Chapter 15: Apology

5.2K 179 1
                                    

Sobra talaga siya kung magsalita. Bakit ko pa ba kasi ipinilit ang gusto ko. Na magkabati kami. Na maging maayos ang aming pakikitungo sa isat isa kasi ayoko na makatrabaho siya na masama ang loob niya sakin. Hahays.. Sana nga di ko nalang ginawa yun.. Anu ba kasi Shino? Anu ba ang iniisip mo? Alam mo namang masama talaga ang ugali ng Red na yun pero pinipilit mo parin ang sarili mo.. Napaiyak ka tuloy.. Bakit ba kasi ako umiyak?? Sige iiyak nalang muna ako ngayon.. Pero bukas, ibibigay ko ang gusto niya. Pasamaan ng ugali ang gusto niya? Sige.. Hindi ko siya uurungan.. Nagkamali ako na mas kilalanin pa siya dahil sa nangyari palang kanina.. Confirmed na ang kapangitan ng ugali niya. Devil in Disguise?!

Tinawagan ko si Mommy Tita para mag goodnight at umakyat narin sa hotel room ko.. Pinakyaw kasi ng advertisers ang buong hotel kay kami lang lahat ng staffs ang nakaoccupy sa hotel sa mga oras na yun..

Inisip ko lahat ng mangyayari bukas. Hinding hindi ko siya kakausapin. At hinding hindi ko na siya papansinin kahit kailan.. Total ayaw din naman niya.. Fair square na kami sa mga gusto namin. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya.. Kahit ano pa ang gawin niya.. Wala na akong pakialam..

Nagring bigla ang phone ko. Si Gino ang tumatawag.. Ano kaya ang problema nito. Buti naman at naisip niyang tumawag. Nakakatampo na nga siya eh..

Hello Shin?? Ano na? Kumusta ang first day diyan sa shoot?? Ayos ba??

Oo Gino.. Ok lang.. Bukas na ang shoot ng TV Ad.. Bakit ka napatawag?

Aba dapat ba lagi may reason? Namimiss lang kita.. Masama na ba tumawag?

Hindi naman pero syempre alam ko na laging may reason kung bakit ka tumatawag??

Ahm.. Ano.. Yung pinlano natin kay Red.. Huwag na nating ituloy.. May nalaman kasi ako.

Hindi na itutuloy? Ano bang sinasabi niya? Di ba siya ang may gusto nito?? Alam ko na ayaw ko narin ituloy to dati pero ang nangyari sa amin kanina, it made me think na dapat nga siyang saktan..

Bakit naman? Alam mo bang malayo na ang narating ng plano na to? Eto na oh matutupad na? Nagkasama na kami sa isang project.

Kasi Shin, nag background check ako sa kanya, a few weeks ago narin. May nalaman ako sa nakaraan niya. Napilitan lang pala siya magmodel dahil may isang tao na nanloko sa kanya. It turned out na yun ang naging reason niya para maging magaspang ang ugali niya. Kaya nakakasakit siya ng ibang tao. Ayoko siyang saktan natin siya ng dahil sa pansarili kong interes. Please Shino?

Nagulat ako. Tama ba yung mga sinasabi niya? Bakit ganun? Pero hindi ko siya nakikitang isang mabuting tao. Puno ng kasamaan ang nakikita ko sa kanya..

Hindi totoo yan Gino. Masama talaga ang ugali ng taong yun. I should have known better. Sinubukan ko na talagang itigil ang plinano natin pero nang makilala ko na siya nang harapan. Nakita ko kung paano niya ako ituring na parang wala akong manhid. Na hindi ako nasasaktan! Hindi ko ititigil to.. Dahil ako na mismo ang maghihiganti sa ginawa niyang pagyurak sa akin..

At binaba ko ang phone ko. Sobra ang galit ko sa mga oras na yun. Hindi na ako aatras. Dahil ayoko sa lahat ang minamaliit ako. Yung nagiging mabuti na ako pero kasamaan ng ugali ang ginaganti sa akin. Nakakapagod narin maging mabait. Lagi nalang nasasaktan.. I want to get bitchy sometimes..

-------------

Kinabukasan.. Maaga akong nagising. Naisipan kong magswimming dahil mag susunrise palang. Pampa good vibes lang.. Kasi sigurado akong mamaya lang sasama na ang takbo ng araw ko.. Hinubad ko ang sando ko at agad na nga akong lumangoy papunta sa malalim na part ng beach.. Habang lumalangoy ako, bigla sumakit ang kaliwang paa ko.. Shit!? Pinupulikat ata ako? Renilax ko muna ang paa ko. Alam ko ang mga basic pagdating sa swimming. Kaya alam ko na kapag ganito ang sitwasyon. Pero parang hindi na ata tumatalab ang pagrelax, lalo akong namumulikat. Kinabahan na ako. Malalim panaman ang napuntahan ko. Hindi ko na nakayanan kaya unti unti na nga akong naubusan ng hangin. Mamatay na ba ako?? Napakasamang kamatayan naman nito.. Nagdilim bigla ang paningin ko. Nalunod na nga ako ng tuluyan..

A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon