paligid ko.. Nasa burol ako na malapit sa isang lawa ako na maraming ibon na nagtatapisaw.. Nakakatuwa silang tingnan.. Sana dito nalang ako sa lugar na to. Masarap ang hangin.. Lahat ay maganda tingnan. Marami akong gustong takasan. Dahil unti unti ko nang naramdaman na nawawala na ang sarili ko sa akin.. At bigla ngang naging maliwanag lahat parang linamon ako ng liwanag at isang iglap, isang kwarto na ang kinalalagyan ko.. Tiningnan ko ang paligid..

Nasa hospital ako. Ano ang ginagawa ko rito?? Tiningnan ko naman ang nasa gilid ng bed.. Si Mommy Tita pala.. Napangiti ako. Hindi ko maalala kung ano ang nangyari. Masakit ang buong katawan ko. Parang nabaliaan ata ako ng mga buto.. Ano ba talaga nangyari sakin??

M-mmommy? mahina kong sabi. Pati ang pagsasalita ko ay nahihirapan ako..

Shino?? Anak!! Oh diyos ko!! Salamat ay gising ka na.. Teka tatawagan ko lang ang doktor.. at sabay niya akong hinalikan sa noo. Ano kaya ang nangyari sakin. Bakit ako naospital.. Naaksidente ba ako??

May biglang pumasok sa kwarto ko. Isang gwapong lalaki. Matangkad at napakagwapo niya at parang tuwang tuwa siya.. Sino kaya to?? Bakit siya nakakita?? Kung makangiti??

Kumusta ka Shino?? Narinig kong nagkamalay ka na sa Mommy mo kaya pumasok ako dito.. Ano? Ayos ka lang ba?? nagaalalang tanong niya sakin.. Sino kaya to?? Di ko naman siya kilala? Bakit kilala niya ako at si Mommy Tita ko?? Nakakapagtaka.. Siguro siya yung nagligtas sa akin? Kung naaksidente man ako.. Pero kailangan ko siyang tanungin..

Bigla namang pumasok si Mommy Tita at ang isang gwapong doktor. Bakit amg daming gwapo sa aking paningin ngayon? International Day of Handsomeness ba?? Haha sana araw araw nalang ganun.. Nakakawala ng sakit sa katawan..

A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon